Isa ka bang expecting mommy na may travel goals? Kung oo, para sa iyo ang article na ito. Narito ang best travel pillow para sa buntis na aming inirerekomenda upang mas maging komportable ang iyong pag travel. Habang lumalaki ang tiyan at patuloy na pagkakaroon ng pagbabago sa katawan, mas nagiging mahirap ang pagkilos para sa mga buntis. Kaya’t kadalasan, ang mga nakaplanong pamamasyal ay nauuwi sa pagpapaliban nito. Ngunit hindi hadlang ang pagbubuntis para mag-enjoy at mag travel.
Maraming paraan upang mapanatiling ligtas at komportable ang iyong kalagayan habang bumabiyahe. Isa na rito ay ang paggamit ng travel pillow. Ang pinaka common na travel pillow ay u-shaped pillow na nagbibigay suporta sa natural na resting position ng iyong ulo at leeg. Ito rin ay kilala sa market bilang neck pillow. Bukod sa neck pillow, marami pang ibang uri ng travel pillow na maaari mong gamitin habang ikaw ay nagdadalang tao.
Bago natin talakayin ang iba’t-ibang uri ng travel pillow para sa mga buntis, narito ang mga dahilan kung bakit dapat gumamit ng travel pillow pati na rin ang mga benefits na makukuha sa paggamit nito.
Talaan ng Nilalaman
Bakit kailangan gumamit ng travel pillow para sa buntis?
Kapag bumabiyahe ng mahabang oras ang buntis, mas nakakabuti para sa kanila ang magpahinga o matulog. Upang maiwasan ang pagsakit ng anumang parte ng katawan lalo na ang likod at leeg, kinakailangan ng bagay na susuporta sa mga ito. Isa sa mga benepisyong binibigay ng pag gamit ng travel pillow ay ang pagbigay ng suporta sa likod, leeg at ulo para sa mas komportableng pag biyahe.
Bukod dito, maiibsan din ang pagod sa biyahe dahil sa comfort na naidudulot ng travel pillow. Kapag malamig sa loob ng sasakyan o eroplano, nakakatulong din ang travel pillow para pagpapainit ng iyong pakiramdam. Higit sa lahat, ang mga travel pillow na mabibili sa market ay portable at napakadaling bitbitin kumpara sa mga common na unan na ginagamit natin sa ating tahanan.
Kaya’t para sa mas masaya at komportableng pagtravel, huwag kalimutan magdala ng travel pillow na siyang magsisilbing suporta ng iyong katawan habang ikaw ay nagpapahinga.
Iba’t-ibang uri ng travel pillow para sa buntis
Bukod sa neck pillow na madalas gamitin sa pagtravel, marami pang uri ng travel pillow na maaaring gamitin ang mga soon to be mommies. Narito ang iba’t ibang uri ng travel pillow para sa mga buntis:
- Neck pillow – ito ang pinaka common na travel pillow na mabibili. Ang U-shaped pillow na ito ay nagbibigay suporta sa likod, leeg at ulo sa pamamagitan ng paglagay nito sa leeg nang sa ganoon ay ma-maintain ang natural na posisyon ng likod at ulo habang nakasandal sa upuan.
- Infinity pillow – ito ay uri ng travel pillow na adjustable. Pwede itong gamitin bilang bilang neck pillow, suporta sa likod, desk pillow, at maging pangtakip sa mata kapag nahihirapang makatulog sa maliwanag na paligid.
- Wedge pillow – ang wedge pillow ay isang triangle-shaped pillow na maaaring gamitin bilang suporta sa tyan, likod o hita.
- Dual wedge pillow – ito ay isang uri ng wedge pillow. Ang kaibahan nito sa wedge pillow ay mayroon itong magkabilaang triangle-shaped pillow para sa mas mabisang suporta sa tyan habang nakaupo o nakahiga.
- Inflatable pillow – ang travel pillow na ito ang pinaka madaling bitbitin saan man magpunta dahil sa ito ay inflatable. Napakadaling gamitin sapagkat karaniwan sa mga inflatable travel pillow ay may inflatable pump na pinipindot lamang upang ito ay magkahangin.
Travel pillow para sa buntis: Top 6 travel pillow na makakatulong sa mas komportableng pag biyahe
Brand | Best for |
Huzi Infinity Pillow | Best overall travel pillow |
Uratex Senso Memory Neckease Pillow | Best neck pillow |
Joyce & Diana Premium Neck Pillow | Most affordable travel pillow |
Hiccapop Pregnancy Pillow | Best wedge pillow |
Lacomfy Pregnancy Pillow | Best double wedge pillow |
Romix Hand Inflatable Travel Neck Pillow | Best inflatable travel pillow |
Huzi Infinity Pillow
Best overall travel pillow
|
Buy Now |
Uratex Senso Memory Neckease Pillow
Best neck pillow
|
Buy Now |
Joyce & Diana Premium Neck Pillow
Most affordable travel pillow
|
Buy Now |
Hiccapop Pregnancy Pillow
Best wedge pillow
|
Buy Now |
Lacomfy Pregnancy Pillow
Best double wedge pillow
|
Buy Now |
Romix Hand Inflatable Travel Neck Pillow
Best inflatable travel pillow
|
Buy Now |
Huzi Infinity Pillow
Best overall travel pillow
Kung ikaw ay naghahanap ng travel pillow na maaaring gamitin sa leeg, likod, ulo at iba pang parte ng katawan, subukan ang Huzi Infinity Pillow. Ang adjustable travel pillow na ito ay nagbibigay ng 360° na suporta sa buong katawan. Bukod doon, ito ay gawa sa malambot na materyales at breathable bamboo fabric na nakatutulong sa mas komportableng mong travel experience.
Ang travel pillow na ito ay perfect para sa mga nagdadalang tao sapagkat ito ay maaari ring gamitin bilang suporta sa tyan. Ito ay lightweight kaya’t napaka daling dalhin saan man magpunta.
Features we love:
- Adjustable.
- Breathable bamboo fabric.
- Lightweight.
Uratex Senso Memory Neckease Pillow
Best neck pillow
Ang high quality neck pillow ng Uratex ay gawa sa senso memory foam na magandang gamitin bilang pang suporta sa iyong leeg at ulo. Ito ay may akmang lambot na nakatutulong din para sa mas komportableng pagbiyahe sa mahabang oras.
Ang neck pillow na ito ay may cover na gawa sa premium knitted fabric na nagbibigay ng mas preskong pakiramdam at hindi nakakairita sa balat. Ito ay lightweight at compact kaya’t ito ay ideal na gamitin para sa pagbiyahe.
Features we love:
- Senso memory foam.
- Premium knitted fabric.
- Lightweight at compact.
Joyce & Diana Premium Neck Pillow
Most affordable travel pillow
Naghahanap ng travel pillow para sa buntis na mura at abot-kaya? Ang Joyce & Diana Premium Neck Pillow ang para sa iyo. Sa presyong hindi masakit sa bulsa, makakabili ka ng neck pillow na may magandang quality gaya sa mga mamahaling brand.
Ang travel pillow na ito ay gawa sa premium infill at may cover na gawa sa fleece fabric. Ito ay may katamtamang lambot, magaan at breathable kaya’t siguradong makakatulong ito upang maibsan ang iyong pagod sa byahe at maiwasan ang posibleng pananakit ng leeg at ulo.
Bukod dito, neck pillow na ito ay 100% hypoallergenic na mas ligtas gamitin ng mga nagdadalang tao. May iba’t-ibang kulay na maaaring pagpilian para sa travel pillow na ito: dark brown, white, dark gray, blue, at red.
Features we love:
- Abot-kayang presyo.
- Fleece fabric cover.
- Magaan at breathable.
Hiccapop Pregnancy Pillow
Best wedge pillow
Para sa soon to be mommy na madalas makaranas ng discomfort lalo na sa pagbyahe, ang Hiccapop Pregnancy Pillow ang travel pillow na para sa’yo. Ito ay two-sided wedge pillow na may magkaibang lambot. Gawa sa malambot na memory foam ang side 1, samantalang gawa naman sa mas firm at may katamtamang lambot na foam ang side 2.
Ang travel pillow na ito ay mabisang gamitin upang masuportahan ang tyan, likod at maging ang iyong mga tuhod at binti. Ito ay nakakatulong sa mas komportableng pagbiyahe nakaupo man sa ng mahabang oras.
Gawa ang travel pillow na ito sa CertiPUR-US deluxe memory foam na gumagamit ng airflow ventilation technology nag nagbibigay ng mas presko at komportableng pakiramdam habang nagpapahinga. Ang cover naman nito ay ginamitan ng napakalambot na plush velboa fabric. Ito rin ay compact at portable kaya’t ito ay madaling bitbitin saan man magpunta.
Features we love:
- Two-sided wedge pillow.
- Airflow ventilation technology.
- Plush Velboa cover.
- Compact at portable.
Lacomfy Pregnancy Pillow
Best double wedge pillow
Kung ang hanap mo naman ay double wedge travel pillow, ang Lacomfy Pregnancy Pillow ang aming mairerekomenda. Ang travel pillow na ito ay akma para sa mga expecting moms na nagnanais ng extra comfort at suporta para sa lumalaking tyan. Humuhubog ito sa kurba ng iyong katawan at hugis ng iyong tyan na nakakatulong upang maiwasan ang anuman pananakit ng likod at anumang parte ng katawan.
Ang double wedge travel pillow na ito ay gawa sa bionic polyethylene filling na ligtas para sa mga buntis. Ang materyales na ito ay stretchable kaya’t ito maaaring gamitin para maging suporta sa magkabilang gilid ng tyan. Ang cover nito ay gawa sa malabot at preskong tela na nagbibigay ng extra comfort. Hindi rin kailangan mag-alala sa laki at bigat ng travel pillow na ito sapagkat ito ay lightweight at madaling bitbitin.
Features we love:
- Extra comfort at support para sa tiyan.
- Stretchable.
- Gawa sa safe materials para sa mga buntis.
- Lightweight.
Romix Hand Inflatable Travel Neck Pillow
Best inflatable travel pillow
Wala nang espasyo sa bagahe para mapaglagyan ng travel pillow? Nararapat lamang na inflatable travel pillow na ang iyong piliin. Tignan ang Romix Hand Inflatable Travel Neck pillow na kabilang sa aming top picks sa best travel pillow para sa buntis. Mayroon itong inflatable pump na kailangan lang pindutin sa loob ng 20 – 30 seconds upang magkaroon ng hangin ang travel pillow.
Bukod sa napakadaling gamitin, ang inflatable neck pillow na ito ay mabisang pang suporta sa leeg at ulo na makakatulong sa pagpapanatili ng wastong porma ng likod. Gawa ito sa polyester material na safe para sa mga buntis at nagbibigay ng komportableng pakiramdam. Ang materyales na ito ay matibay, maaaring labhan at madaling linisin.
Features we love:
- Inflatable.
- Madaling gamitin.
- Maaaring dalhin kahit saan.
- Matibay.
Price comparison
Brand | Price |
Huzi Infinity Pillow | Php 1,408.00 |
Uratex Senso Memory Neckease Pillow | Php 809.78 |
Joyce & Diana Premium Neck Pillow | Php 284.00 |
Hiccapop Pregnancy Pillow | Php 2,030.00 |
Lacomfy Pregnancy Pillow | Php 2,732.00 |
Romix Hand Inflatable Travel Neck Pillow | Php 897.00 |
Note: Each item and price is up to date at the time of publication. However, an item may be sold out or the price may be different at a later date.
Tips sa pagpili ng best travel pillow para sa mga buntis
Narito ang ilan sa mga tips sa pagpili ng travel pillow:
- Isa sa mga madalas na sumasakit na parte ng katawan sa mahabang byahe ay ang leeg at likod. Kaya’t upang ito ay maiwasan, pumili ng travel pillow na magbibigay suporta mula sa iyong likod hanggang ulo. Maaari ring bumili ng mga travel pillow na nagbibigay suporta sa iyong tyan para sa mas ligtas at komportableng travel experience ninyo ni baby.
- I-check ang mga materyales na ginamit sa pag gawa ng travel pillow. Mahalaga na ang foam na gamit ay may katamtamang lambot. Piliin din ang travel pillow na may cover na gawa sa cotton o breathable na tela.
- Ang size at weight ng travel pillow ay kailangan din ikonsidera sa pagbili lalo na kung ito ay gagamitin sa pagsakay ng eroplano. Piliin ang travel pillow na magaan at madaling bitbitin o itago sa luggage.
- Importante rin na pumili ng travel pillow na pasok sa iyong budget lalo na at pinaghahandaan mo ang pag dating ni baby. May mga travel pillow na mabibili sa murang halaga na may magandang kalidad.
Kung ang pupuntahan mo ay beach resort, kaya pa ring makipagsabayan sa OOTD with these maternity swimwear: Best Maternity Swimwear Philippines: 5 picks so you can flex that baby bump!