Trina Candaza sa co-parenting nila ni Carlo Aquino: "Hindi ko pinagdadamot, it's just that hindi siya pumupunta."

Vlogger na si Trina Candaza, sinagot ang paratang sa kanya ng ex-partner na si Carlo Aquino patungkol sa hindi pagpapahiram ng anak nilang si Mithi. | Larawan mula sa Instagram account ni Trina Candaza

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Binasag ng vlogger at influencer na si Trina Candaza ang ilang sa mga paratang at usap-usapan patungkol sa kanila ng ex-partner niyang si Carlo Aquino.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Trina Candaza sa co-parenting nila ni Carlo Aquino: “Hindi ko pinagdadamot, it’s just that hindi siya pumupunta.”

Trina Candaza sa co-parenting nila ni Carlo Aquino: “Hindi ko pinagdadamot, it’s just that hindi siya pumupunta.”

Larawan mula sa Instagram account ni Trina Candaza

Hindi pa rin tapos ang kontrobersyal at mainit na usapin sa pagitan ng dating magkarelasyon na sin Trina Candaza at Carlo Aquino. Sa isang bagong release ng host na si Ogie Diaz sa kanyang Youtube channel, ay pinaunlakan ni Trina ang isang interview.

Pumayag daw siya na magpa-interview matapos ang ilang alegasyon at sabi-sabi na hindi niya raw pinahihirama ang anak nilang si Mithi kay Carlo Aquino. Dito niya rin pinabulaanan na si Carlo ang sumasagot ng lahat ng gastusin para sa mag-ina,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“That’s not true, Mama Ogs. I also pay half of our expenses, so para sa akin dalawa kaming nagpo-provide. Pwede naman niyang sabihin na nagsusustento siya kay Mithi kasi totoo ‘yon.”

Labis din daw siyang na-offend dahil sinasabi ng aktor na siya lang ang nagpo-provide sa kanila dahil naghahanap-buhay rin naman siya,

“Pero para sabihin niya sa aking binubuhay niya ako, nakakaoffend sa part ko ‘yon, Mama Ogs kasi nagtatrabaho rin ako. Naghahanap ako ng ways ng income para ma-provide dun sa kulang na ibinibigay niyang sustento.”

Naging emosyunal naman si Trina, dahil sa palagay niya na ang hirap maging ina. Dahil sa kabila raw ng pagiging single mom niya labis na hirap pa ring masabi na mabuti siyang ina kumpara kay Carlo na sustento na lamang ang ibinibigay.

Ngayon daw ay nahihirapan si Trina bilang single mom dahil bukod sa pinansya kailangan niya ring alagaan si Mithi hindi katulad ni Carlo na sustento na lamang ang ibinibigay. | Larawan mula sa Instagram account ni Trina Candaza

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Kay Carlo kasi ‘yong sustento niya, he can earn it in a day. Pero ako ‘yong pino-provide ko na half, ilang trabaho ‘yong katapat para ma-provide ko ‘yong one month.”

Ayon naman kay Trina, hindi naman daw niya nakakalimutan parating magbigay ng sustento para kay Mithi. Wala naman daw palya ang pagbibigay ng pera at pagsusundo sa bata. Hindi nga lang daw nito mapantayan kung ano ang effort na ibinibigay ni Trina para sa kanyang anak,

“Pero he will only give the bare minimum. He will not extend efforts.”

Maraming adjustments na rin daw ang kanilang ginawa para lang mameet ang kanilang co-parenting. Napansin niya raw na ang anak nila ang nahihirapan sa ganitong set-up kaya gumawa siya ng rules para dito. Hindi rin daw siya sang-ayon na ipakilala o isama si Mithi sa magiging bagong partner ni Carlo,

“Kasi ayaw ko rin iinstill sa utak ng anak ko, sa values niya na, okay lang magpapalit-palit ng partner.”

Sinagot na rin ni Trina ang ilang sa issues nila sa co-parenting. Pumutok na naman kasi ang issue na hindi niya pinahihiram si Mithi kamakailan lamang at hindi raw sumasagot si Trina sa mga messages ng aktor.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Hindi ko pinagdadamot, it’s just that hindi siya pumupunta.”

Nararamdaman naman ni Trina ang pighati sa kanyang anak dahil sa nangyayari ngayon. Madalas daw kasi itong magsalita ng “daddy” at tinatawag na ganito sa tuwing nakakakita ng lalaki. Damang-dama niya raw ang kirot sa puso niya dahil nakikita niyang hindi buo ang kanilang pamilya.

Pagbabalik tanaw pa ni Trina, napakaganda naman daw ng kanilang relasyon noong simula. Nagsimula lang daw itong unti-unting magbago nang magkaroon sila ng anak.

“Pero mas iba pala siya ‘pag nagkaroon na kayo ng anak. Mas kikilalanin niyo pa ‘yong isa’t isa.”

Noong mga panahon daw na naglolock-in taping si Carlo nagsimula nang makutuban si Trina. Kahit daw ganito, sinubukan niya pa raw itong ayusin para sa kanila ni Mithi, pero hindi na naisalba.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

May mensahe ang vlogger na si Trina Candaza para sa mga kapwa sa single moms. | Larawan mula sa Instagram account ni Trina Candaza

“To be honest, hindi na-resolve ‘yong mga issues.”

“I tried naman na mag-stay ng ganun, pero syempre hindi mo naman masasabi ‘yong emosyon eh. Siyempre mararamdaman mo at mararamdaman mo talaga kung may pain. So, I tried naman pero hindi ko na kaya.”

Sinabi niya rin na wala siya sinabi noong nagdaang holidays. Para kay Trina, choice ni Carlo Aquino na puntahan ang anak nila pero hindi nito ginawa,

“Pwed siyang pumunta dun. Para makasama niya si Mithi, pero he chose na mag-stay sa bahay nila ang spend his Christmas with his new girlfriend.”

Wala namang mali raw dito ngunit na-offend siya na pinost pa nito na hindi niya pinahihiram ang anak. Sa katunayan pa nga raw binigyan niya ito ng schedules ni Mithi.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa pagtatapos naman ng interview ay nagbigay ng mensahe ni Trina sa kapwa niya single moms,

“Kung nahihirapan kayong magdesisyon kung ano bang tama, tignan niyo na ‘yung anak niyo. Makakapagdesisyon kayo nang tama and lakasan niyo lang loob niyo kasi sa inyo lang kukuha ng lakas ‘yung mga anak niyo.”

Written by

Ange Villanueva