Nahihirapan ka ba mommy na pagsipilyuhin si ang iyong toddler lalo na pagkagising sa umaga at pagkatapos kumain? Baka naman hindi niya gusto ang brand ng toothpaste para sa bata ang gamit niya.
Mababasa sa artikulong ito:
- Bakit ba mahalaga ang pagsisipilyo habang bata?
- Tamang pag-aalaga sa ngipin ng bata
- Anong toothpaste ang dapat gamitin ng isang bata?
- Magandang brand ng toothpaste para sa bata
Alamin mo dito mommy kung anung magandang brand ng toothpaste para sa bata ang dapat nilang gamitin.
Bakit ba mahalaga ang pagsisipilyo habang bata?
Kapag ang baby ay nagsimula ng magkaroon ng ngipin, dapat na sila ay simulan na gamitin ng toothbrush na may kaunting toothpaste para sa bata.
Habang sila ay lumalaki, madali nila itong matututunan. Mahalaga ang pagsisipilyo ilang bahagi ng ating hygiene. Ito ang nagtatanggal ng plaque sa ngipin at gilagid. Ang plaque ay punung-puno ng bacteria na dahilan ng tooth decay o pagkabulok.
Kapag nabulok ang ngipin, sasakit ito ay maaaring magkaroon ng impeksyon sa gilagid, paligod ng bibig, at lalamunan. Kaya habang maaga, dapat nating turuan ang ating mga anak ng tamang pagsisipilyo.
Tamang pag-aalaga sa ngipin ng bata
Bawat bibig ay magkakaiba, at ang pagtubo ng mga ngipin ng bata ay hindi magkakaparehas. Mahalagang malaman ang gum condition at posisyon ng mga ngipin ng bata para malaman ang epektibong paraang ng pagsisipilyo.
Para malaman ang tamang pag-aalaga ng ngipin ng bata at condition ng kanilang oral health, bumisita sa pedia dentist. Sila ang magtuturo ng tamang brushing method na makakatulong sa inyo.
Karaniwan na tinuturo ng mga dentist na magsipilyo gamit ang circular method o paikot ng dahan dahan. Ang circulator o elliptical motion ng pagsisipilyo amg dapat sundin sa halip na back and forth motion. Maaari kasing masugatan ang gums ng bata sa back and forth motion na dating tinuturo.
Larawan mula sa iStock
Narito ang step by step na tamang paraan ng pagsisipilyo na makakatulong para malinis ang buong bibig ng inyong anak.
- Ilagay ang toothbrush na may kaunting toothpaste para sa bata sa ngipin ng 45 degree na anggulo.
- Dahang-dahang sipilyuhin ang maliliit na ngipin gamit ang circular motion.
- Sipilyuhin rin ang paligid ng loob ng bibig.
- Linisin ang dila, dahan dahan itong sipilyuhin para maalis ang bacteria at maging fresh ang hininga.
- Ulitin ang 4 steps na nabanggit ng tatlong beses sa isang araw, lalo na pagkatapos kumain.
Gaano kadalas dapat magsipilyo ng ngipin ang isang bata?
Larawan mula sa iStock
Ang pagsisipilyo ay dapat atleast dalawang beses sa isang araw, at umaabot ng dalawang minuto bawat pagsisipilyo.
Karaniwang sa mga bata ngayon ay umaabot lamang ng isang minuto ang ginugugol sa bawat pagsisipilyo. Mas mahalagang magsipilyo ng umaabot sa dalawang minuto o higit pa para masiguro na natatanggal ang bacteria sa bibig.
Importante na magsipilyo ang isang lumalaking bata tuwing pagkatapos nya kumain. Magbaon ng portable toothbrush at toothpaste para sa bata kung aalis ng bahay o papasok sa school. Mas maagang turuan ng tamang pag-aalaga ng kanilang ngipin ang bata, madadala niya ito hanaggang sa siya ay lumaki.
Anong toothpaste ang dapat gamitin ng isang bata?
Narito ang ilan sa dapat na mga ingredients mayroon ang toothpaste na nakatutulong para malinis ang bibig ng inyong anak.
- Humectant (para sa moisture) at water (75%)
- Abrasive (20%)
- Foaming at flavoring agents (2%)
- pH buffers (2%)
- Coloring agents, binders, at opacifiers (1.5%)
- Fluoride (.24 %)
Larawan mula sa iStock
Bakit kailangang gumamit ng toothpaste para sa bata?
Ang pagsisipilyo gamit ang toothpaste na may fluoride ay nakakatulong sa mga sumusunod:
- Pagtanggal ng plaque na nagiging sanhi ng tooth decay
- Naiiwasan ang impeksyon sa bibig na dulot ng bacteria
- Pampatibay ng tooth enamel na kadalasan inaatake ng acid sa bibig
- Nakakalinis at nakakakinis ng mga ngipin
- Nagtatanggal ng mantsa sa ngipin
- Nagbibigay ng mabangong hininga
Anong klaseng toothpaste ang dapat ipagamit sa inyong anak?
Ang tooth enamel ng bata ay nasa 50% na mas manipis kaysa sa mga matatanda kaya naman mas prone ito sa pagkasira. Habang lumalaki ang isang bata, nagbabago ang hilig niya sa pagkain.
Mas nagiging mahilig siya kumain ng sugary foods tulad ng candy, ice cream, chocolate, at iba pang matatamis na inumin at pagkain. Dahil ditto, ang naiiwang pagkain sa bibig ay nagiging plaque na nagiging sanhi ng tooth decay.
Ang fluoride ang isa sa pangunahing ingredients ng mga toothpaste ngayon. Hindi masama ang paggamit ng toothpaste na may fluoride dahil ito ang lumalaban sa plaque na sanhi ng pagkabulok ng ngipin.
Maaaring gumamit ng toothpaste na gawa sa gel, paste, powder, ang mahalaga ay nasa tamang amount o sukat ang nakalagay sa isang toothpaste.
Karamihan sa mga toothpaste ng bata ngayon ay mayroon lamang 1000ppm (parts per million). Ang batang edad 3-pataas ay dapat gumamit ng pea-sized na amount ng toothpaste na naglalaman ng
BASAHIN:
7 mom-approved snacks for toddlers
6 white noise machine to help your baby sleep better
TAP List: 7 baby cribs for your little one
5 na magandang brand ng toothpaste para sa bata
Fluoride: 1000 ppm
Flavor: Strawberry
Age: 1 year old above
Ingredients: Mayroon itong Calcium Gluconate, Aroma, CI 16035, Water, Glycerin, Hydrated Silica, Xylitol, Hydrogenated Starch Hydrolysate, Cellulose Gum, Sarlosyl, at Sucralose.
Presyo: ₱270
Bakit ito ang dapat mong bilhin?
Ang Chicco Baby Moments Toothpaste ay ginawa para sa delicate na mouth at sensitive gums ng mga batang edad 1-pataas.
Mayroon itong xylitol na nakakatulong na labanan ang tooth decay at gum problems. Naglalaman din ito ng bio-available calcium para sa strong teeth habang sila ay lumalaki. Ito rin ay preservative free.
Tamang paggamit:
Maglagay ng pea-sized na toothpaste para sa batang edad 3-pataas. Gamitin ito pagkatapos kumain, pagkagising, at bago matulog.
Fluoride: 1350 PPM
Flavor: Watermelon and Mild Mint flavor
Age: 3 years & up
Ingredients: Mayroon itong orbitol, aqua/water, hydrated silica, coco fatty alcohol sulfate, stevia leaf powder (stevia rebaudiana powder), flavor, sodium carboxymethylcellulose, Aloe vera L. extract, Melaleuca alternifolia (Maiden & Betche) Cheel (tea tree) oil, sodium fluriode, monoammonium glycyrrhizinate, citric acid, at potassium sorbate.
Presyo: ₱99
Bakit ito ang dapat mong bilhin?
Ang Nature to Nurture Kids Fluoride Toothpaste Watermelon ay mayroong aloe vera para sensitive gums at silica para pantanggal ng plaque sa ngipin.
Mayroon din itong fluoride at tea tree essential oil para naman sa tooth decay o pagkabulok ng ngipin. Ang fluoride nito ay nasa tamang amount lamang kaya hindi dapat ipag-alala kung makalunok ng kaunti habang nagsisipilyo.
Wala itong sodium lauryl/ laureth sulfate (SLS/SLES), phthalates, parabens, synthetic fragrances, dyes, cocamide DEA, triclosan, formaldehyde at caustics na nakakasama sa kalusugan ng inyong little one.
Tamang paggamit:
Maglagay ng pea-sized amount ng toothpaste sa toothbrush ng bata. Isipilyo gamit ang circular motion sa ngipin at gums, at dila. Magmumog pagkatapos magsipilyo.
*Palaging gabayan ang inyong anak para sa tamang pagsisipilyo.
Fluoride: 1000ppm
Flavor: tutti-fruitti flavor
Age: 3 years old & up
Ingredients: Xylitol
Presyo: ₱120
Bakit ito ang dapat mong bilhin?
Ang Tiny Buds ay isa sa mot trusted brand ng mommies sa Pilipinas. Karamihan sa kanilang baby product ay safe at effective kaya naman patuloy itong tinatangkilik maging ng mga first time moms.
Ang kanilang Tiny Buds Toddler Toothgel Stage 2 ay may safe amount ng fluoride na suitable sa batang edad 3-pataas. Mayroon itong kaunting hint ng mint flavor para sa mabangong hininga at kaunting bubbles para sa masayang pagsisipilyo.
Tamang paggamit:
Maglagay ng kaunting toothgel sa toothbrush ng inyong anak. Ituro circular motion para malinis ang kanilang bong bibig. Turuan din sila ng tamang pagbanlaw pagkatapos magsipilyo.
Fluoride: Fluoride Free
Flavor: Orange
Age: babies and children
Ingredients: Naglalaman ito ng Dicalcium Phosphate Dihydrate, Water, Glycerine, Xylitol, Citric Acid, Maltitol, Sodium Citrate, Sodium Benzoate, Potassium Sorbate, Sodium Methyl Cocoyl Taurate, Trimagnesium Phosphate, at natural orange Flavor.
Presyo: ₱114.57(on sale price) – ₱149.75 (original price)
Bakit ito ang dapat mong bilhin?
Bukod sa nilalabanan nito tooth decay at nagpapatibay ng gums, ito rin ay safe na malunok ng bata kapag nagsisipilyo. Ito ay formulated para sa babies at bata dahil wala itong fluoride at may natural orange flavor na suitable sa kanilang edad. Available rin ito sa Strawberry at Fruit Punch Flavor.
Tamang paggamit:
Maglagay ng kaunting toothpaste sa toothbrush. Isipilyo sa ngipin, loob ng bibig, gums, at dila. Gamitin at least 2 times sa loob ng isang araw.
Fluoride: 1450 ppm
Flavor: mild mint
Age: 3-5 yrs. Old
Ingredients: Mayroon itong Aqua/water, Hydrated Silica, Sorbitol, Glycerin, Xanthan Gum, Titanium Dioxide, Aroma, Chondrus Crispus (Carrageenan), Sodium Fluoride, Sodium Saccharin, Cocamidopropyl Betaine, Sodium Methyl Cocoyl Taurate, Limonene, CI 73360, CI 74160 at Sodium Fluoride 0.315% w/w (1450 ppm Fluoride).
Presyo: ₱55 (on sale) – ₱61 (original price)
Bakit ito ang dapat mong bilhin?
Ang Aquafresh Kids Little Teeth Toothpaste for Children ay may Sugar Acid Protection dahil ito ay nagtataglay ng active fluoride mineral formulation na suitable sa bata.
Ito ay may gentle care formula na nagpapatibay ng mga ngipin at lumalaban sa sugar acid attack na sanhi ng madalas na plaque.
Tamang paggamit:
Maglagay ng toothpaste sa sipilyo ng bata. Dahan dahang magsipilyo gamit ang circular motion. Gamitin at least 2 times sa loob ng isang araw.