Team Kramer, malapit nang malaman kung magkakaroon sila ng pang-apat na baby

lead image

Mapag-aalaman na ang mag-asawang si Doug Kramer at Cheska Garcia-Kramer ay kasulukuyang nagbabalak na madagdagan ng pang-apat na baby ang kanilang pamilya via in vitro fertilization o IVF.

Isang open book ang Team Kramer

Ang kanilang IVF journey ay hindi lingid sa atin sapagkat naging bukas sila sa pagdokumento ng kanilang IVF journey sa kani-kanilang Instagram accounts.

Nagsimula nga ng kanilang IVF journey ang mag-asawa noong ika-anim ng Marso kung saan nag-share pa ng photo si Doug ng IVF injection at kasama sa background si Chesca at anak na panganay nila na si Kendra.

Noong day 2 naman dinokumento ni Doug ang pag-injection niya kay Chesca ng IVF stimulation.

Pahayag nga ni Doug, "I mean, we pretty much shared a lot in our life, and lot of them are saying, 'Oh, how come after Gavin wala ng baby? How come wala na silang sibling?' Then we had to explain. Cheska's ligated and magkadikit yung dalawa, Scarlett and Gavin, so it was best that Cheska would be ligated."

Ang pagiging "ligated" ay tumutukoy sa isang birth control method na tubal ligation, kung saan involve ang fallopian tubes na maaaring "cut," "tied," o "blocked" para maiwasan makabuo ng baby.

After six years...

Hindi lingid sa ating kaalaman na may tatlong anak na ang mag-asawang Kramer na sina Kendra, Scarlett, at Gavin.

Kung kaya't nasambit nga ni Doug, "After six years, throughout the years, we didn't want to have a baby. We were very happy with raising three kids, and then suddenly, they all wanted to be an older sibling na. They wanted to take care of a baby, so why not open up to our fans and say that there is still that chance even if you are ligated? You can still have a baby."

Dagdag pa ni Doug,  "In fact, we have countless of messages, thousands of messages, saying, 'Oh, we didn't know that that was posssible pa pala. 'I didn't know that, even though you are ligated or having a hard time getting pregnant, there's that chance, that chance to get pregnant again.' And it's a way for us to be a blessing also, to bring awareness also, you know, the beauty of a growing family."

IVF journey

Masayang nagkwento pa si Doug tungkol sa kanilang journey, "It will depend, like how our body reacts. We're waiting right now if she's pregnant."

Aniya nga, "Obviously, the embryo transfer was done like a week ago. But we will know in a week or so if she's pregnant or not. If not, we're hoping for the best, but we're also expecting that it might not be good on the first try. So, we'll see how many cycles we'll actually do before we actually get a baby."

Dagdag pa nga ni Chesca, "We'll let you guys know in a few weeks."

 

Source: PEP.ph

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!