X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Paano makakaiwas sa food allergy ang iyong anak?

3 min read
Paano makakaiwas sa food allergy ang iyong anak?Paano makakaiwas sa food allergy ang iyong anak?

Hindi man nagagamot ang allergy sa pagkain, mayroon namang mga hakbang na puwedeng gawin ang mga magulang para umiwas sa food allergy ang kanilang mga anak.

Maraming tao ang mayroong mga allergies. Kung tutuusin, normal lang ito na bahagi ng buhay. Kaso, mahirap din ang magkaroon ng allergy, lalo na kung ito ay food allergy. Bukod sa limitado ang puwedeng kainin, hindi madaling alamin kung anu-ano ang mga pagkain na nagiging sanhi ng allergy. Ngunit alam niyo ba na may paraan upang umiwas sa food allergy?

Sobrang simple lang ng paraang ito, at posibleng maprotektahan nito ang inyong anak sa pagkakaroon ng allergy sa pagkain!

Paano umiwas sa food allergy?

Ang tip na ito ay ang pagbibigay ng allergenic foods, o pagkaing nagiging sanhi ng allergy, sa iyong anak.

Pagdating sa mga mani o peanuts, nirerekomenda ng mga doktor na pakainin nito ang inyong anak kapag sila ay 4-6 buwang gulang. Puwede mo ito ihalo sa ibang pagkain, o kaya gumamit ng peanut butter na nakahalo sa kanilang baby food. Dahil matigas ang mani, mabuting durugin muna ito para hindi bumara sa lalamunan ni baby.

Sa iba namang allergenic foods, tulad ng itlog at gatas, wala pa gaanong pag-aaral na ginawa kung kailan ang pinakamainam na panahon. Ang alam lang ng mga doktor, nakakatulong ang maagang pagbigay ng ganitong pagkain sa pag-iwas sa mga food allergy.

Bakit dapat ibigay ang mga allergenic foods ng maaga?

umiwas sa food allergy

Makakatulong sa pag-iwas sa food allergy ang pagbibigay ng mga allergenic foods kay baby.

Nakakatulong umiwas sa food allergy ang pagbigay ng ganitong pagkain dahil hindi pa lubos na developed ang immune system ni baby. Ibig sabihin, habang maaga pa lang, mabuting ipakilala na sa kanila ang ganitong pagkain upang masanay ang kanilang katawan.

Madalas, kapag hindi naipapakilala ang mga allergenic foods habang bata pa, mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng allergy kapag tumanda na.

Kaya’t mabuting i-expose ang iyong anak sa iba’t-ibang uri ng pagkain habang bata pa sila upang masanay ang kanilang katawan.

Paano ba nagkakaroon ng allergy?

Maraming dahilan kung bakit nagkakaroon ng allergy ang isang tao.

Isa na rito ang madalas na pagkain natin ng mga processed food at ang pagiging masyadong malinis ng ating mga paligid. Ibig sabihin nito, hindi nasasanay ang ating katawan sa mga allergen, at hindi rin tayo nagkakaron ng good bacteria na tumutulong sa ating katawan.

Ang pagkain rin ng junk foods at processed food ay posibleng maging sanhi ng asthma sa mga bata.

Hindi rin kailangan ng mga nanay na umiwas sa allergenic foods tuwing sila ay nagbubuntis. Okay lang kumain ng itlog, mani, shellfish, at uminom ng gatas sa pagbubuntis. Wala naman itong magiging epekto sa food allergy ng iyong anak.

Bukod dito, mas mababa ang posibilidad na magkaroon ng allergy ang bata kapag natural birth. Ito ay dahil mas naeexpose sa good bacteria ang bata kapag lumalabas sa vaginal canal.

Ngunit hindi naman nito ibig sabihin na masama ang C-section. Madalas, ginagawa ang C-section kapag mapanganib ang natural birth, kaya huwag mag-alala kung nirekomenda ng doktor ang C-section para sa iyo.

 

Source: Healthline

Basahin: Diner hospitalized after being served shellfish: the importance of allergy awareness

Partner Stories
Poor Oral Hygiene Can Seriously Affect Your Child’s Health
Poor Oral Hygiene Can Seriously Affect Your Child’s Health
These Antique Designs Will Make You Even More Proud To Be Pinoy!
These Antique Designs Will Make You Even More Proud To Be Pinoy!
3 things single moms can learn from heartbreaks
3 things single moms can learn from heartbreaks
Say goodbye to stains and germs with the new Breeze Antibacterial Detergent
Say goodbye to stains and germs with the new Breeze Antibacterial Detergent

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • Paano makakaiwas sa food allergy ang iyong anak?
Share:
  • Diner hospitalized after being served shellfish: the importance of allergy awareness

    Diner hospitalized after being served shellfish: the importance of allergy awareness

  • Nangangati matapos kumain? 10 sintomas na maaaring may food allergy ang bata

    Nangangati matapos kumain? 10 sintomas na maaaring may food allergy ang bata

  • Ito ang 3 reasons kung bakit hindi dapat pagsuotin ng mittens at booties ang mga newborn, ayon sa mga pedia

    Ito ang 3 reasons kung bakit hindi dapat pagsuotin ng mittens at booties ang mga newborn, ayon sa mga pedia

  • REAL STORIES: "41 weeks na, ayaw pa rin lumabas ni baby—lahat na ginawa ko"

    REAL STORIES: "41 weeks na, ayaw pa rin lumabas ni baby—lahat na ginawa ko"

app info
get app banner
  • Diner hospitalized after being served shellfish: the importance of allergy awareness

    Diner hospitalized after being served shellfish: the importance of allergy awareness

  • Nangangati matapos kumain? 10 sintomas na maaaring may food allergy ang bata

    Nangangati matapos kumain? 10 sintomas na maaaring may food allergy ang bata

  • Ito ang 3 reasons kung bakit hindi dapat pagsuotin ng mittens at booties ang mga newborn, ayon sa mga pedia

    Ito ang 3 reasons kung bakit hindi dapat pagsuotin ng mittens at booties ang mga newborn, ayon sa mga pedia

  • REAL STORIES: "41 weeks na, ayaw pa rin lumabas ni baby—lahat na ginawa ko"

    REAL STORIES: "41 weeks na, ayaw pa rin lumabas ni baby—lahat na ginawa ko"

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.