4-taong gulang, himalang nakaligtas sa nasusunog na bahay

lead image

Isang himala raw ang nangyari, dahil hindi lubos akalain ng kaanak ng bata na ito ay makakaligtas matapos ma-trap dahil sa sunog sa bahay.

Isang 4-taong gulang na bata ang himalang nakaligtas matapos itong ma-trap sa nasusunog na bahay ng mahigit 4 na oras. Nangyari ang sunog sa bahay sa Cubao, Quezon City, at isang napabayaang kandila raw ang naging sanhi ng apoy.

Bata, himalang nakaligtas sa sunog sa bahay

Ayon sa tiyahin ng bata, nangyari raw ang sunog dahil sa isang napabayaang kandila. Mabilis raw na kumalat ang apoy, kaya't hindi nila nagawang mailigtas ang 4-taong gulang na si Precious. 

Dagdag pa ng tiyahin ni Precious na sinubukan raw nilang mag-anak na i-rescue ang bata, ngunit napakalakas na raw ng apoy. Bukod dito, nasa likod raw ng nakasarang pinto ang ata, kaya't nahirapan silang puntahan ito. Nasunog pa raw ang buhok ng kaniyang ina habang sinusubukang abutin ang bata. 

Dahil wala na silang magawa, puspos ang naging kalungkutan ng pamilya. Inakala nilang hindi na mabubuhay si Precious dahil 4 na oras na ang nakalipas ay hindi pa rin nila nahahanap ang bata. Sinubukan rin ng mga bumbero na hanapin ang bata, pero talagang hindi na nila ito nahanap.

Ngunit hindi raw tumigil sa paghahanap ang lolo ni Precious. Nagtatawag raw ito at sinuyod ang bawat sulok ng kanilang natupok na bahay. Himalang natagpuan nila si Precious na nasa isang sulog ng sunog na kwarto, at wala halos itong gasgas. Mayroon lang raw itong maliit na sugat,

Maituturing nilang himala ang nangyari dahil sa tinagal-tagal ng bata sa loob ng nasusunog na gusali, ay walang nangyaring masama sa kaniya.

Huwag balewalain ang panganib ng sunog

Mayroon tayong kasabihan na "mabuti na ang manakawan, kaysa masunugan." At napakatotoo ng kasabihang ito. Dahil kapag nasunugan ng bahay ang isang pamilya, napakahirap makabawi mula sa ganitong trahedya. 

Bukod dito, malaki pa ang panganib na dulot nito sa mag-anak, kaya't mahalagang alamin ng mga magulang ang tips para makaiwas sa sunog.

Heto ang mga dapat tandaan:

Prepare. Mas maige nang handa bago pa naman mangyari ang sakuna.

  • Mag-install ng smoke alarm sa bahay.
  • Lagyan ng smoke alarm sa labas ng mga kuwarto na tinutulugan.
  • Palitan ang mga smoke alarms tuwing 10 taon. Siguruhing gumagana ang mga smoke alarm. Palitan ang mga baterya tuwing 6 na buwan.
  • Iwasan ang octopus connection sa mga outlet at extension cords.
  • Huwag mag-iwan ng buhay na mga kandila.
  • Itago ang mga posporo at lighter sa mga bata.
  • Kapag mag clothes dryer, huwag hayaan na maipon ang mga himulmol.
  • Itapon ang mga lumang electrical appliances.

Practice. Siguruhin na mayroon kayong escape plan sakaling may mangyaring sakuna. Mag-practice kasama ang mga anak. Kung nakatira sa condo o apartment building, alamin kung saan ang mga fire escape.

Turuan ang mga anak ng mga sumusunod:

  • Turuan sila ng Sto, Drop, and Roll technique kapag nasusunog ang damit nila.
  • Turuan silang gumapang sa sahig palabas ng fire escape para maiwasan na makalanghap ng usok.
  • Turuan na kailangan hawakan muna ang pinto bago ito buksan. Kapag mainit ang pinto, ibig sabihin may apoy sa kabilang side ng pinto at hindi ito dapat buksan.
  • Turuan na huwag nang pumasok ulit sa nasusunog na building kapag nakalabas na.

Prevent. Kalimitan sa mga sunog, ang pinakamapanganib ang init ng apoy at ang usok. Kapag nakakalanghap ng mainit na hangin, nasusunog din ang baga. Habang ang usok naman ay masama sa baga at pinipigilan tayong makahinga ng maayos. Madalas, namamatay ang mga biktima ng sunog dahil sa paglanghap ng madaming usok.

Laging tandaan na ang nakakalasong usok ay pumupunta sa kisame muna bago nito punuin ang buong lugar, kaya importante na matutunan na gumapang para hindi ito malanghap.

Kapag may dalang baby, protektahan ito gamit ang iyong katawan, sakaling may mga mahulog na debris galing kisame. Sigurihin din na yumuko para hindi makalanghap ng usok si baby.

Kapag napuno na ng usok at apoy ang lahat ng lagusan, huwag nang umalis sa kuwarto. Takpan lahat ng siwang ng basang tela. Gumamit ng flashflight at itutok ito sa bintana. Pahigain ang mga bata sa kama. Unang tinitignan ng mga bumbero ang paligid ng kama ng bata kaya mas malaki ang tsansa na matagpuan sila agad.

 

Source: ABS-CBN News

Basahin: 5 magkakapatid na bata na naiwan sa bahay, patay sa sunog sa Tondo

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner