“Doc, bakit hindi ko nai-enjoy ang motherhood? Bakit hindi ako masaya?”
I never knew that being a mother will be VERY VERY HARD!
Noong ipinagbubuntis ko pa lang si baby Mithi, akala ko magiging smooth lang lahat tulad ng mga napapanuod ko sa YouTube channel ng mga ‘momfluencers’. Honestly, wala talaga akong hilig sa mga bata noong dalaga pa lang ako. I hate it pag umiiyak sila ng malakas.
Kaya naman nahirapan talaga akong mag-adjust ng dumating si Mithi sa buhay namin. Yes, I’m aware of the sleepless nights na kailangan i-endure ng parents pero ang hindi ko kinaya ay ‘yong pagiging iyakin ni baby. She’s super clingy na ayaw ng magpalapag, sabayan pa ng makirot na CS wound every time na kinakarga ko siya.
Isa pa dito ang pressure ko sa breastfeeding. Sa kagustuhan kong mapa-pure BF si baby ay hindi ko na napansin na masyado ko ng pine-pressure ang sarili ko na pati mental health ko naapektuhan na. Naging bugnutin ako, umikli lalo pasensya ko kay baby at na-disappoint ako sa sarili ko. Ang pakiramdam ko noon wala akong kwentang nanay dahil hindi ko maibigay yung nutrition na kailangan niya.
I even hate looking in the mirror dahil hindi ako masaya sa babaeng nakikita ko sa salamin. Nawala ‘yong pregnancy glow at na-haggard ako ng sobra. Ang naging kasiyahan ko ay ang makaligo ng 5 mins sa isang araw, makapagsuklay, makagamit ng banyo ng hindi nagmamadali at makainom ng mainit na kape.
Pakiramdam ko din noon, napag-iiwanan na ako ng mga kaibigan ko dahil lagi akong nakakulong lang sa bahay kasama si baby. Wala akong ibang taong nakikita at nakakausap, puro iyak lang ng bata ang naririnig ko simula paggising hanggang bago matulog sa gabi.
Dumating pa sa puntong gusto ko na siyang saktan dahil naririndi na ko sa iyak niya na halos minu-minuto ko naririnig. Pakiramdam ko mababaliw na ako. Maswerte lang ako dahil sobrang supportive ng asawa ko sa pinagdadaanan ko. Lagi syang nakagabay sakin especially ‘pag mainit na ulo ko kay baby.
One time binisita ko ang OB ko. Nilabas ko sa kanya lahat ng hindi ko kayang ikwento sa iba tungkol sa pinagdadaanan ko. I felt this relief ng sinabi niyang pregnancy blues ito at normal lang lahat ng nararamdaman ko, in fact maging silang mga doktor ay nakaranas din non.
She advised me to be more open with this. Huwag ko daw ikahiya yung pinagdadaanan ko. True enough, nung mas naging open ako sa mga kaibigan at asawa ko, mas gumaan ‘yong pakiramdam ko at nalinawan ang isip ko dahil sa advises na binigay nila sakin.
Na-realize ko na ang way lang para ma-overcome ito is to stop comparing my baby and myself to others. And to accept na hindi lahat ng nababasa at napapanuod ay kaya kong i-apply sa amin ni baby and there’s nothing wrong with that. It will not make me less of a mother kung hindi ko kayang gawin ‘yong mga ginagawa ng ibang nanay at kung manghingi ako ng guidance sa iba about child care.
Ngayon, one year old na si baby Mithi and honestly, may stressful times pa din pero mas nae-enjoy ko na ang motherhood ngayon lalo na pag nakikita ko yung milestones niya. Yes, there are still times na napapagod ako sa pagiging nanay pero pag nakikita ko si baby, iniisip ko nalang na katawan ko lang ang mapapagod pero hindi ko susukuan ang motherhood.
After all, para saan pa ang pangalang MITHI kung susukuan ko ang baby na hiniling namin sa Diyos.
Motherhood is VERY VERY HARD but VERY REWARDING as well.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!