Sunburn: sanhi, sintomas, at gamot

lead image

Sa puspusang tag-init na ito, oras na para maglagay ng isang mabisang proteksyon laban sa araw dahil kung hindi pwedeng magkaroon ng sunburn

Marami ngayon ang nasusunog ang balat dahil sa sobrang pagbibilad sa init ng araw. Maaaring ang tao na lumalangoy o kaya naman ay naglalakad lamang sa init ng araw ay maaaring magkaroon ng sunburn. Dahil dito, marami ang naghahanap ng gamot para rito.

Ang sunburn, ang namumulang balat na masakit kapag hinahawakan, ay kadalasang lumalabas matapos ang ilang oras nang pagbibilad sa ultraviolet (UV) na ilaw, maging artipisyal man o mula sa araw. Ang matindi at paulit-ulit na pagkakasunog sa balat ay nagpapataas ng panganib nang pagkakaroon ng pinsala sa balat at iba pang sakit. Kadalasan, mahahanap sa mga kabahayan ang maaaring gamot dito na mawawala matapos ang ilang araw.

Mga sintomas

Ang mga senyales at sintomas ng sunburn ay:

  • Pamumula ng balat
  • Mainit na pakiramdam sa balat
  • Pananakit at pananakit
  • Pamamaga
  • Namamasang pagpapaltos ng balat
  • Sakit ng ulo, lagnat, pagkahilo at pagkapagod kung malala na ang sunog sa balat

Kailan ipapa-konsulta sa doktor?

Dahil sa permanenteng pinsala na maaaring makuha sa sunburn, magpa-konsulta sa duktor kung ito ay:

  • Nagpapaltos at malaking bahagi ng katawan ang natatakpan
  • May kasamang mataas na lagnat, matinding pananakit, sakit ng ulo, kaguluhan, pagkahilo, o panginginig
  • Hindi bumuti matapos ang ilang araw
  • Magpa-konsulta rin sa mga eksperto kung mapansin ang mga sintomas at senyales ng impeksiyon tulad ng:
  • Tuloy-tuloy na pananakit
  • Paglala ng pamamaga
  • Pagkakaroon ng nana sa paltos
  • Namumulang mga linya palayo sa mga paltos

Mga sanhi

Ang sunburn ay nakukuha sa matagal na pagbibilad sa ultraviolet (UV) light. Ang ultraviolet A (UVA) ay nagiging sanhi ng pagmumukhang matanda at ang ultraviolet B (UVB) naman ay ang nagiging sanhi ng sunburn. Ang pagkabilad sa parehong tipo ng UV light ay karaniwang sanhi ng skin cancer. Maaari rin magka-sunburn dahil sa artipisyal na ilaw galing sa mga sunlamps at tanning beds.

Maaari rin magkaroon nito kahit sa mga araw na malamig at maulap. Halos 80% ng sunburn ay kayang tumagos sa mga ulap. Ang buhangin, tubig at iba pang bagay ay maaaring talbugan ng UV light.

Mga taong madalas masunog ang balat

Mas malaki ang tsansang magkaroon ng sunburn ang mga taong:

  • Mapuputi ang balat
  • Nakatira o nagbabakasyon sa lugar na maaraw, mainit, o mataas ang altitude
  • Nagtra-trabaho sa labas
  • Sinasabay ang mga aktibidad sa labas sa pag-inom ng alak
  • Dati nang nagka-sunburn
  • Madalas na nagbibilad sa UV light nang walang proteksyon sa balat
  • Umiinom ng photosentisizing na mga gamot

Mga komplikasyon na maaaring makuha

Ang malala at paulit-ulit na pagkakaroon ng sunburn ay maaaring maging sanhi ng pagkasira ng balat at iba pang mga sakit tulad ng:

  • Maagang pagtanda ng balat
  • Precancerous na mga sugat
  • Cancer sa balat
  • Pagkasira ng mata

Paano it maiiwasan?

Ang mga paraan ng pag-iwas sa pagkasunog ng balat ay inire-rekomenda kahit pa maulap ang panahon. Ang mga ito ay:

  • Pag-iwas sa pagbibilad sa araw mula 10am hanggang 4pm
  • Pag-iwas sa pag-suntan at paggamit ng tanning beds
  • Paggamit ng masmadidilim na kulay, makakapal na tela o mga damit na may ultraviolet protection factor (UVPF)
  • Madalas at tamang paggamit ng sunscreen
  • Paggamit ng sunglasses na may UVA at UVB protection kapag nasa labas
  • Pag-alam kung ang iniinom na gamot ay nakakapagpataas ng pagiging maselan sa araw

Mga gamot

Ang paggamot sa sunburn ay kadalasang magagawa sa pamamagitan ng mga remedyo na matatagpuan sa mga kabahayan. Sa loob ng ilang araw, magbabalat ang apektado ng sunburn. Pagkatapos ng pagbabalat na ito, ang balat ay maaaring hindi magpantay ang kulay. Nagdedepende ang lala ng pagkasunog ng balat sa kung gaano katagal ang paggaling nito. Ang ilan sa mga gamot para rito ay:

  • Aloe vera - Ang isa sa pinaka-madalas na ginagamit na gamot sa sunburn. Ang pagpahid ng aloe vera gel sa bahagi na apektado ng sunburn ay nakakapagpalamig sa pakiramdam.
  • Hyaluronic Acid Serum - Ang sunburn sa mukha ay nakakatulong sa mabilisang paggaling ng sunburn sa mukha dahil sa pag-moisturize ng natuyong balat.
  • Puting suka - Upang mabawasan ang sakit at pamamaga na dala ng sunburn, maaari itong pahiran ng puting suka. Nakakatulong din ito upang maiwasan ang impeksiyon.
  • Baking soda - Ang paggamit ng baking soda ay makakapag-balanse sa pH levels sa balat na may sunburn.
  • Green tea - Ang pagpapalamig ng green tea na nasa isang maliit na tuwalya at pagpahid nito sa apektadong bahagi ng balat ay makakatulong din sa pagbalanse ng pH levels.
  • Greek yogurt - Dahil sa lactic acid nito, ang Greek yogurt ay nakakabawas sa pamamaga at nakakapagpaginhawa at moisturize sa balat na na-sunburn.
  • Topical treatments - Pinapayo ng mga dermatologists ang paggamit ng mga topical treatments na sadyang nagpapaginhawa, nagbibigay sustansya sa balat tulad ng aloe vera, hyaluronic acid, cucumber extract, oatmeal at mga antioxidant na maraming vitamin C at E.

 

Source: Mayo Clinic, DermStore

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!