Mga sex positions na puwedeng gawin para sa tahimik na pagtatalik

lead image

Siguradong makakatulong sa sex lif ninyong mag-asawa ang aming mga tips para sa tahimik na sex. Basahin at alamin kung anu-ano ang mga ito.

Para sa maraming pamilya, bahagi na ng panahon ng kapaskuhan ang pagbisita sa bahay ng mga kamag-anak o mga magulang. May mga pagkakataon rin na hindi mapigilan ng mga mag-asawa ang kanilang sex drive, ngunit natatakot silang baka mapahiya o marinig sila ng mga kasama sa bahay.

Upang makaiwas sa ganitong sitwasyon, heto ang ilang tips para sa tahimik na sex! Siguradong makakatulong ang mga ito upang makadagdag sa intimacy ninyong mag-asawa, lalo na sa panahon ng pasko.

Mga tips para sa tahimik na sex

1. Missionary

Ang missionary position na siguro ang pinaka-straightforward na paraan ng pakikipagsex. Bagama't hindi ito kakaiba, epektibo ang ganitong sex position, lalo na sa mga mag-asawang ayaw mag-ingay.

2. Sidecar

Ang sidecar ay isang variation ng 69 na sex position. Sa sidecar, sa halip na magkapatong ang mag-asawa ay magkatabi at magkabaliktaran sila sa kama.

Ito ay isang nakatagilid na 69 position na nakakatulong upang makabawas sa ingay habang nakikipagsex.

3. Standing shower

Ang standing shower naman ay isang napakasimpleng sex position. Sa ganitong position, magsesex lamang kayong dalawa sa loob ng shower. Mainam ito dahil naitatago ng tunog ng shower ang mga tunog ninyo habang nagsesex.

Huwag kalimutang magdala ng lubrication, dahil natatanggal ng tubig ang natural na lubrication ng babae.

4. Face in pillow

Ito ay isang version ng doggy style, pero ang pinagkaiba lang ay nakabaon sa unan ang ulo ng babae. Sa ganitong paraan, nababawasan ang ingay, at naitatago ng unan ang mga ungol ng babae.

5. The rider

Ito ay variation sa cowgirl position kung saan sa halip na nakaupo ka lang sa iyong partner, ay nakatuon ang iyong mga kamay sa likod mo.

Sa ganitong position, mas makokontrol mo ang paggalaw, kaya't puwede ninyong bagalan kapag masyado na kayong maingay, at mas tahimik rin kumpara sa regular na cowgirl.

6.  Curled angel

Ito ay variation sa spooning position. Ang pinagkaiba lamang nito sa spooning ay ibabalot mo ang isa mong binti sa baywang ng iyong partner. 

Ito ay upang maging mas tahimik ang inyong paggalaw, at hindi gaanong mag-ingay sa kama.

7. Rocking horse

Sa rocking horse naman, naka cross ang legs ng lalake, habang uupuan siya ng babae. Tahimik ang sex position na ito, dahil mas nakokontrol ng babae ang paggalaw, at hindi kailangan na mag-thrust ng malakas ang lalake.

Source: Health

Basahin: Anal sex positions na na puwede ninyong subukan na mag-asawa

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!