Naghahanap ka ba ng u-shape pregnancy pillow? Mommy, just keep on reading!
Tamang sleeping position ng buntis
Isang mahalagang parte ng pagbubuntis ang pagkakaroon nila ng komportable at sapat na tulog. Kasama na rito ang mga healthy foods, exercise at vitamins na makakatulong rin kay sa paglaki ni baby. Ngunit hindi lahat ay nagkakaroon ng komportableng tulog dahil sa pananakit ng ilang parte ng katawan ng isang buntis.
Nandyan ang masakit na likod, nangangalay na binti at tagiliran.
Alam niyo ba na pagpasok ng 2nd trimester ni mommy ay kailangan nilang ugaliin na matulog sa kaliwang bahagi nila? Ito ay mas kilala bilang SOS – Sleep On Side: Save our souls.
Ang sleep on side ay maaaring paraan upang maligtas ang iyong baby at makakapagpababa ng risk ng pagkalaglag. Dahil may mga naitalang stillbirth case at napagalamang natutulog sila ng supine position o pahigang posisyon habang nagbubuntis.
Ayon sa pag-aaral tungkol sa maternal sleep position at risk of stillbirth ng BJOG: An International Journal of Obstetrics and Gynaecology, napag-alaman na ang mga babaeng nakakaranas ng stillbirth pagkatapos ng 28 weeks gestation ay 2.3 times more likely na natutulog pahiga kesa patagilid.
Kaya naman mahalaga sa isang buntis ang magkaroon ng komportable at safe na pagtulog. Isa sa factor na kailangang bigyang pansin rin ni mommy ay ang tamang pagpili ng unan para sa kanila.
Mga uri ng pregnancy pillows sa Philippines
Kaya naman mahalaga sa isang buntis ang magkaroon ng komportable at safe na pagtulog. Isa sa factor na kailangang bigyang pansin rin ni mommy ay ang tamang pagpili ng unan para sa kanila. Narito ang mga uri ng unan na swak para sa’yo.
Mga uri ng pregnancy pillows sa Philippines

Naghahanap ka ba ng pregnancy pillow na kayang i-cover ang buong katawan mo? Ang full-body pillow na ito ang para sa iyo. Ang pillow core fabric nito ay gawa sa pure cotton na safe para sa iyo at sa iyong baby.
Sabi ng mga nakagamit na nito, sulit siya dahil pwede mo itong magamit matapos kang manganak. Hindi lang ito pang-buntis. Gamitin ito habang nagpapa-breastfeed. Pwede din siya bilang sandalan habang nagbabasa ka sa kama or habang nanonood ka ng paborito mong series. Para bigyan kayo ng idea kung gaano ito kalaki, ito ay 65cm ang lapad at 120cm ang haba. May kapal din itong 15cm kaya saktong sakto ito bilang unan sa iyong ulo, tagiliran, at likod.
Bakit gusto namin ito
- Gawa sa odorless cotton fabric ang core o laman nito
- Meron itong zipper opening para madaling linissan
- Magagamit sa iba’t-ibang paraan
- 65cm lapad, 120cm haba, 15cm kapal

Kung medyo kulang ka sa space, pwede mo ring i-consider ang wedge pillow. Base sa pangalan nito, ito ay nakahugis bilang isang wedge na pwede mong ilagay sa ilalim ng iyong growing tummy. Sakto ito kung ikaw ay nakahiga ng patagilid.
Pero hindi lang yan ang gamit nito. Pwede din siya bilang head pillow or back pillow depende sa kailangan mo. Dahil hindi ito bulky, madali itong dalahin kahit saan–sa kotse o sa eroplano kung ikaw ay mag-ta-travel.
Satisfied ang mga nakabili na nito. Firm daw ang unan at nagbibigay ng tamang support. Para sa less than P700 na presyo, sulit na sulit ang wedge pillow na ito kasi natutulungan silang makatulog ng komportable.
Bakit gusto namin ito
- Round-edge wedge
- Magandang gamitin para suportahan ang likod at tiyan
- Portable

Alam mong pinag-isipang mabuti ang paggawa ng U-shaped pillow na ito. Una sa lahat, meron itong space para sa braso. Bukod diyan, meron itong kasama maliit na unan na pwede mong ilagay sa iyong tagiliran para sa karagdagang support pa.
Ang kagandahan ng U-shaped pillow na ito, dahil sa mga design features nito pakiramdam mo ay suportadong suportado ang iyong buong katawan. Dinesenyo din ito para ma-align ang iyong hips, leeg, at likuran.
Kung nag-aalala ka na ang shape nitoi ay hindi magtatagal, sabi ng mga nakagamit nito, matibay ito at may eksaktong firmness kahit na madalas itong labhan. Pwede mo din itong ilagay sa washing machine at dryer para linisan.
Bakit gusto namin ito
- Gawa sa high-quality cotton
- Hindi madaling ma-deform
- Machine washable
- Hypoallergenic at walang amoy

Bukod sa full-body pillow at sa U-shaped pillow, meron ding tinatawag na C-shaped pillow. Ang kaibahan lang nito ay ang opening nito ay nasa gilid at hindi sa baba. Kung ito ang gusto mo, maganda itong C-shaped pillow galing sa Mandaue Foam. Makakasigurado kang high-quality ito gaya ng mga ibang produkto ng Mandaue Foam.
Ayon sa mga nakagamit na nito, sobrang komportable ito at tamang-tama ang lambot. Kahit yung mga hindi buntis ay na-appreciate ang pillow na ito dahil hindi daw ito masakit sa leeg. Para sa mga taong may iniindang sakit sa leeg, perfect ito.
Bakit gusto namin ito
- Dimensions: 55x 22 x13 in
- Nagbibigay ng suporta sa hip, back, tiyan, tuhod, at leeg

Para sa mga expectant moms, isa sa pinaka-komportableng posisyon (at safe din) ang side-lying. Ang pregnancy pillow na ito ay makakatulong para manatili kang nakahiga sa side.
Dahil hindi ito masyadong malaki, hindi nito kakain ng malaking space sa iyong kama. Gayunpaman, magagawa pa rin nito ang kanyang dapat gawin dahil tamang-tama ang support nito sa iyong growing belly at sa likod mo na rin. Magpapagitna ka lang sa dalawang unan na hugis wedge at i-pwesto mo ang iyong katawan.
Ayon sa mga nakagamit nito, plus points na madali itong dalhin kahit saan. Naiisp din nila pwede itong gamitin habang nagpapa-breastfeed kaya hindi sayang ang kanilang ipinambili.
Bakit gusto namin ito
- Gawa sa high-quality fabric
- Multi-purpose: Pwedeng gamitin bilang unan sa sofa, sa kwarto, at pati na rin sa sasakyan

Hindi magkakamali sa oldie but goodie na bolster pillow. Walang masama kung subukan mo ito bilang pregnancy pillow din. Simple ang shape nito, pero para sa iba na gusto ay no-fuss lang at siguradong magagamit kahit hindi na siya buntis, ito ang mahusay na choice.
Tulad na lamang ng Solid Body Pregnancy Pillow na ito. Ayon sa mga customers, masarap itong yakapin dahil solid ang pagkasiksik nito. Ibig sabihin, mainam din itong support sa likuran. Tamang-tama din ang laki nito para sa isang adult. Madali ding humanap ng pillowcase so hindi mo na proproblemahin pa.
Bakit gusto namin ito
- Firm ang support nito
- 100% hypoallergenic
- 500 thread count
- Dimensions: 28x44in
Price Comparison
Pumili ng pregnancy pillow na para sa iyo:
Brand |
Presyo |
Full-body Pregnancy Pillow |
P1,823 |
Wedge Pillow |
P699.75 |
U-shaped Pregnancy Pillow |
P4,900 |
C-shaped Pillow |
P1,260 |
The Side-Sleeper Pillow |
P1,169 |
The Solid Body Pregnancy Pillow |
P849 |
Note: Each item and price is up to date as of publication, however, an item may be sold out or the price may be different at a later date.
BASAHIN: