Paano gagawing mas enjoyable ang oral sex?

lead image

Sa pamamagitan ng mga tips sa oral sex na ito, siguradong magiging mas mainit at exciting ang pagsasama ninyo ng iyong asawa.

Karamihan ng tao ay komportable pagdating sa oral sex. Sa katunayan, karamihan ng mga lalaki at babae ay gusto kapag sila ay binibigyan ng oral sex ng kanilang partner. Ngunit pagdating sa pagbibigay ng oral sex, nag-iiba ang usapan.

Kadalasan ang dahilan ay hindi ganoong ka-enjoyable para sa kanila ang pagbibigay ng oral sex. Siyempre, iba nga naman ang pakiramdam kapag ang partner mo lamang ang nasarapan. Kaya't para sa mga nahihirapang magbigay ng oral sex sa kanilang asawa, heto ang ilang mga tips sa oral sex upang ito ay maging mas enjoyable!

6 na tips sa oral sex na makakatulong sa inyong sex life

1. Kapag ikaw ang binibigyan ng oral sex, ipaalam mo sa asawa mo na nasasarapan ka

Mahalaga ito upang hindi nila maramdaman na isang 'chore' ang kanilang ginagawa. Nakakatulong rin ito para madagdagan ang kanilang arousal, at maging mas exciting ang sex.

Kung nahihirapan kang sabihin ito, puwede ka rin mag moan upang ipaalam sa iyong asawa na gusto mo ang kaniyang ginagawa.

2. Gumamit ka ng sex toy

Hindi naman lahat ng tao ay nasasarapan kapag sila ay nagbibigay ng oral sex. Kaya puwedeng subukan mo ang paggamit ng sex toy habang binibigyan mo ng oral sex ang iyong asawa. Ito ay para masarapan ka din habang nagbibigay ng oral sex.

3. Pakinggan mo ang iyong partner

Kung hindi ka sanay sa pagbibigay ng oral sex, mahalagang tanungin ang iyong partner o kaya makinig sa mga sinasabi niya. Mahalaga ang communication sa sex, at nakakatulong ito upang maging mas masarap ang pakikipagtalik ninyo sa isa't-isa.

4. Makipagbigayan sa asawa mo

Siyempre, hindi naman puwedeng one-sided lang ang oral sex. Pagkatapos mong bigyan ng oral sex ang iyong asawa, ay dapat ikaw rin ay bigyan niya ng oral sex para parehas kayong nasasarapan.

5. Nasayo ang control

Dahil ikaw ang nagbibigay ng oral sex, nasa iyo ang control sa mga sensation na nararamdaman ng iyong asawa. Bakit hindi ito gamitin upang i-tease sila, o kaya ay gawing mas intense ang kanilang orgasm?

6. Makipag eye contact sa iyong asawa

May mga taong hindi gusto ang oral sex dahil para sa kanila, kulang ito ng intimacy. Sa pagtitig sa iyong asawa, nakakatulong ito para makadagdag ng intimacy sa inyong dalawa, at gawing mas personal ang pagbibigay mo ng oral sex. Puwede mo rin siyang halik-halikan at mag-break muna sa pagbibigay ng oral sex. 

 

Source: Refinery29

Basahin: Ano ang kailangang gawin kung mas mataas ang iyong sex drive sa iyong asawa?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner