Nang simulan ang Back to Sleep campaign sa US nuong 1992, mabilis bumaba ang bilang ng mga namamatay dahil sa SIDS… hanggang 1999. Sa hulung 20 taon na-stuck sa 3,600 kada taon ang mga sanggol na namamatay sa kanilang pagtulog. Ngunit bakit? Hindi ba nagagawa ang tamang pagtulog ng sanggol? Sa dami ng mga “smart” baby gadgets na mabibili aakalain natin bababa ang bilang na ito.
Ang problema ay ang dumaraming mga pagod na magulang ang nate-temp na magsagawa ng hindi tamang pagtulog ng sanggol. Kabilang dito ang katabing matulog sa kama at pagpapatulog ng mga bata sa car seat.
Pagpagbibigay ng ligtas na kapaligiran sa pagtulog ay ang pinakamahalagang gawin para mapababa ang panganib ng SIDS. Ngunit, isa lamang ito sa mga importanteng gawin bukod sa iba pa:
1. Patulugin nang nakahiga, at ligtas
Patulugin lamang nang nakahiga ang sanggol, sa ligtas na lugar. Huwag silang patulugin sa couch, recliner, sofa, armchair, beanbag chair o waterbed.
2. Kasama sa kwarto
Matulog sa parehong kwarto kasama ang baby sa kanyang unang anim na buwan. Ilagay sila sa bassinet malapit sa iyo. Ang pagiging sobrang pagod ay nagbibigay ng parehong pag-iisip kapag lasing. (Kaya ang kapaguran ang sanhi ng maraming aksidente sa kalsada tulad ng pagka-lasing!) Huwag simulan na katabing matulog ang bata hanggang sa siya ay mag siyam na buwang gulang.
3. Mag-ingat sa mga gap
Huwag gumamit ng mga crin na may kulang na mga slat o may pagitan ang kutson sa gilid kung saan maaaring ma-trap ang ulo ng baby.
4. Breastfeed
Napapababa nito nang 50% ang panganib ng SIDS. Kung nahihirapan magpa-breastfeed, humanap ng support group o magpakonsulta sa lactation expert.
5. Panatilihing smoke-free ang bahay at sasakyan
Huwag manigarilyo o hayaang manigarilyo ang iba na nadidikit sa iyong baby. Iwasan din ang kahoy na kalan, insenso, scented candles, at pugon, maliban kung maganda ang bentilasyon ng kwarto.
6. Panatilihing hindi nago-overheat o nilalamig ang baby
Panatilihin ang temperatura ng kwarto sa 20–22.2°C. Nag-aalala na baka lamigin ang baby? Isang magandang paraan ay hawakan ang tenga ng sanggol. Dapat ay bahagyang mainit lamang ang mga ito, hindi sobrang lamig o init.
7. White noise at swaddle
Gumamit ng white nose at maginhawang swaddling sa lahat ng pag-idlip at pagtulog, hanggang sa kaya na niyang gumulong,
8. Bigyan siya ng manika sa pagtulog
Napag-alaman ng pag-aaral na napapababa nito ang panganib ng SIDS nang nasa 90%!
9. Huwag siyang patulugin na naka-upo
Huwag hayaan ang sanggol na tulog nang nakaupo sa car seat, infant carrier o swing (lalo na kung sila ay premature o developmentally delayed).
Sa kasamaang palad, walang siguradong paraan sa pag-iwas sa trahedya ng SIDS. Ngunit, ang pagsunod sa mga tips na ito ay mapapanatiling ligtas ang baby at nakakatulong magpakalma sa iyo.