X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Abogado, nagpasalamat sa kaniyang "pangalawang ama" na taho vendor

4 min read
Abogado, nagpasalamat sa kaniyang "pangalawang ama" na taho vendorAbogado, nagpasalamat sa kaniyang "pangalawang ama" na taho vendor

Ang taho vendor na si Tatay Dong ang siyang nagsilbing pangalawang ama at nagbigay ng pagmamahal at malasakit para sa isang college student.

Ang pagiging isang magulang ay hindi lang nasusukat sa pagiging isang kadugo. Ito ay nasusukat sa pag-uugali, sa pagmamahal, at sa pagmamalasakit na ipinapakita ng isang tao. At para sa isang butihing taho vendor, siya ang nagsilbing pangalawang ama para sa isang mag-aaral ng UP Diliman.

At matapos ng ilang taon ng pagpupursigi, ipinakita ng abogado na si Alex Castro ang kaniyang pasasalamat sa lalakeng naging kaniyang pangalawang ama, si Tatay Dong.

"Tay, may abogado ka na," ang kaniyang sambit sa taho vendor

 

Ayon kay Alex, noong 2009 raw niya unang nakilala si Tatay Dong, na nagbebenta ng taho sa UP Diliman. Galing raw siya sa isang broken family, at si Tatay Dong ang naging pangalawang ama niya sa Unibersidad.

Araw-araw raw ay nagkikita sila ng 7am ng umaga, dahil nagbebenta raw si Tatay Dong ng taho malapit sa building kung saan ang kaniyang mga klase. Madalas raw silang mag-usap noon habang kumakain siya ng taho. Dahil sa mga pag-uusap na ito, nalaman ni Tatay Dong na kapag pumapasok si Alex, ay hindi pa siya nakakapag-almusal. Mula nang malaman ito ni Tatay Dong ay araw-araw niyang binigyan ng mainit na baso ng taho si Alex upang magsilbing almusal niya.

Napakamaalaga raw sa kaniya ni Tatay Dong. Isang araw noong Disyembre 2009 ay napansin ni Tatay Dong na walang jacket si Alex, at maulan. Sa sunod na sila ay magkita, may iniabot si Tatay Dong kasama ng taho, ito ang kaniyang kaisa-isang jacket. Dagdag ni Alex, ayaw raw bawiin ni Tatay Dong ang bigay na jacket, at sinabi pa sa kaniya na “Nilaban ko na ‘yan, ‘Nak. Iyo na ‘yan.”

Pagtagal ay nakapag-ipon si Alex ng pambili ng jacket para kay Tatay Dong. Tuwang tuwa raw si Tatay Dong sa kaniyang natanggap, at kapag tinatanong raw siya ng kaniyang mga kaibigan ay sinasabi niyang, "Bigay ng anak ko yan."

Malaki raw ang naging papel ni Tatay Dong sa buhay ni Alex

Dagdag pa ni Alex sa kaniyang post na napaka-maalaga raw ni Tatay Dong sa kaniya habang nag-aaral siya sa UP. Aniya, "I love you so much, ‘Tay. Thank you for taking care of me during all my years in UP. Thank you for always supporting me, whether it be in sports, campus politics, or law school. Thank you for always being there."

Ngunit pagkatapos niyang mag-graduate, ay natigil ang kanilang mga pag-uusap. Naging busy raw si Alex, kaya't halos hindi na sila nagkita ni Tatay Dong. Matapos ang ilang taon ay nagdesisyon si Alex na bumalik sa UP, upang kumustahin si Tatay Dong.

Halos dalawang taon na raw ang lumipas simula ng kaniyang huling pagpunta sa Unibersidad, at habang iniikot ang campus ay hinahanap niya ang butihing taho vendor.

Nabalitaan rin daw ni Tatay Dong na papunta si Alex sa UP, mula sa isa pang taho vendor kaya't inabangan rin siya nito. Nang sila ay magkita, ang unang sambit sa kaniya ni Tatay Dong ay namiss raw niya ang kaniyang anak-anakan. Niyakap raw niya ng mahigpit si Tatay Dong at sinabi sa kaniya, "'Tay, may abogado ka na."

Sinabi rin sa kaniya ni Tatay Dong na, "Alam mo, nasa sa 'kin pa yung jacket na binigay mo. Paminsan, tinitingnan ko yun, sinusuot. Tapos naaalala kita. Naiisip ko kung kamusta ka na. Abogado ka na pala."

Ayon kay Alex, gusto raw niya na balang araw ay maging katulad siya ni Tatay Dong, isang butihin at maalagang magulang. Dahil nga galing siya sa isang broken family, si Tatay Dong ang nagsilbing ama niya, at role model niya.

"I hope I made you proud, ‘Tay. You deserve all the love in the world," ang kaniyang naging mensahe para kay Tatay Dong.

 

 

Source: Rappler

Basahin: Amang iisa lang ang paa, mag-isang nagtatrabaho para maitaguyod ang pamilya

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Abogado, nagpasalamat sa kaniyang "pangalawang ama" na taho vendor
Share:
  • Have you heard about concealed depression?

    Have you heard about concealed depression?

  • Baby tinurukan ng bleach dahil hindi raw siya mahal ng kaniyang ina

    Baby tinurukan ng bleach dahil hindi raw siya mahal ng kaniyang ina

  • LOOK: Sarah Lahbati proudly shows off her stretch marks!

    LOOK: Sarah Lahbati proudly shows off her stretch marks!

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

app info
get app banner
  • Have you heard about concealed depression?

    Have you heard about concealed depression?

  • Baby tinurukan ng bleach dahil hindi raw siya mahal ng kaniyang ina

    Baby tinurukan ng bleach dahil hindi raw siya mahal ng kaniyang ina

  • LOOK: Sarah Lahbati proudly shows off her stretch marks!

    LOOK: Sarah Lahbati proudly shows off her stretch marks!

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.