Tamang pag ire sa panganganak: Hindi pala ito dapat minamadali!

lead image

May epekto pala sa sanggol at sa ina ang tamang pag ire sa panganganak, kaya't mahalaga sa mga inang alamin kung paano ang tamang pag-ire.

Hindi na kaila sa mga ina na mahirap ang panganganak. Pero alam niyo ba na mayroon palang tamang pag ire sa panganganak? Ayon sa isang pag-aaral, may epekto raw sa sanggol kung kailan simulan ng ina ang kaniyang pag-ire. Kaya't importante ang timing pagdating dito. 

Pero paano nga ba ang tamang pag ire sa panganganak? At anu-ano ang magiging epekto kapag mali ang ginawang pag-ire ng isang ina? Ating alamin.

Ano nga ba ang tamang pag ire sa panganganak?

src=https://ph admin.theasianparent.com/wp content/uploads/sites/11/2018/10/labor.jpg Tamang pag ire sa panganganak: Hindi pala ito dapat minamadali!

Base sa isang isinagawang pag-aaral na inilathala sa Journal of the American Medical Association, o JAMA, may 2 paraan daw ng tamang pag-ire para sa mga ina. Parehas din nirerekomenda na magsimulang umire ang mga ina kapag dilated na ang cervix.

Ang unang paraan ay magsimula nang umire ang ina kapag dilated na ang kaniyang cervix, kasabay ng pag-contract ng uterus. Ang pangalawang paraan naman ay ang pagpigil sa pag-ire, at hahayaang bumaba ng kusa ang sanggol.

Ngunit alin nga ba sa dalawang paraan na ito ang mas epektibo?

Ano ang pinagkaiba ng dalawang paraan?

src=https://ph admin.theasianparent.com/wp content/uploads/sites/11/2018/10/birth.jpg Tamang pag ire sa panganganak: Hindi pala ito dapat minamadali!

Ayon kay Dr. Alison G. Cahill, na nagsagawa ng randomized clinical trial tungkol sa mga paraan ng panganganak, wala naman daw halos pinagkaiba ang dalawang paraan ng pag-ire.

Ngunit may mga pagkakataon daw na sa mga inang hindi agad umire, mas mataas ang posibilidad ng hemorrhage at infection.

Dagdag din nila na hindi naman daw nagiging sanhi ng cesarean o C-section delivery kapag hindi agad umire ang isang ina. Ngunit pinapahaba raw nito ang pangalawang stage ng labor na walang mabuting epekto para sa ina o sa sanggol.

Kaya't ang rekomendasyon ni Dr. Cahill ay antayin munang maging fully dilated and cervix, at dito magsimulang umire. Mapapadali daw nito ang panganganak pero hindi ito makakadagdag sa mga posibleng komplikasyonsa panganganak.

Makakatulong ng lubos ang impormasyon na ito upang masigurado ang pagiging ligtas hindi lang ng sanggol, ngunit pati na rin ng ina sa panganganak.

Dagdag rin ng mga doktor na mahalaga ang paggamit ng ultrasound sa panganganak upang malaman kung kailangan ba ng vaginal delivery, o C-section delivery. Bukod dito, malalaman din ng mga doktor kung kailan dapat magsimulang umire ang mga ina sa panganganak.

Nakakatulong rin ito upang maaga pa lang ay makagawa na ng birth plan ang mga ina at ang kanilang mga doktor upang mapadali at mabawasan ang komplikasyon sa panganganak.

 

Source: Healthline

Basahin: 4 Na yugto ng labor at panganganak – at mga payo para kay mommy