#BattleOfTheBest: Anong madalas mong gamitin kay baby, tape o pants diaper?

Ikaw ba ay first time mom at nalilito kung ano ang tamang ipasuot kay baby na diaper? Tape ba o pants diaper? Ano ba talaga ang swak para kay baby? | Lead Image from The honest company on Unsplash

Ikaw ba ay first time mom at nalilito kung ano ang tamang ipasuot kay baby na diaper? Tape ba o pants diaper? Baka naman ikaw ‘yung tipo ng mommy na papalit-palit ng type ng diaper dahil nagkakaroon ng rashes si baby at natatanggal agad ang suot nitong diaper?

Well, mommy, problem solved na! Para sa ating #BattleOfTheBest ngayon, sasagutin natin kung ano ba ang the best na type ng diaper para kay baby ayon sa mga TAP mommy. Tape diaper o pants diaper?

#BattleOfTheBest: Which is better tape or pants diaper?

“Diaper pants sa malikot na baby. Mas comfortable din si baby at mas madali gamitin.” “Depende sa age ni baby. Tape pag still pa siya palitan around newborn to 4 months. Pero pag paikot-ikot na siya, we switched to pants.” “Better ang tape during night. Mas comfortable at hindi nakaka-irritate.”

Ilan lang ito sa mga sagot ng ating TAP mommies sa kanilang palagay kung ano ba ang uri ng diaper na dapat kay baby.

Nagsagawa kami ng survey sa theAsianparent Philippines Community tungkol sa dalawang uri ng diaper na laging ginagamit ng ating mga nanay: ang tape diaper at pants diaper. 

At dito nga namin napag-alaman kung ano ang mas pinipili ng ating mga mommy na diaper para sa kanilang babies. Nagbigay rin sila ng iba’t-ibang payo sa tamang paggamit ng tape at pants diaper.

tape-or-pants-diaper

Pants diaper vs. taped diaper | Image from Freepik

Tape or pants diaper: Anong mas mainam gamitin kay baby?

Sa 171 na sagot mula sa ating TAP mommies sa katanungang Ano ang preferred mong gamitin kay baby—tape o pants na type ng diapers? 71 mommies (41.52%) ang mas pinili ang pag suot ng diaper pants kay baby. Habang 88 votes naman para sa taped diaper. Ang ang natitirang 12 votes ay sumagot na pareho nilang ginagamit ito at depende rin sa edad ng kanilang baby.

Taped diaper

Para sa ating TAP mommies, mas gusto nila ang taped diaper para kay baby dahil:

  • Madali itong isuot
  • Madaling tanggalin kapag papalitan ng panibagong diaper si baby
  • Mas affordable
  • Swak sa mga newborn babies
  • Hindi madaling tanggalin ng baby kapag suot
  • Maayos itapon
  • Naiiwasan ang markings sa tyan
  • Adjustable

Tape or pants diaper for newborn? Dagdag pa nila na advisable gamitin ng mga mommy ang taped diaper para sa mga newborn o toddlers nilang anak. Mas maayos ito para sa mga batang nakahiga pa lang at hindi pa nakakalakad nang todo. May ibang pagkakataon pa na nasisira agad ang taped diaper sa kanilang anak dahil malikot ito at galaw nang galaw.

Kaya kung ang tanong mo ay tape or pants diaper for newborn? Ang sagot ng ating TAP mommies, mas advisable na gamitin ang taped diaper sa mga newborn at toddlers. Madali rin itong ilagay o alisin kung sakaling lilinisan at papalitan mo na ng diaper ang newborn child mo.

tape-or-pants-diaper

Pants diaper vs. tape diaper | Image from Freepik

Pants diaper

Iba naman ang opinyon ng ilang TAP mommies sa pants diaper kaya pinili nila ito:

  • Madaling gamitin
  • Swak sa mga malilikot na baby
  • Swak suotin ang pants diaper kapag aalis ng bahay
  • Mahirap tanggalin ni baby
  • Comfortable si baby gamitin
  • Hindi madaling matanggal
  • Hindi madaling mag leak
  • Naiiwasan ang pagiging iritable ni baby

Which is better tape or pants diaper? Majority ng ating mga mommy ginagamit nila ang pants diaper kapag ang anak nila ay nagiging malikot na o kapag nakakatayo/nakakalakad na. Advice rin nila na mas mabuting gamitin ang pants diaper kung si baby ay lagpas 6 months na. Hindi kasi agad ito natatanggal kapag naglilikot si baby.

tape-or-pants-diaper

Pants diaper vs. taped diaper | Image from Freepik

Mga diaper na maaari mong bilhin

1. Pampers

Isa ang Pampers sa kilala at trusted brands ng mga mommy pagdating sa diaper ni baby. Available sa kanila ang iba’t-ibang type ng baby product katulad ng taped diaper, pants diaper, wipes, baby monitor, cruisers, sleep kit at iba pa.

Shop now at Pampers

2. Mamypoko

Available sa Mamypoko ang iba’t-ibang quality diaper ni baby. Katulad ng taped diaper, pants diaper at baby wipes at may pagpipilian ka pang fragrance nito!

Shop now at Mamypoko

3. EQ Diaper

Pwede rin namang isa sa pagpilian ang EQ Diaper! Ang kanilang baby diapers ay may special features katulad ng wider magic tapes. Nag-o-offer rin sila ng wet wipes, taped at diaper pants hanggang XXXL size.

Shop now at EQ Diaper.

4. Huggies

Available sa limang sizes ang Huggies diapers, ito ang small,medium, large XL at XXL. Mabibili rin sa kanila ang pants diaper, wet wipes at disposable swimpants!

Shop now at Huggies sa Lazada.

5. Drypers

Good quality products naman ang hatid ng Drypers! Available sa kanila ang newborn diapers, taped and pants diapers at baby toiletries katulad ng shampoo at wt wipes!

Shop now at Drypers.

Tape or pants diaper: Ano nga ba ang better para sa iyong baby?

Bilang konklusyon sa ating #battleofthebest: Which is better tape or pants diaper, narito ang ilang rundown kung ano nga ba ang akmang diaper para sa iyong baby.

Tape diaper ang mas mainam na gamitin kung…

1. Newborn pa lang si baby at hindi pa natatanggal ang umbilical cord nito. Kapag taped diaper kasi ang gamit, ma-aadjust mo ang tape sa ilalim ng pusod ng bata. Sa pamamagitan nito, maiiwasan na magkaroon ng friction sa navel area.

2. Kung hindi pa active ang iyong baby at ang karaniwang ginagawa pa lang nito ay sumuso at matulog. Dahil hindi pa sila nakakaupo at nakakatayo, mas madaling isuot ang taped diaper kahit nakahiga ang bata.

Samantala, pants diaper naman ang gamitin kung…

Kapag 6 months old na ang bata at nakakagapang na ito. Malikot na rin kasi ang bata sa edad na ito kaya mahirap nang pahigain nang pirmi kung lalagyan ng tape diaper. Kaya naman, sa panahon na ito, mas madali ang pagsusuot ng pants diaper ano mang posisyon ng baby.

Bukod pa rito, hindi rin kailangan mag-worry ni mommy na baka tanggalin ng baby ang strap o tape ng diaper. Ito kasi ang panahon ng kanilang kalikutan. Kapag pants diaper ang gamit, nasisiguro na makagagalaw nang mas maayos ang bata nang hindi nagwo-worry si mommy na magli-leak ang diaper nito.

Dagdag pa rito, kung isasama mo ang iyong anak sa paglabas ng bahay, mas convenient din na pagsuotin ito ng pants diaper. Mas madali kasi itong isuot at hubarin saan man kayo naroon. Hindi tulad ng tape diaper na kailangan mo pang pahigain ang iyong anak.

Ikaw ba mommy? Are you a Team tape diaper or Team pants diaper? Share your thoughts! Tandaan na iba’t iba ang karanasan ng bawat mommy sa pag-aalaga ng baby. Kaya naman iba’t iba rin ang preferred nating uri ng diaper para sa ating anak.

BASAHIN:

Kung paano tumigil gumamit ng diapers ang anak ko in 1 week

Updates mula kay Jobelle Macayan

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!