X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

UP inilabas na resulta para sa mga pumasang bagong Iskolar ng Bayan

4 min read

Nandito na ang pinakaaabangan ng maraming estudyante, naglabas na ng resulta ang University of the Philippines kung sino-sino ang pumasa sa admission at magiging mga bagong Iskolar ng Bayan.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • UP nilabas na resulta para sa mga bagong Iskolar ng Bayan
  • University of the Philippines admission details

UP nilabas na resulta para sa mga bagong Iskolar ng Bayan

Opisyal nang inilibas ngayong Mayo 31, Martes, ng Office of Admissions ng University of the Philippines ang resulta ng UP College Application  (UPCA) ngayong taon para sa school year 2022-2023.

Ang paglabas ng kanilang result ay base sa alphabetical order ng bawat apelyido ng applicant. Narito ang sumusunod na schedules na makikita sa UP portal gamit ang username at password na ginamit noong application:

Time slot Surname
8:00 A.M hanggang 10:59 A.M A hanggang F
11:00 A.M hanggang 1:59 P.M G hanggang M
2:00 P.M hanggang 4:59 P.M N hanggang S
5:00 P.M hanggang 7:59 P.M T hanggang Z
8:00 P.M onwards A hanggang Z (Bukas na para sa lahat)

Humingi rin ng pakiusap ang unibersidad na bisitahin ang application portal base sa time slot na naka-assign sa kanilang apelyido upang maiwasan ang pagkakaroon ng online traffic.

Hiling din nilang huwag ibahagi ang username at password sa third party upang maprotektahan ang kanilang data privacy.

university of the philippines admission

Larawan mula sa University of the Philippines Facebook account

University of the Philippines admission details

Maraming pagbabago ang naganap magmula ng sumailalim tayo sa pandemic dulot ng COVID-19. Kabilang na diyan ang application sa iba’t ibang unibersidad.

Sa University of the Philippines ginawa nila ang UPCA o University of the Philippines College Admission kung saan ginaganap ito fully online.

Kung dati kinakailangang maipasa ang entrance exam ng unibersidad upang makapasok, ngayon ay naging batayan nila ang finals grades ng estudyante sa Grade 8, 9, 10, at 11 o ang UP admission grade (UPG).

Bukod sa grades ng mga bata, kinokonsidera rin ng UP ang socioeconomic at geographic background ng mga nag-apply.

university of the philippines admission

Larawan kuha mula sa UP Media and Public Relations Office

Ano-ano ang mga dapat tandaan at kailangan ihanda bago mag-apply?

Sa mga estudyanteng nagkaroon ng interes na pumasok sa UP, dapat ay:

  • Senior high school student na ga-graduate mula sa DepEd-accredited high school o kaya ay accredited secondary school abroad.
  • Mayroong final grades sa Grade 8, 9, 10, at 11.
  • Wala pang kinukuhang college subjects
  • Wala pang kinukuhang UP College Admission Test
  • Hindi pa nag-aapply sa UP College Application

Kung nais mong malaman kung ano-ano ang kailangang ihanda bago mag-apply narito ang mga sumusunod:

Applicant Mga Kailangang Dokumento
Para sa lahat ng applicants Fully accomplished Forms:
  • Personal Data Sheet (filled out by applicant)
  • Form 2A (filled out by the high school)
  • Form 2B High School Record (filled out by the applicant)

Isang certified true copy ng Permanent Secondary School Record (F137/SF10) na may wet signature ng authorized school personnel na ipapasa sa UP Office of Admissions.

Para High school graduate High school diploma
Para sa Graduating sa taong 2022 mula sa local HS DepEd Certificate of Recognition o Permit to Operate
Para sa Transferee (i.e. kumuha ng subjects sa ibang high school) Certified clear photocopy ng Permanent Secondary School Record (F137/SF10) mula sa ibang school na may kasamang mga grades
Para sa foreign applicants Proof of payment of application processing fee

BASAHIN:

STUDY: Babies with big heads tend to be smarter, more likely to go to university

Free college tuition to start in June according to CHED

CHED plans to have mandatory drug testing for college students

university of the philippines admission

Larawan kuha mula sa UP Media and Public Relations Office

Paano naga-apply para makapasok sa UP?

Narito ang step by step process sa bagong application ng admission ng University of the Philippines:

Step 1. Mag-abang kung kailan magbubukas ang online application sa portal ng UP upadmissionsonline.up.edu.ph. Kung bukas na ay mag-fill-out ng application form.

  • Kinakailangan ng valid na e-mail address kung mag-aapply para sa account at upang makatanggap ng notification tungkol sa status at resulta ng application.
  • Gumamit ng secured na e-mail address na may two-step verification upang maprotektahan ang privacy.
  • I-fillout ang Form 1 at Form 2B nang tama.

Step 2. Automatic na mapapadala ang request ang inyong high school principal o school para mafill-out Form 2A (High School Profile).

  • Duly authorized official lamang ang maaaring magfill-out ng form na ito.
  • Magno-notify ito kung tapos na ng school ang iyong Form 2A.

Step 3. Para sa mga non-Filipino applicants, kailangang bayaran ang application fee.

  • Php 450.00 para sa resident na foreign applicants na nag-aaral sa bansa.
  • $50 naman para sa non-resident foreign applicants.

Step 4. I-check kung naupload na ang Forms 1 at 2B sa Online Portal.

Ugaliing bisitahin upcollegeadmissions.up.edu.ph para sa regular na announcements, updates, resulta at karagdagang impormasyon tungkol dito.

UP College Admission Online

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Edukasyon
  • /
  • UP inilabas na resulta para sa mga pumasang bagong Iskolar ng Bayan
Share:
  • Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

    Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

  • Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

    Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

  • Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

    Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

  • Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

    Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.