8 rason kung bakit hindi sumusunod ang bata kahit paulit-ulit ng pinagsabihan
Ayon sa isang psychologist, ang pagiging matigas ng ulo ng iyong anak ay ikaw rin ang may gawa.
Suwail na bata na ba ang iyong anak? Narito ang posibleng dahilan at ilang tips para mabago niya ang ganitong pag-uugali.
Mababasa sa artikulong ito:
- Mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng suwail na bata.
- Ang mga dapat gawin upang matutong sumunod sayo ang iyong anak.
Mga dahilan kung bakit may suwail na bata
“Isa.. dalawa.. tatlo.. Hindi ka pa rin ba susunod?”
Ito rin ba ang madalas mong sinasabi sa anak mo na mahirap pasunurin? Hindi ka nag-iisa! Sapagkat maraming mga magulang na Pilipino ang nakakaranas din nito.
Pero bakit nga ba nagiging matigas ang ulo ng isang bata? Ayon sa clinical psychologist na si Laura Markham, maraming posibleng dahilan na tayo ring mga magulang ang may gawa.
Ang mga dahilan ngang ito ay ang sumusunod kalakip ang mga dapat nating gawin para hindi na maging suwail na bata ang ating mga anak.
1. Hindi pareho ng priorities mo ang priorities ng iyong anak.
Isa sa madalas na challenge para sa ating mga magulang ay ang pakainin ang ating anak. Bagama’t alam nating ilang oras na ng huli silang kumain kapag busy sila sa kalalaro ay mahirap talagang kumbinsihin sila na kahit sumubo lang ng isa.
Ayon kay Markham, ito ay dahil tayo at ang ating mga anak ay magkaiba ng priorities. Bilang bata ay mas priority nila ang mga bagay na mag-ientertain sa kanila tulad ng paglalaro.
Sa mga ganitong sitwasyon, ay may paraan naman na maaaring gawin para mapasunod ang ating mga anak. Ayon kay Markham, ang unang dapat gawin ay i-acknowledge muna ang kaniyang ginagawa.
Kung siya ay bumubuo ng building gamit ang lego blocks ay purihin ito. Saka ipaalala sa kaniya na oras na ng pagkain. Subalit ibigay rin sa kaniya ang pagdedesisyon kung gusto niyang gawin ito ngayon o makalipas ang 5 minuto kapag tapos na ang ginagawa niya.
So ganitong paraan ay maipaparamdam mo sa kaniya na nirerespeto mo ang choices niya. Kaya naman matututunan niya ring respetuhin ang sa ‘yo.
Food photo created by tirachardz – www.freepik.com
2. Sinanay natin sila na binibilangan muna bago tayo sundin.
Ang pagiging suwail ng isang bata ay gawa rin nating mga magulang. Ayon kay Markham ay sinanay natin silang huwag agad sumunod sa atin.
Gaya na lamang sa tuwing binibilangan pa natin sila bago tayo maging seryoso sa ating pinapagawa. Ipinapahiwatig nito kasi na puwede ka namang hindi nila agad sundin hangga’t hindi ka pa nagagalit o sumisigaw na.
Payo ni Markham makakatulong na sa tuwing magbibigay ng utos sa iyong anak ay lapitan siya at kausapin ng nakatingin sa kaniyang mga mata.
Ito ay para malaman niyang seryoso ka sa iyong sinasabi. Bigyan lang din siya ng isang warning at mag-stick sa limit na pinagkasunduan ninyo.
3. Nahihirapan silang mag-transition sa kanilang ginagawa.
Dahil sa sobra silang nag-ienjoy sa kanilang ginagawa ay nahihirapan ang mga bata na mag-transition sa bagong bagay na iyong pinapagawa. Kaya naman ang resulta ay hindi ka nila agad na nasusunod. Pero may maaari kang gawin para matulungan siya.
Halimbawa, matapos ang 5 minutong limit na ibinigay mo sa kaniya ay balikan siya. Ipaalam sa kaniya na ang limit na ibinigay mo ay tapos na. Pero tulad ng nauna ng nabanggit ay i-acknowledge muna ang kaniyang ginawa.
Purihin ang building na nabuo niya mula sa mga lego blocks. Ipaalala sa kaniya ang napagkasunduan ninyo kanina. Makakatulong din na maikonek mo ang kaniyang kasukuyang ginagawa sa nais mong ipagawa sa kaniya.
Tulad nito halimbawa:
“Alam mo anak mas marami ka pang buildings na magagawa kapag busog ka. Kaya naman mas mabuting kumain ka na muna. At habang kumakain ka ay pag-usapan natin ang iba pang design ng buildings na maaari mong gawin.”
4. Nagde-develop pa ang rehiyon ng utak niya na responsible sa kaniyang decision making skills.
Ang pagpili ng iyong anak sa bagay na kaniyang ginagawa at sa iyong inuutos ay isang bagay na hindi madali para sa kaniya. Maliban na lamang kung alam niyang mas importante ang relasyon niya sayo kaysa sa ginagawa niya. Dito ay mas madali mo siyang mapapasunod sa iyong request.
Paliwanag ni Markham, napakahalaga ng iyong papel na ginagampanan para mahasa ang abilidad niyang ito. Lalo pa’t sa bata niyang edad ay nagde-develop pa ang kaniyang utak partikular na ang frontal cortex na responsable sa pagpili niya ng magiging desisyon.
Payo ni Markham, mas mabuting manatiling maging madiplomasya sa iyong anak. Hindi umano makakatulong ang paghatak o kaya naman ay pagpilit sa kaniya. Hayaan siyang sumunod ng kusa na magtuturo rin sa kaniya na magkaroon ng disiplina.
Mananatili ring maganda ang relasyon ninyo at pahahalagahan niya ito. Bilang resulta susundin ka niya at hindi siya gagawa ng bagay na alam niyang ikagagalit mo.
Suwail na bata/ Photo by Alex Green from Pexels
5. Pakiramdam nila ay hindi mo pinapakinggan o binabalewala mo ang nararamdaman nila.
Oo nga’t bilang magulang ay gusto natin ang makakabuti lang sa ating mga anak. Pero madalas ay nakakaligtaan natin ang pinakamahalagang bagay na dapat nating gawin.
Ito ay pakinggan sila at maki-empathize sa nararamdaman nila. Maipapakita mo nga ito sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng kontrol o choice sa kailangan nilang gawin.
Halimbawa, matapos i-acknowledge na narinig mo na ayaw kumain ng iyong anak ay tanungin siya kung bakit. Maaaring ayaw niya ang pagkaing iyong hinanda. O kaya naman ay busog pa siya.
Kung ayaw niya ng iyong hinanda, ay tanungin siya kung anong gusto niyang kainin. Saka sabihin sa kaniya na sa susunod ay ito na ng ihahanda mo basta sa ngayon ay kakainin niya muna ang pagkaing nasa harapan niya. Basta’t siguraduhin mo lang na ito ay masustansya o healthy para sa kaniya.
6. Malayo o disconnected na ang relasyon niya sa ‘yo.
Ito ay resulta ng kawalan ng oras mo sa kaniya. O kaya naman dahil sa laging napapagalitan mo siya. O maaaring dahil rin sa ang nakakabatang kapatid niya lang ang lagi mong inaalala.
Tulad nga ng nauna ng nabanggit ay mahalaga na maramdaman niya na mahalaga ang relasyon ninyo para mapasunod mo siya. Kaya kung lagi mo siyang napapagalitan at malayo na ang loob niya sa ‘yo ay mataas din ang tiyansang babalewalain at hindi niya susundin ang mga sinasabi mo.
7. Sumuko na siya sa ‘yo.
Kung hindi agad magagawan ng paraan na ma-reconnect ang relasyon ng iyong anak sa ‘yo ay maaaring tuluyan na siyang sumuko. Sapagkat sa alam niyang kahit ano pang gawin niya ay hindi na magiging katanggap-tanggap sa ‘yo.
Ang resulta kahit mapatid na ang ugat mo kasisigaw ay hindi ka niya na susundin. Maliban na lamang kung sasaktan mo siya at mapipilitan itong gawin.
Payo ni Markham, para ma-reconnect ang relasyon ninyo ng iyong anak ay maglaan ng special time sa kaniya kahit kalahating oras sa araw-araw. Iparamdam sa kaniya ang iyong pagmamahal.
Makipaglaro sa kaniya, kausapin siya, makipag-tawanan siya kaniya. Alamin kung anong nasa isip niya. Saka ipaalam sa kaniya kung gaano mo siya kamahal at gaano mo pinapahalagahan ang mga nararamdaman niya.
Light photo created by user18526052 – www.freepik.com
8. Ang iyong anak ay isa pa ring bata na kailangan ng gabay mo at pangangalaga.
Lagi ring tandaan na bilang mga magulang tayo ang mundo ng ating mga anak. Tayo rin ang kanilang tinitingalang halimbawa. Sa ngayon ay natututo pa rin siya, at ang taga pagturo niya sa buhay ay ikaw.
Kaya naman mahalaga ang pag-alalay at paggabay mo sa kaniya. Mas nagiging epektibo ang pagtuturo mo ng mabuting asal sa kaniya kung siguraduhin mo na ito rin ang iyong ipinapakita o ginagawa.
3 tips para hindi maging suwail ang anak
1. Pick your battles
Bilang mga magulang dapat maging mindful din tayo kung dapat ba natin pagalitan ang ating mga anak agad-agad. Dapat din maging aware sa emotions at behavior ng ating mga anak. Baka kinakailangan nila ng understanding kaysa ang ating mga pangaral.
2. I-address muna ang issue nila o kung bakit sila nagiging suwail na bata
Maganda rin na bilang mga magulang ay ma-address ang issue ng ating mga anak. Ayon kay Dr. Jeffrey Bernstein, isang psychologist mahalaga ang kaalaman patungkol sa pagse-set ng behavorial boundaries sa ating mga anak.
Dapat alam natin kung kailan dapat tayo mag-intervene. Ilan sa mga halimbawa na sinabi niya ay ang mga sumusunod:
- Kapag walang supervision ang ating mga anak
- ‘Pag naghahagis ito ng mga bagay na delikado para sa kaniya at sa iba
- Mga problema na may kinalaman sa batas, halimbawa pagkuha ng laruan o bagay sa iba
- Kapag tumatanggi siyang gawin ang kaniyang mga homeworks
- ‘Pag naninira siya ng mga bagay
- Kapag nagdadabog siya
Ang pagkakaroon ng kaalaman sa issue nila ay makakatulong din sa atin para ma-address at ma-resolve ang problema na ito sa ating mga anak.
3. Isa-isa lang dapat ang pag-solve sa mga problema ng iyong anak
Paalala rin ni Dr. Jeffrey Bernstein, madaling mareresolba ang behavior ng iyong anak kung i-a-address ito ng isa-isa. Minsang kasi kapag nagagalit tayo o pinagsasabihan natin ang ating mga anak ay ang dami na nating sinasabi agad. Maging mindful na dapat na isa-isa lang muna.