Toni Gonzaga, ibinahagi ang mga natutunan niya nang siya ay maging ina

lead image

Ayon sa TV host at aktres na si Toni Gonzaga, maraming pagbabago ang nangyari sa kaniyang buhay simula nang siya ay maging isang ina.

Maraming pagbabago ang nagaganap sa buhay ng mga bagong ina. At para sa isang celebrity tulad ni Toni Gonzaga, hindi nalalayo ang kaniyang karanasan sa karanasan ng ibang mga ina.

Nakapanayam namin si Toni sa "Wow! Diaper Showndown!" event ng Pampers, at nagkwento siya tungkol sa kaniyang mga natutunan at mga bagong karanasan nang siya ay maging ina kay Seve.

Toni Gonzaga: "Naadik ako sa sale"

Nakwento ni Toni na maraming pagbabago ang nangyari sa kaniyang buhay nang siya ay maging isang ina. Isa na rito ang pagiging adik sa mga sale. "I became a typical mom kung saan adik sa discount, adik sa sale."

Ngunit tinuruan din daw siya ng asawang si Paul Soriano na pagdating sa mga pamilya, hindi dapat magtipid.

Aniya, "Si Paul naman, when it comes down to your family, especially with Seve, always invest in the right brand and the right product."

"You get what you pay for. Pag cheap, cheap yung quality na makukuha mo," dagdag ni Toni.

"Necessity yung top priority"

Dagdag pa ni Toni na natuto daw siyang magbudget para sa necessity at sa luxury. At siyempre, dahil may anak na sila ni Paul, ang pinaka-importanteng gastusin ay ang mga necessity, lalong-lalo na pagdating kay Seve. Kasama na raw dito ang gatas, diaper, at pagkain ng bata.

Hands-on na tita din si Alex Gonzaga

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alex Gonzaga (@cathygonzaga) on

Ibinahagi rin ni Toni na hands-on daw sa pagiging tita ang kapatid niyang si Alex. Tumutulong pa nga raw siya pagdating sa pagpapalit ng diapers ni Seve.

Kwento pa ni Alex na gustong-gusto raw niyang kalaro ang pamangkin, pero hindi daw siya nabibigyan ng pagkakataon ni Toni na alagaan 24/7 si Seve. Kapag nagtravel daw silang pamilya, si Alex ang tumutulong kay Toni pagdating kay Seve.

Dagdag ni Alex na mas nakikita raw niya ang ate niya kay Seve kumpara kay Paul. Magkamukha daw si Seve at Toni noong bata pa si Toni, pero may nakikita rin siyang ugali ni Paul kay Seve.

Pagdating naman daw sa disiplina, kwento ni Alex na ang ate raw niya ay mahilig siyang idisiplina. Pero pagdating daw kay Seve, hindi ito ginagawa ni Toni.

Sabi rin ni Toni na hindi pa daw kasi naiintindihan ni Seve ang mga bagay-bagay, kaya't maluwag pa siya pagdating sa disiplina. Pero kung may ginawang mali ang anak niya, pinagsasabihan naman niya si Seve.

Ayon kay Toni, may plano raw sila ni Paul na magkaroon ng isa pang anak, pero hindi pa ngayon. Baka raw kapag mas malaki na ng onti si Seve. Pero gusto raw nilang mag-asawa na magkaroon pa ng kapatid si Seve.

 

Basahin: Toni Gonzaga and Paul Soriano on what it’s like to be a mom and dad to Seve!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!