TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

SSS Maternity Benefits: Paano Ka Makakakuha Nito?

4 min read
SSS Maternity Benefits: Paano Ka Makakakuha Nito?

Hindi madaling magbuntis, at maraming responsibilidad ang dala nito sa mga nanay. Kahit anong mangyari, kailangan mo ng tulong, kaya ang pagkakaroon ng SSS maternity benefits ay kapaki-pakinabang sa mga nanay.

Sa araw na malaman mong buntis ko, ito na yata ang pinakamasaya at katakot-katakot na sandali ng buhay mo. Pero kasama nito ay ang kayraming responsibilidad bilang magulang. Kaya naman mabuting magkaroon ng support system na makatutulong sa iyong pagbubuntis, kagaya ng SSS maternity benefits.

SSS maternity benefits

 

Para sa mga nanay na unang beses pa lang magka-anak, mahirap magdala ng sanggol ng siyam na buwan habang naghahanap buhay. Kaya naman importanteng malaman ng mga ina ang SSS maternity benefits at iba pang suporta galing sa gobyerno na karapatan nila.

Ano ba ang SSS maternity benefits?

Kasama dito ang maternity leave na ibinibigay sa mga inang may trabaho, depende sa uri ng panganganak niya. Para sa normal na panganganak, pinahihintulutan ng SSS maternity benefits ang ina ng 60 araw sa kalendaryo na bakasyon. Samantala, ang panganganak sa pamamagitan ng Caesarean section ay pinapahaba ang bakasyon sa 78 araw sa kalendaryo.

Isa pa sa mga SSS maternity benefits ay ang araw-araw na cash allowance na ibinibigay sa mga kababaihan na hindi makapasok sa trabaho dahil sa panganganak o pagkalaglag ng bata. Ito’y ayon sa Philippine Social Security System.

SSS maternity benefits

Paano makakuha ng SSS maternity benefits

Kahit sinong nagdadalang tao ay kayang makakuha ng SSS maternity benefits kung sya ay isang miyembro ng SSS. Pwede rin silang kumuha ng SSS maternity benefits kapag nakabayad na sya ng hindi bababa sa tatlong buwang kontribusyon sa loob ng 12 buwan, bago ang semestre kung saan sya nanganak o nalaglagan ng bata.

Kailangan niya din mag-pasa ng abiso ng kanyang pagbubuntis sa kanyang tagapangasiwa o kumpanyang pinapasukan. Kung sya naman ay isang boluntaryo, malayang trabahador, o may ari ng isang negosyo, pwede syang mag-pasa ng abiso sa SSS mismo.

Pero may tamang panahon din ang pagpasa nito. Para maintindihan natin ito, tingnan natin ang sistema ng kalendaryo ng SSS.

Binibilang nila ito gamit ang semester at ang quarter. Ang isang semester ay binubuo ng anim na magkakasunod na buwan sa isang taon. Ito ay mula Enero hanggang Hunyo, at mula Hulyo hanggang Disyembre.

Ang isang quarter naman ay binubuo ng tatlong magkakasunod na buwan sa isang taon. Ito ay mula Enero hanggang Marso; mula Abril hanggang Hunyo; mula Hulyo hanggang Setyembre; at mula Oktubre hanggang Disyembre.

Kung ang isang ina ay nanganak (o nalaglagan ng anak) ng Nobyembre 10, ito ay sakop ng semestre mula Hulyo hanggang Disyembre.

Para makuha ng ina ang kanyang benefits, dapat ay nakapagbayad sya ng kontribusyon ng tatlong magkakasunod na buwan bago ang pangalawang semester ng isang taon.


SSS maternity benefits

Obtaining SSS maternity benefits

Para makuha mo ang SSS maternity benefits na ito ng walang palya, magpasa ka agad ng mga kinakailangang papales. Kompletuhin mo ang Maternity Notification Form o SSS FORM MAT-1 na may kalakip ng patunay ng iyong pagbubuntis (katulad ng transvaginal ultrasound report).

Para sa mga empleyadong miyembro, kumpletuhin ang SSS Form MAT-2 para sa maternity reimbursement. Ito ay para makapagbigay ng salary credit galing sa SSS ang tagapangasiwa ng iyong kumpanya. Ito ay dapat ibigay sa oras na (o bago) kayo magbakasyon para sa maternity leave.

Pwede mong ipasa ang mga papeles na ito sa iyong HR representative. Ang iyong HR representative naman ang magaabiso sa SSS para sa iyo.

Para sa mga nanay na boluntaryo, malayang trabahador, o may ari ng isang negosyo, ang kailangan mo lang ay ang SSS FORM MAT-1. Ito lang ang kailangan kasi ang cash allowance ay diretsong ibinibigay sa miyembro. Mas mainam na matapos mo ang mga papeles na ito para mabawasan na ang kailangan mong asikasuhin sa iyong pagbubuntis.

Para mas malinaw sa iyo ang SSS maternity benefits, ito ang infographics na pwedeng makatulong sa iyo.

 

SSS maternity benefitsSSS maternity benefits

 

SSS maternity benefits

Isinulat sa Ingles ni ANGELA VERA.

Isinalin sa Tagalog ni Paul Amiel Salonga.

Kung meron kang mga suhestiyon, tanong, o komento tungkol dito, ibahagi mo sa amin ito at i-type sa Comment box sa baba. 
Pwede mo rin kaming i-Like sa Facebook para mabasa mo ang mga napapanahong paksa at usapan galing sa theAsianparent.com Philippines!

 

Pwede mo ring basahin: Mom-to-be’s guide: Know all the maternity benefits you’re entitled to by law

 

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Paul

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • SSS Maternity Benefits: Paano Ka Makakakuha Nito?
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko