12 date ideas na puwedeng gawin sa loob ng bahay

12 date ideas na puwedeng gawin sa loob ng bahay

Gawing special ang Valentine's Day 2019 sa pamamagitan ng mga date ng mag-asawa tips na hindi magastos at maaring gawin sa bahay.

May naisip ka bang gimik para sa date ninyong mag-asawa sa nalalapit na Valentines day 2019? Kung wala pa narito ang date ng mag-asawa tips na hindi magastos at maaring gawin sa inyong bahay na siguradong magiging special at magdadagdag kilig sa inyong pagsasama.

Valentines day 2019

Photo: Pixabay

Valentines Day 2019 date ng mag-asawa tips
1. Gumawa ng blanket fort
Valentines day 2019date ng mag-asawa tip: gumawa ng blanket fort.

Image from Pinterest

Ibalik ang teenage kilig sa inyong pagsasama sa pamamagitan ng pag-gawa ng blanket fort. Sa loob nito ay maari kayong mag-picnic o manood ng isang romantic movie na talaga namang nakapa-intimate at exclusive lang sa inyong dalawa.

Para mas maging special maaring gawin ang blanket fort sa inyong garden with matching candle-light dinner habang nagpapatugtog ng romantic background music.

2. Magset-up ng fake restaurant

Sa loob ng inyong bahay ay magset-up ng table for two. Patayin ang mga ilaw at maglagay lang ng ilaw sa inyong table o sa paligid na sapat para makita ninyo ang isa’t-isa. Magluto ng special dinner at ihain ito na kukumpletuhin ng isang bottle of wine.

Para mas feel na feel ninyo ang inyong date, ay magsuot ng pinakamaganda ninyong damit at mag-ayos na parang kayo ay nasa isang exclusive restaurant. Para mas maging romantic ay magpapatugtog ng isang instrumental music na swak para sa nakakakilig na okasyon.

3. Magset-up ng fake massage parlor

Isang magandang paraan para maiparamdam ang iyong pagmamahal sa iyong asawa this Valentines day 2019ay ang pagmamasahe sa pagod niyang katawan. Ngunit para mas gawing special ito ay maaring magset-up ng isang fake massage parlor.

Para gawin ito, ay linisin at ayusin ang inyong kama na tila nasa loob ng isang massage parlor. Palitan ang inyong mga bedsheet na kulay puti at magsaboy ng rose petals dito. Mag-lagay lang ng dim light para sa mas romantic na vibes ng lugar at gumamit ng essential oils na nakakarelax amoyin. Pahigain ang iyong asawa at bigyan ng sensual na massage habang binubulong at sinasabi sa kaniya kung gaano mo siya kamahal.

4. Gumawa ng home spa

Maliban sa paggawa ng fake massage parlor, isang paraan din para mabigyan ng relaxing but sweet Valentine’s Day ang iyong asawa ay ang pagtre-treat sa kaniya sa isang home spa.

Sa inyong bahay, maari mo siyang bigyan ng foot spa sa pamamagitan ng isang palanganang may maligamgam na tubig, asukal para pang-exfoliate, bubble bath, epsom salt at moisturizer.

5. Maglaro ng isang Youtube battle

Ang buhay mag-asawa ay puno ng mga seryosong problemang kailangang harapin. Pero paminsan-minsan kailangan niyong maging light parin sa pagharap sa mga bagay-bagay at panatilihin ang fun at excitement sa iyong pagsasama.

Sa darating na Valentine’s Day ay maari kayong maglaro ng iyong asawa ng Youtube battle. Dito ay maari kayong magshare ng videos sa isa’t-isa na nakakapagpatawa o unforgettable para sa inyo o kaya naman gawin ninyo itong isang game.

Maari kayong magpalitan ng video na dapat ay konektado sa bawat huling video na ipinapakita ang hindi agad makaisip ay magkakaroon ng puntos na maari niyang ikatalo kapalit ng isang consequence sa special ninyong gabi.

6. Mag-paint kayong magkasama

Kung kayo naman ay parehong artistic o frustrated painter, maari kayong magpaint magkasama habang umiinom ng wine. Dito maprapratice ninyo ulit ang harmony ninyong dalawa na magiging masaya lalo na kapag nakita ninyo na ang masterpiece na inyong ipininta.

7. Gumawa ng mga art crafts nang magkasama

Katulad ng pagpapaint isang magandang bonding para sa mag-asawa ang paggawa ng mga art crafts. Maari rin kayong gumawa ng kaniya-kaniyang art craft na kung saan pwede ninyong lagyan ng message niyo para sa isa’t-isa.

8. Maglaro ng video game.

Isang masayang paraan rin para icelebrate ang darating na Valentines day 2019ay sa pamamagitan ng paglalaro ninyong mag-asawa ng isang video game. Maari kayong maglaro ng mga role playing games at mag-compete sa isa’t-isa o di kaya naman ay maglaro ng mga games na maaring mag-exercise ng inyong team work at unity.

9. Maligo ng magkasabay.
Valentines day 2019date tip

Image from Pinterest

Gawing mas mainit ang inyong sexy time for Valentines day sa pamamagitan ng paliligo ng magkasabay. Maari kayong maglagay ng rose petals sa inyong bath tub with dim lighs o tanging liwanag sa kandila lang ang inyong ilaw. Makakadagdag rin sa mas sensual na vibe ang paggamit ng mga essential oils na mas nakakarelax at mas magpapainit ng iyong gabi.

10. Gawing club ang inyong living room

Puwede ninyo ring ibalik ang good old days noong kayong mag-asawa noong kayo ay mga teenagers at party-goer pa. Gawing club ang inyong living room sa pamamagitan ng pagpatay sa mga ilaw, magsindi ng disco balls o kaya naman ay candle light habang kayo ay umiinom ng wine at nagsasayaw ng magkasama.

11. Magperform o umarte ng magkasama

Kung kayo naman ay parehong frustrated actors at actresses, maari ring kayong umarte o mag-perform ng magkasama gamit ang mga kuwento mula sa paborito niyong libro o eksena mula sa paborito ninyong romantic movie.

Isa itong napakagandang paraan para mas maging open kayo sa isa’t-isa at mawala ang mga hiya o pag-aalinlangan na inyong nadarama.

12. Mag-usap ng masinsinan

Dahil sa kapwa busy sa pag-gawa ng magkaibang role sa pamilya, madalas nawawalan na tayo ng oras na kausapin ang ating asawa o kumustahin siya. Bagamat nakikita natin siya araw-araw may mga bagay na hindi napaguusapan na kailangan mapag-usapan ng masinsinan.

Kaya naman isang maganda regalo at paraan rin ng pagcecelebrate ng valentines ay ang pagbibigay oras sa inyong mag-asawa upang makapag-usap. Dito maari niyong masabi sa isa’t-isa ang inyong mga opinyon at saloobin upang mas maging matibay at mas makahulugan pa ang inyong pagsasama.

Hindi kailangang maging bongga at magastos para maiparamdam sa inyong asawa ang iyong pagmamahal. Sa pamamagitan ng mga date ng mag-asawa tips na ito ay siguradong magiging mas makulay at romantic ang darating na Valentines day 2019sa inyong pagsasama.

 

Sources: Yahoo News

Basahin: 30 Fun but affordable date ideas for married couples!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner