LOOK: Kylie Padilla at Aljur Abrenica, ikinasal na!

lead image

Matapos ang isang taong engagement, nagpakasal na kahapon sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica na sumorpresa sa mga netizens at fans nila.

Hindi man isinapubliko ang kanilang pagpapakasal, ikinatuwa parin naman ito ng mga fans at followers nina Kapuso actress Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Kahapon bumaha sa social media ang mga larawan ni Kylie Padilla na lutang na lutang ang kagandahan sa wedding dress niya. Ginanap ang kanilang kasal sa Villa Millagros sa Rizal na kung saan ang venue ay inspired ng 1996 Baz Luhrmann film na Romeo and Juliet.

Tila nga isa paring pelikula ang kanilang kasal habang dahan-dahang naglalakad si Kylie sa isle na puno ng kandila at pulang bulaklak sa paligid. Nakita ito sa video na ibinahagi sa Instagram ng event florist ng Kylie at Aljur wedding na si Gideon Hermosa. Mas naging sentimental pa ito sa pagtugtog ng kanta ni Des’ree’s na “Kissing You” na-ifineature rin sa pelikulang Romeo and Juliet.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kapuso PR Girl (@kapusoprgirl) on

 

View this post on Instagram

 

A post shared by La Belle Fête Weddings&Events (@labellefete) on

Dagdag din sa pagiging makahulugan ng Kylie Padilla at Aljur Abrenica wedding ay ang mga linya sa aisle mula sa isang tula ng kilalang manunula na si Lang Leav na nakuhanan at ibinahagi sa Instagram ng event planner ng kanilang kasal na si La Belle Fete.

src=https://ph admin.theasianparent.com/wp content/uploads/sites/11/2018/12/set up2.jpg LOOK: Kylie Padilla at Aljur Abrenica, ikinasal na!

Image from @labellefette instagram

Isang candid na larawan din ang kaniyang pang inupload na kuha ng mag-amang sina Robin Padilla at Kylie bago pa magsimula ang kasal. At isa pang larawan ni Kylie kasama ang kaniyang ina na si Liezl Sicangco.

src=https://ph admin.theasianparent.com/wp content/uploads/sites/11/2018/12/Kylie2.jpg LOOK: Kylie Padilla at Aljur Abrenica, ikinasal na!

Image from @labellefette instagram

 

src=https://ph admin.theasianparent.com/wp content/uploads/sites/11/2018/12/Kylie1.jpg LOOK: Kylie Padilla at Aljur Abrenica, ikinasal na!

Image from @labellefette instagram

Ang eleganteng off-shoulder wedding gown naman ni Kylie ay idinesenyo ni Mak Tumang na talagang bagay na bagay na 25 years old na aktres. Kinumpleto naman ito ng hair and make-up team nina Renz Pangilinan at Mark Qua na nagbahagi rin ng mga behind-the-scenes shot ng Kylie at Aljur wedding.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by QUA (@mkqua) on

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Renz Pangilinan (@renzpangilinan) on

Samantalang, isang tunay na maginoo namang tingnan ang 28 years old na aktor na si Aljur Abrenica sa kaniyang suot na patterned suit na inayusan rin ni Mark Cua na kaibigan ng stepmom ni Kylie na si Mariel Padilla.

src=https://ph admin.theasianparent.com/wp content/uploads/sites/11/2018/12/Aljur1.jpg LOOK: Kylie Padilla at Aljur Abrenica, ikinasal na!

Image from @labellefette instagram

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by QUA (@mkqua) on

 

Napakasaya naman ng ama ni Kylie na si Robin Padilla na nag-live sa Instagram para ma-document ang special event na ito sa buhay ng anak niya na maririnig na tumatawa sa background ng kinukunan ang first kiss ng mag-asawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gideon Hermosa (@gideonhermosa) on

Si Isabela—ang anak ni Robin sa asawang si Mariel Rodriguez—ang nagsilbing flower girl sa kasal.

 

View this post on Instagram

 

I wanted to say it in my speech but i forgot to say so many of the things I intended to say hehe… @kylienicolepadilla and @ajabrenica thank you so much for making @mariaisabelladepadilla one of the flower girls to your beautiful wedding 🙏🏼🙏🏼🙏🏼 she may not remember it but i will never forget… THANK YOU ❤️minutes before “walking” down the aisle Isabella threw the biggest tantrum of her life 🙈🙈🙈 i was honestly worried we weren’t going to make it… but this wedding, this marriage, is so blessed that when it was time to go Isabella was able to get it out of her system so here we are… shoeless… entering one of the most memorable ceremonies we have ever attended ❤️ congratulations 🍾🎈🎉 Aljur & Kylie ❤️ #AljurKyliEpicAfter @elize.padilla @marbentalanay @charliemanapat @labellefete 📸 @theproudrad 🎥 @bobnicolas @gideonhermosa @juancarlocaterer

A post shared by mariel padilla (@marieltpadilla) on

Present naman sa Kylie at Aljur wedding ay ilang mga kilalang personalidad sa mundo ng showbiz na malalapit na kaibigan ng ngayon ay mag-asawang ng sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Gabi Garcia congratulates Aljur and Kylie

Maritoni Fernandez

Mikee Quintos

Maliban sa mga napakagandang wedding set-up, agaw atensiyon din ang wedding cake nila Kylie at Aljur na kumumpleto sa sentimental vibe ng kasal na kuha mula sa Instagram post ni Chef Castillo Fuentes.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chef Castillo Fuentes_Cakes (@chef_castillo_fuentes) on

Inanunsiyo nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica ang kanilang engagement noong Enero ng nakaraan taon bagamat hindi nagbigay ng detalye ng mga plano at eksaktong araw ng kanilang kasal. Kaya naman kahapon ay magkahalong pagkasorpresa at saya ang naramdaman ng kanilang mga fans at followers na paulit-ulit ang pagbati sa kanila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by QUA (@mkqua) on

Agosto ng nakaraang taon din ay isinilang ni Kylie Padilla ang anak nila ni Aljur na si Alas Joaquin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by soundsalad (@soundsaladband) on

Noong una ay may hindi pagkakaunawaan ang ama ni Kylie na si Robin Padilla at asawang si Aljur Abrenica na naayos din kinalaunan dahilan upang maging vocal ito sa pagsang-ayon sa kanilang pagpapakasal.

 

Sources: Cosmo.PH, ABS-CBN News, GMA News, PEP.ph
Photos: The Proud Rad and Mark Qua

Basahin: Kylie Padilla credits husband Aljur for helping her get more sleep

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!