Trina Candaza nagbalik-tanaw sa pagsubok na hinarap noong 2022

Ibinahagi ng aktres na si Trina Candaza sa kanyang Instagram account ang isang mensahe kasabay ng pagtatapos ng taong 2022. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ibinahagi ng vlogger na si Trina Candaza sa kanyang Instagram account ang isang mensahe kasabay ng pagtatapos ng taong 2022.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Trina Candaza nagbalik-tanaw sa pagsubok na hinarap noong 2022
  • Hiwalayang Carlo Aquino at Trina Candaza

Trina Candaza nagbalik-tanaw sa pagsubok na hinarap noong 2022

Sa pagtatapos at pagsisimula ng taon nagkakaroon ng maraming realizations ang karamihan. Katulad na lang sa showbiz kung saan maraming aktor at vlogger ang nagbahagi ng kanilang mga mensahe sa pamilya, kaibigan, fans, at maging sa sarili. Ito kasi ang panahon kung saan kinukuha nila ang chance na sabihin ang kanilang saloobin.

Isa nang halimbawa diyan ang vlogger na si Trina Candaza. Makikitang sa kanyang Instagram account ay nagbahagi ito ng post sa bungad ng taong 2023. Makikita sa post ang mga larawang kinuhanan niya sa nagdaang taon kung saan kasama rin ang kanyang anak.

Ayon sa vlogger, nais niya raw magbalik-tanaw sa mga nangyari sa kanila ng kanyang anak noong 2022. Ito raw kasi ang paraan niya para ipaalala sa sariling nagawa niyang lagpasan ang lahat ng ito dahil sa tapang na kanyang ipinakita,

“Before leaving 2022, I want to look back and be reminded of all the things that happened to me, to us rather.”

“So I will be reminded of how I braved through it all.”

Kasabay ng pag-alala niyang ito, binanggit niya rin nang bahagya ang nagdaang isyu na napag-usapan ng karamihan. Ito ay ang hiwalayan nila ng dating karelasyon na si Carlo Aquino. Wala mang ibinigay na pangalan ang vlogger ngunit naniniwala ang netizens na si Carlo Aquino nga ito.

Inalala niya sa kanyang caption kung paano nawala ang isang taong akala nilang magpoprotekta sa kanilang mag-ina. Sinabi niya pa dito na hindi raw nila inakalang ito pa ang “excited” na maalis sila sa buhay nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“We lost someone whom I thought will be the man who will always keep us safe, someone who will protect us. But little did I know he will be the one who is very excited to remove us from his life.”

Sa kabila ng post mensahe niyang ito, tinapos naman niya ang kanyang post sa pagpapaalala sa sarili na sa tuwing may umaalis daw ay alam niyang may bagong darating,

“Pero, sa tuwing may nawawala may pumapalit.”

Natuwa rin siya dahil nakita niya kung paanong biniyayaan sila ng kanyang anak ng mga taong nagmamahal sa kanila.

“And looking back, I’ve realized that me and Mithi have been very blessed with the people around us. Providing me support and opportunities.”

Kinuha niya rin ang chance na ito para ibahagi ang kanyang na-achieve noong 2022. Ayon kay Trina, masaya raw siyang nakakuha siya ng apat na endorsements. Sa taong ito rin daw niya nabili ang una niyang sasakyan at maging isa muling bagong bag.

Bukod dito, nag-celebrate rin siya sa pagsisimula ng kanyang tatlong bagong small business. Natuwa rin ang kanyang followers dahil nabanggit niya dito ang ilan sa mga bago niyang natutunan gaya ng pagsakay sa big bike, free diving, at maging scuba diving.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi rin kinalimutan ni Trina na pasalatan ang mga tumulong sa kanila ng anak na si Mithi,

Nagpasalamat ang vlogger na si Trina Candaza sa mga tumulong sa kanila ng anak na si Mithi noong taong 2022. | Larawan mula sa Instagram account ni Trina Candaza

“Thank you to all the people who have helped me and Mithi, you know who you are, we love you and we are very grateful for all the help and love.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

2022, you are the year that built me.”

Hiwalayang Carlo Aquino at Trina Candaza

Nakaraang taon lamang nang maghiwalay si Carlo Aquino at Trina Candaza. | Larawan mula sa Instagram account ni Carlo Aquino

Matatandaan na noong taong 2022 lamang ay uminit at naging usap-usapan ang hiwalayan ng aktor na si Carlo Aquino at vlogger na si Trina Candaza.

Buwan lamang ng Abril ng 2022, nang unang kinumpirma ng aktor ang kanilang hiwalayan sa isang panayam sa kanya ng ABS-CBN news. Ito ay matapos ang ilang buwan na usap-usapang hiwalay na nga sila ng dating girlfriend.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Naunang pinag-usapan ito ng netizens nang magpost si Trina noong Enero rin last year patungkol sa lalaking sakit sa kanyang ulo. Nagparinig siya dito na malalaman mo lang daw ang halaga ng isang tao sa kanyang partner kapag hindi sila magkasama. Binanggit niya Trina ng pagpunta raw nito sa ibang babae. Bagama’t walang binanggit na pangalan, dito na nagsimulang maghinala ang kanilang followers na hiwalay na nga ang dalawa.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Written by

Ange Villanueva