Isang 19 araw na gulang na sanggol ang na-suffocate matapos mag co-sleep sa unang pagkakataon kasama ang ama. Ito ang mga natuklasan ng coroner nuong Biyernes, ika-29 ng Nobyembre taong 2019.
Ayon sa state coroner na si Kamala Ponnampalam, ito ay isang halimbawa ng panganib ng di sinasadyang suffocation dahil sa hindi tamang pagtulog ng sanggol, kahit gaano pa kabilis.
Unang beses mag co-sleep ng baby
Ayon sa mga ulat ng media, kadalasang natutulog sa sofa ang ina kasama ang sanggol sa kanilang bahay sa Chai Chee. Ang kanyang asawa naman ay natutulog sa master bedroom kasama ang masmatanda nilang anak.
Ngunit, nuong ika-8 ng Hunyo nuong nakaraang taon, hiniling ng ama na tumabi muna sa ina ang masmatanda nilang anak. Kanya itong hiniling mula sa kanyang asawa dahil may mga kailangan siyang gawin na trabaho.
Nung gabing iyon, nagtrabaho ang ama hanggang 6:30 ng umaga. Nang siya ay natulog na sa master bedroom, itinabi sa kaniya ng kanyang asawa ang anak nilang sanggol.
Ayon sa ina, ginawa niya ito dahil ayaw niyang maiwan mag-isa ang bata matapos nito kumain dahil madalas itong magsuka.
Hiniga ng ina ang baby at cinocoon-wrap sa kama. Matapos, tinapik niya ang kanyang asawa para ipa-alam na katabi niya ang baby at maging ma-ingat.
Subalit, naibunyag sa korte na dala sa sobrang pagod mula sa pagtatrabaho, hindi narinig ng lalaki ang kanyang asawa.
Bumalik ang ina sa kwarto matapos ang isang oras. Dito niya nakita ang isang unan na nakapatong sa ibabaw na bahagi ng sanggol.
Dali-dali niyang ginising ang kanyang asawa. Dinala ng lalaki ang baby sa diaper changing room at dito niya napansin na hindi humihinga ang sanggol.
Sinimulan ng ama na magsagawa ng cardio-pulmonary resuscitation (CPR). Maya-maya pa ay sinakay ang sanggol sa amulansya para isugod sa Changi General Hospital (CGH).
Nabalik pa ang circulation ngunit namatay parin ang baby
Sa CGH, muling nagkaroon ng mga spontatneous na circulation ang sanggol. Siya ay inilipat sa KK Women’s & Children’s Hospital para sa karagdagang paggamot.
Subalit, sa KKH, hindi na responsive ang sanggol at may fixed at dilated na pupils ng mga mata. Wala ring paggalaw o biglaang paghinga nang nilagay siya sa ventilator.
Namatay ang sanggol 2:30 ng madaling araw sa ika-10 ng Hunyo, 2 araw matapos ang insidente.
Ayon sa pathologist ay namatay ang bata dala ng global hypoxia dahil sa suffocation na may oxygen deprivation.
Safety checklist para sa mga ina mula sa KKH
Sa pagtatanong ng SC Pnnampalam, pinagpatotoo ng quality service manager ng KKH na nagsasagawa sila ng mga workshop para turuan ang mga magulang at caregiver tungkol sa tamang pag-aalaga ng sanggol.
Halimbawa, ang mga ina ay tinuturuan ng iba’t ibang techniques para malaman ang mga senyales kung may sakit ang baby. Tinuturo din kung ano ang mga dapat gawin sa mga ganitong sitwasyon.
Nagbibigay din ang KKH ng Child Safety Checklisy sa pagdischarge ng mga magulang. Hinihimok sila nito na ilayo ang mga bolsters, unan, kumot at plastic bags mula sa mga sanggol at mga bata.
Bukod dito, pinapayo ng KKH na laging ihiga ang mga sanggol. Nagpapayo rin sila na huwag gumamit ng mga “sarong cable”.
Nagpahayag ng pakikiramay ang SC Ponnampalam sa pamilya ng sanggol. Kasabay nito ay hinihimok nila ng mga magulang na maging “mapagmatyag at panatilihin ang tamang pagtulog ng sanggol.”
Source: theAsianparent Singapore
Basahin: Baby namatay dahil sa co-sleeping, hindi inakala ng magulang na mangyayari ito sa kanila