Alamin ang "secret tip" para sa mas malinis at maputing mga damit

lead image

Marami sa mga kabahayan ngayon ang puno ng mga iba't ibang panlinis na puno ng mga kemikal. Hindi laging ganito at hindi ibig sabihin ng pagbabago na ito ay mas maganda ito kaysa sa ginagawa dati. Ang mga nakasanayan at ginagawa dati na paggamit ng suka ay maganda at marami pang ibang nagagawa.

Nakakapagpaputi at tingkad ng damit ang suka

Ang acetic acid sa puting suka ay banayad at hindi makakasira ng mga tela. Ang kalahating baso nito na idadagdag sa panhuling banlaw ng damit ay makakapagpatingkad ng mga kulay. Ang pagbabad ng mga damit na gawa sa bulak dito ay maaari rin makapagpa-puti nito.

Nakakapagtanggal ng kulob na amoy ang suka

Ang mga tela na kinapitan na ng amoy ng kulob ay maaaring bumango sa pamamagitan ng paggamit ng suka. Lagyan ng mainit na tubig ang washing machine, lagyan ng dalawang baso ng puting suka at simulan ito. Ulitin ang pag-linis nito gamit ang detergent.

Nakakapag-palambot ng mga tela ang suka

Maaaring magpa-lambot ng mga damit gamit ang suka sa pamamagitan ng pagsama ng kalahating baso nito sa huling banlaw. Dagdagan ng essential oil para pampabango sa labahin.

Pantanggal ng himulmol at balahibo ang suka

Ang pagdagdag ng kalahating baso ng suka sa pagbanlaw ng labahin ay makakatulong para hindi kapitan ng himulmol at balahibo ang mga damit.

Tanggalin ang mabahong amoy sa mga damit

Kumuha ng spray bottle at punuin ito ng puting suka. I-spray ang suka sa may bandang kili-kili sa loob ng mga damit at iwanan ito nang 10 minuto bago ilagay sa washing machine. Natutunaw din nito ang mga natuyong deodorant sa damit para maiwasan ang paninilaw.

Tanggalin ang mga lukot at tupi sa damit

Ang pagpapa-alter ng mga damit ay maaaring mag-iwan ng mga tupi at maliliit na butas sa mga ito. Maaari itong tanggalin sa paggamit ng tela na basa ng puting suka. Ipatong ito sa lukot o maliliit na butas na nais tanggalin at ipitin ng plantsa.

Magtanggal ng amoy sa hangin at sinampay

Kung hindi gusto ang nagiging amoy ng kusina o kaya naman ay may mga damit na nais tanggalan ng kumapit na amoy, maaaring gamitin ang suka. Magdagdag ng isang basong puting suka sa tubig at ipakulo ito. Ang usok ng pinapakulo na ito ay makakapagtanggal ng amoy na hindi kanais-nais.

Panlinis ng washing machine

Ang mga washing machine ay maraming natuyong sabon na maaaring mabara at makasira dito. Kada-tatlong buwan, linisin ang mga ito sa pamamagitan ng sa pamamagitan ng paggamit nito nang walang laman kundi mainit na tubig at dalawang baso ng puting suka.

Panlinis ng mga plantsa

Tulad ng washing machine, ang mga natuyong sabon ay bumabara rin sa plantsa. Linisin ito sa pamamagitan ng paghalo ng pantay na suka at asin. Ipahid ito sa ilalim ng plantsa. Punasan ng tela na basa ng puting suka.

 

Source: The Epoch Times, The Spruce

Basahin: Damit na nasukahan ng baby, pinabayaran raw sa mommy!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner