5 Pinoy dessert recipes na patok ngayong summer!

Share this article with other moms

At puwede rin tumulong ang kids niyo sa paggawa ng mga recipes na ito!

Tuwing summer, masarap bumiyahe at lalong masarap kumain! Tayong mga Pinoy talaga, hindi nakukumpleto ang pagkain kung walang panghimagas.

Heto ang 5 na Pinoy summer dessert recipes na magugustuhan ng buong pamilya, puede pang tumulong ang mga bata sa paggawa!

1. Leche Flan

Mga ingredients:

  • Itlog (10 pieces)
  • Condensed milk (maliit na can)
  • Fresh milk o evaporated milk (1 cup)
  • Granulated sugar (1 cup)
  • Vanilla extract (1 tsp)

Paano gawin:

  1. Ihiwalay ang yolk mula sa egg whites (ito lang ang gagamitin sa recipe)
  2. Ilagay ang egg yolks sa malaking bowl. Haluin gamit ang tinidor o egg beater.
  3. Idagdag ang condensed milk at haluing mabuti
  4. Ibuhos ang milk at vanilla. Haluing mabuti.
  5. Ilagay ang llanera sa ibabaw ng stove at initin gamit ang mahinang apoy.
  6. Ilagay ang granulated sugar sa llanera at haluin hanggang matunaw, dapat light brown ang kulay.
  7. Ikalat ng pantay ang caramel sa flat na bahagi ng llanera.
  8. Takpan ito gamit ang aluminum foil
  9. I-steam ang llanera na may eggs at milk mixture (30 to 35 na minutos).
  10. Pagkatapos i-steam, hayang lumamig ito bago ilagay sa refrigerator.
  11. Ready to eat na ito. Good for 6 servings!

Tandaan: Puwede ring gumamit ng lampin para salain at siguraduhin walang bubbles at pino ang leche flan!

2. Halo-halo

Mga ingredients:

Shaved ice or crushed ice
Prepared Ube
Langka (canned or sweetened)
Bananas, diced (sweetened or ripe)
Hilaw na mangga, sliced
Tapioca (cooked or soaked in brown sugar syrup)
Garbanzo beans (sweetened)
Mung beans (sweetened)
Milk flan (Spanish flan na may caramel sauce)
Nata de coco
Rice Krispies or dinurog na sweetened rice
Gelatin (sea kelp or firm kind)
Cream of corn o corn kernels
Vanilla ice cream
Sugar (depende sa panlasa niyo)
Evaporated milk

Paano gawin:

1. Sa isang mataas na baso, magdagdag ng teaspoon or (tablespoon) ng bawat ingredient. Magdagdag ng sugar kung gusto niyo.
2. Idagdag and shaved o crushed ice hanggan mapuno ang baso. Maaaring gamitin ang kamay para mas maging siksik.
3. Lagyan ng gatas hanggang maging puti na din ang yelo.
4. Ilagay ang additional ingredients: milk flan, ube, vanilla ice cream. Idagdag ang rice krispies
5. I-serve, halo-haluin at enjoy!

Tandaan: Ilagay ang mas matamis na ingredients sa gitna para mas malasa!

Alamin ang mga iba pang tradisyonal na recipes sa kabilang page!

Health & Wellness Family Nutrition Meal Planning Food & Recipe Videos