Mga Ultrasound Packages na Pasok sa Budget

lead image

Exciting ang pagbubuntis—at nakaka-excite na malaman ang kasarian at kalagayan ni baby habang ipinagbubuntis siya. Narito ang ilang clinic sa Maynila na may affordable ultrasound packages.

Mahalaga ang pagkuha ng maganda at sulit na ultrasound packages para sa mga inang nagbubuntis.

Sa ikapitong buwan o 28 hanggang 31 linggo ng pagbubuntis, mas makikita na ang mga facial at physical features ng isang baby sa loob ng tiyan ni mommy. Ito na ang panahon o edad ng bata na mas nakakatuwang makita sa ultrasound. Maraming mommies (at daddies) ang excited na masilip at makita ang kanilang baby sa sinapupunan, dahil ilang buwan pa ang hihintayin bago ito tuluyang masilayan at mahawakan. At dahil sa hi-tech na ang panahon ngayon, hindi lang 3D, kundi 4D pa ang ultrasound technology. Kita na ang hugis ng mukha at ultimong kaliit-liitang mga daliri sa kamay at paa, at siyempre pa, ang kasarian. Bukod pa sa kasarian, mabuti ring kumuha ng Congenital Anomaly Scan (CAS) na test para sa baby. Ito ay ang kumpletong scanning ng isang baby para makita kung siya ay lumalaking normal, o makita kung may abnormalities o defect, sa sinapupunan pa lamang.

Marami na ring clinic ang nagbibigay ng ganitong serbisyo, kaya’t competitive na rin ang presyo, at marami pang promotion o discount.

Basta may budget, at aprubado ng OB-GYN, pwedeng pwede nang makita si baby. Tandaan na kailangan ng sulat o recommendation mula sa OB GYN o doktor bago makapagpa-ultrasound sa kahit anong klinika.

Narito ang ilang pangunahing  klinika na may 4D ultrasound. Hindi kasama dito ang mga ospital, dahil lahat ng pangunahing mga ospital sa ngayon ay mayron nang ganitong ultrasound.

Mga mura at magandang ultrasound packages para sa mga ina

In My Womb

Ang In My Womb ay kilalang Ultrasound Centre sa Maynila ngayon. Karaniwang puntahan ang klinika nila sa Mall of Asia, Megamall, Greenbelt 5 at Bonifacio Global City. Maaaring makuha ang OBGYN ultrasound report (basic at congenital anomaly scan) sa loob lamang ng ilang minuto. Nagsisimula sa PHP 4,000 ang CAS at 3D Ultrasound (may OB report, 15 photos na naka-save sa CD).

Narito ang listahan ng kanilang kumpletong pricing.

http://www.inmywomb.com/services.html

SM Megamall, 5th Level The Atrium #(632) 638-9629

2nd Floor Mercury Bldg. 32nd Street FORT BGC #(632) 551-2129

Healthway Medical Clinic 4th Lvl,Greenbelt 5,Ayala Center,Makati

(632) 751-492 loc 4029; (632) 856-5798, 0917-8MYWOMB (0917-8699662)

e-mail:  [email protected] or [email protected]

MDCare Ob-Gyn Ultrasound Clinic

Katulad ng ibang clinic, marami silang packages na pasok sa budget.

PHP 3,000 CAS with 3D Ultrasound (may OB report, 10 still photos sa CD)

PHP 2,000 CAS only (may OB report)

PHP 2,000 3D Ultrasound only (may 10 still photos sa CD)

Rm. 207 Dona Anita Bldg. E.Rodriguez Ave, Quezon City

(02)7240583 / 668-1843 /294-3730  

www.mdcareobgynclinic.com/

www.facebook.com/pg/Mdcare-Ob-Gyn-Ultrasound-Clinic-583787328354591/about/?ref=page_internal

The Baby Ultrasound Company  

Sa Manila area, ang clinic na ito ay madaling puntahan sa Robinson’s Place Manila. Gamit ang pinakamakabagong ultrasound technology, nakakakuha sila ng malinaw na litrato at video ng baby sa sinapupunan. Ito rin ay isa sa mga pinakasulit na ultrasound packages.

May package sila para sa CAS at 3D Ultrasound, at hiwalay na presyo para sa 2 uri ng scanning.

PHP 3,500 - CAS and 3D Ultrasound (may OB report, 4 high resolution colored photos, no CD)

PHP 5,300 - CAS and 3D Ultrasound (may OB report, 4 high resolution colored photos sa CD)

PHP 2,500 CAS only (may OB report)

PHP 1,500 3D Ultrasound only (may4 copies of still photos at gender determination, no CD)

4th Level, Center Atrium (infront of Bingo Palace) Robinsons Place Manila

463 1447 | 0917 8222 991 | 09228547918

Email: [email protected]

http://www.thebabyultrasoundco.com/

First Peek Ultrasound

Para sa mga nakatira sa Laguna, Ang clinic na ito ay nasa Biñan. Mayron silang mga highly-trained na Ob-Gyn Specialists at Sonologists para tumulong sa anumang kailangan ng mga mommies.

Mayron silang Transvaginal (TVS), Pelvic Ultrsound/Transabdominal Ultasound,

Gender Determination, Congenital Scan, Doppler Velocimetry(OB doppler), Color Flow Studies (Gyne Doppler), Biophysical Score, Placental Doppler, 3D/4D Ultrasound, at marami pang ibang serbisyo.

Maaaring tumawag o mag-email para sa kumpletong pricing.

Simreys Building, National Hwy cor Alma Manzo San Antonio

Biñang, Laguna, Philippines

+63 49 511 7421

https://www.facebook.com/pg/firstpeek/about/?ref=page_internal

Face 2 Face The Baby Ultrasound Company

Sa SM North EDSA at SM San Lazaro naman makikita ang Face 2 Face The Baby Ultrasound Company. Marami silang mga packages, kasama ang video at litrato. Mayron din silang OB-GYNE Consultations, Biometry reports, Congenital Anomaly scans, at Biophysical scoring. Marami rin silang promotion na makikita sa Facebook page nila.

Para sa mga nakatira malapit sa Quezon City, makakatipid gamit ang kanilang mga ultrasound packages.

PHP 2,500 - CAS lamang (may kumpletong OB Report)

PHP 1,500 - 3D Ultrasound (2 colored photos of face at 1 gender, no CD)

5th floor The Block SM North-Edsa, Quezon City, Philippines

Call +63 975 400 9721

https://www.facebook.com/pg/3D-4D-Face-2-Face-The-Baby-Ultrasound-Compan-113046938795138/about/?ref=page_internal

San Juan OB-Gyn Ultrasound Clinic

Makabago ang kanilang mga kagamian, at maraming packages na pwedeng makuha.

PHP 2,000 - CAS with OB report

PHP 3,000 - 3D Ultrasound (B&W and Colored photo printouts, walang CD)

PHP 3,500 - 3D Ultrasound (photo printouts and CD ng raw files)

PHP 4,000 - 3D Ultrasound (photo printouts at CD kasama ang edited photo presentation)

156 N. Domingo Street, San Juan, Metro Manila

(02) 727-9828

https://www.facebook.com/sanjuanobgynultrasoundclinic

Top Health Medical Clinic

Para sa mga taga-Maynila pa rin, ang Top Health ang puntahan.

PHP 3,300 - CAS with OB Report and 3D Ultrasound with minimum of 10 printed photos saved in CD.

PHP 2,600 CAS only (may full OB report at 2D print outs lamang)

PHP 1,150 3D Ultrasound only (may 10 still photos sa CD)

SM San Lazaro, Felix Huertas St. corner A.H. Lacson Avenue, Sta. Cruz, Sampaloc, Manila, Metro Manila

(02) 353-4461 to 62/ (02) 353-2788 | Mobile: 0906-6910241/ 0922-789-0219

Email [email protected]

READ: Maternity package rates from over 40 maternity hospitals in Manila

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!