Mga panganay na anak, mas matalino raw ayon sa isang pag-aaral
Narito ang ilang tips para mas mahasa ang talino ng iyong anak.
Talino ng bata mas nahahasa kung tututukan ng mga magulang.
Patunay nito ay ang isang pag-aaral na nagsabing mas matatalino ang mga panganay na anak kumpara sa mga nakababatang kapatid nila.
Ang dahilan umano ay ang mental stimulation na ibinibigay ng magulang sa kanilang first born. Ito ay ang mga oras na bilang first time parent ay excited ka pang turuan at gabayan ang iyong anak sa pagsulat, pagbasa at pagsaulo ng ABC alphabet.
Pag-aaral tungkol sa talino ng bata
Ayon sa isang pag-aaral na nailathala sa The Journal of Human Resources noong 2016, ang mga panganay na anak ay mas matalino kumpara sa kanilang nakakababatang kapatid. Ito nga daw ay dahil sa kung paano sila pinalaki at inalagaan ng kanilang magulang na first-time parents palang noon.
Ito ay natuklasan matapos pag-aralan ang libu-libong bilang ng mga young Americans na may edad 14 to 21 years old.
Naisagawa ang pag-aaral sa tulong ng National Longitudinal Survey of the Youth ng nakalipas ng apatnapung taon.
Pahayag ng mga researchers, “As early as age 1, latter-born children score lower on cognitive assessments than their siblings, and the birth order gap in cognitive assessment increases until the time of school entry and remains statistically significant thereafter.”
Ilan sa itinuturong dahilan ng mga researchers sa findings na ito ay ang sumusunod:
mas maraming risks na nararanasan ng isang babae sa kaniyang pagbubuntis
mas mababang posibilidad ng pagpapasuso
hindi sapat na pagbibigay ng cognitive stimulation sa mga nas nakababatang anak
Impact ng parental behavior sa IQ ng bata
Ayon parin sa author ng pag-aaral na sina Jee-Yeon K. Lehmann, Ana Nuevo-Chiquero at Marian Vidal-Fernandez ang pagbabago rin o variation sa parental behavior ay may kaugnayan sa cognitive abilities ng isang bata.
“Our findings suggest that broad shifts in parental behavior from first to latter-born children is a plausible explanation for the observed birth order differences in education and labor market outcomes.”
Paliwanag ni Lehmann na isa ring assistant professor sa University of Houston’s economics department, “First-time parents tend to want to do everything right and generally have a greater awareness of their interactions with and investments in the firstborn.”
Ang behavior nga daw na ito ay nababago sa mga susunod na anak na kung saan mas nagiging relax na ang mga magulang sa pag-aalaga sa kanila. At ang mental stimulation na ibinigay nila noon sa panganay na anak ay unti-unti ng nawawala.
Ito ang sinasabing missing ingredient o dahilan kung bakit nagiging mas matalino ang panganay na anak kumpara sa ibang kapatid niya.
Ito ay dahil sa oras at attensyon na iginugol noon ng kaniyang magulang sa pagtuturo sa kaniya ng pagbabasa, pagsusulat at iba pa.
Kaya naman may paalala ang mga author ng pag-aaral sa mga magulang:
“The lesson here for parents is that the types of investments that you make in your kids matter a lot, especially those that you make in the children’s first few years of life. All those learning activities that you did with your first child as excited, nervous and over-zealous parents actually seem to have some positive, long-lasting impact on their development.”
7 Tips para mas mahasa ang talino ng iyong anak
Para naman mas mahasa pa ang talino ng bata ay narito ang ilang tips.
1. Siguraduhing nakakakuha siya ng sapat na tulog at pahinga na hindi bababa sa walong oras.
2. I-encourage siyang maglaro ng games na magstimulate ng kaniyang utak. Tulad ng borad games, building blocks, puzzles, checkers at chess.
3. Hayaan silang mas mainvolve sa physical activity sa sports man yan o simpleng paglalaro. Kapag healthy ang body, healthy rin ang brain ni baby.
4. Pakainin sila ng mga masusustansiyag pagkain para sa healthy growth ng kanilang utak.
5. Hikayatin silang laging magbasa para matuto.
6. Bigyan sila ng reliable at steady environment na kung saan makakaramdam sila ng security at peace.
7. Hayaan silang matuto mula sa mga real-life experience.
Basahin: 4 na paraan upang matulungan si baby na maging matalino
- Netizen: "Huwag tanggalan ng pangarap ang mga panganay na anak"
- Namamana ng mga anak ang kanilang talino sa nanay, ayon sa pag-aaral
- Ogie Diaz on his daughter Erin: "Pagdating ng araw na iwan kayo ng asawa niyo, 'di kayo pwede pagmalakihan dahil may natapos kayo."
- Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”