Mga dapat gawin upang maiwasang ma-cesarean sa panganganak

Buntis at malapit ng manganak? Narito ang mga dapat mong malaman upang maiwasang manganak sa pamamagitan ng cesarean section delivery.

Narito ang mga tips para makaiwas sa cesarean section delivery sa panganganak sa iyong baby.

tips para makaiwas sa cesarean

Image from Pexels

Ano ang cesarean section delivery?

Ang cesarean delivery o CS kung tawagin ng marami sa atin ay isang surgical procedure na kung saan ipinapanganak ang isang sanggol sa pamamagitan ng paghihiwa o incision sa tiyan at uterus ng isang babae.

Sa pagsasagawa nito ay binibigyan ng epidural o spinal anesthetic ang babaeng manganganak upang hindi niya maramdaman ang sakit ng ginagawang surgical procedure. Bagama’t siya ay maaaring manatiling conscious at aware sa mga ginagawang paggalaw sa kaniyang katawan.

Ang C-section delivery ay isinasagawa sa pagbubuntis dahil sa dalawang pangunahing dahilan. Ito ay maaaring planned o mas kilala sa tawag na elective C-section. Ito’y maaaring dahil sa hindi inaasahang komplikasyon sa panganganak o emergency C-section delivery.

Mga sign na kailangan ng cesarean delivery ang isang buntis

Elective C-section delivery

Ang elective c-section delivery ay tumutukoy sa planadong panganganak ng isang buntis sa pamamagitan ng cesarean delivery. Maaaring request ng buntis na natatakot manganak sa pamamagitan ng vaginal delivery. O kaya naman ay maaaring dahil sa mga medical reasons na nararanasan ng babaeng nagdadalang-tao tulad ng sumusunod:

  • Ang dinadalang sanggol ay nasa abnormal na posisyon.
  • Higit sa isa ang ipinagbubuntis na sanggol kung saan sila ay dapat na maipanganak ng maaga dahil sa medical problem.
  • Natatakpan ng placenta ang buong cervix.
  • Mayroong health problem ang babaeng nagdadalang-tao. Tulad ng heart problem, diabetes, high blood pressure, o infection gaya ng genital herpes o HIV na maaaring maipasa sa ipapanganak na sanggol sa pamamagitan ng vaginal birth delivery.
  • Ang sanggol na ipinagbubuntis ay may medical complications tulad ng fibroids o severe hydrocephalus
  • Nauna nang nanganak sa pamamagitan ng cesarean section delivery ang babaeng nagdadalang-tao.
  • Masyadong malaki ang ipapanganak na sanggol.

Emergency section delivery

tips para makaiwas sa cesarean

Image from Freepik

Ayon naman kay Dr. Helen Tecson, isang OB-Gyne, ang mga mommy na first time na nagbuntis at wala namang nararanasang komplikasyon ay pinapayuhang sumailalim sa trial of labor o subukang manganak muna sa pamamagitan ng vaginal delivery. Ngunit kung habang nagle-labor ay nakaranas ng problema o komplikasyon ang buntis saka na inirerekomendang isailalim siya sa emergency CS delivery.

“For mommies on their first pregnancy, almost lahat naman will go on trial of labor.

During the course of labor lang ma determine if for CS si mommy or not. Like for example during labor, prolonged ang cervical dilatation or nagkaroon ng stress si baby o non-reassuring fetal status.”

Ito ang pahayag ni Dr. Tecson.

Maliban dito, ayon naman kay Dr. Kristen Cruz-Canlas, isa ring OB-Gyne ang iba pang indikasyon na kailangan ng ma-CS ang isang buntis ay ang sumusunod:

  • Fetal indication tulad ng fetal distress, abnormal heart rate patterns, at malpresentation.
  • Maternal indication tulad ng placenta previa, placenta abruptio, abnormal labor at marami pang iba.

Risk ng pangangak sa pamamagitan ng CS delivery

Pero kung hindi naman nakakaranas ng mga nabanggit at malusog ang pagbubuntis, ipinapayo ng mga doktor na manganak ng normal ang isang buntis. Sapagkat ang pangangak sa pamamagitan ng C-section delivery ay may kaakibat na mga pangamba. Ang mga ito ay ang sumusunod:

  • Wound infection
  • Blood loss
  • Blood clots
  • Organ injury tulad ng sa bowel o bladder
  • Adverse reactions sa gamot o anesthesia
  • Potential complications sa mga susunod na pagbubuntis.
  • Endometritis o impeksyon sa lining ng uterus.

Para naman sa sanggol, ang risk ng panganganak sa pamamagitan ng CS delivery ay ang sumusunod:

  • Surgical injury
  • Breathing difficulties tulad ng transient tachypnea o respiratory distress syndrome

Ayon naman kay Dr. Canlas, may maaaring gawin ang mga buntis upang maiwasang manganak sa pamamagitan ng CS delivery. Ang mga ito ay ang sumusunod:

Tips para makaiwas sa cesarean delivery ang isang buntis

tips para makaiwas sa cesarean

Image from Freepik

  • Magpakonsulta sa oras na malamang nagbubuntis. Upang malaman ang iyong medikal na kondisyon, family history at status ng iyong pagbubuntis.
  • Uminom ng prenatal vitamins tulad ng folic acid para masigurong nagde-develop ng malusog ang sanggol sa iyong sinapupunan.
  • Siguraduhing kompleto ang iyong mga bakuna.
  • Tigilan ang mga bisyo o lifestyle na makakasama sa iyong sanggol.
  • Manatiling active at fit habang nagbubuntis na dapat ay may pag-alalay pa rin ng iyong doktor.
  • Panatilihin ang ideal weight sa pamamagitan ng pagkain ng well-balanced diet.
  • Regular na magpacheck-up sa iyong doktor upang mabantayan ang iyong pagbubuntis at dinadalang sanggol.

Higit sa lahat, ito ang pinakamahalagang payo ni Dr. Canlas sa mga buntis.

“Have good communication with your OB gynecologist. Trust and follow her/his advice. Drink your prenatal vitamins and do necessary tests like laboratory and ultrasound to detect any diseases. Understand and accept that there are some things that we cannot control and pray.”

Ito ang mahalagang paalala ni Dr.Canlas.

Source:

Medical News Today, Mayo Clinic, Healthline

BASAHIN:

Mom Confession: “Naiinggit ako sa ibang nanay na madali sa kanila ang pagbubuntis at panganganak”

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!