Vico Sotto at Coney Reyes: Proof na kahit maging mayor ka, baby ka pa rin ni Mama

lead image

Coney Reyes proud na proud sa achievement ng anak na si Vico Sotto.

Vico Sotto ginawang super proud ang ina na si Coney Reyes dahil sa kaniyang pagkapanalo bilang bagong Mayor ng Pasig City.

Hindi nga maikakaila ang happiness at pagka-proud ng beteranang aktres sa bagong achievement ng anak na kitang-kita sa mga larawan nilang magkasama.

Vico Sotto and mother Coney Reyes

Image from ABS-CBN News

Vico Sotto profile

Tinapos ng bagong halal na Pasig City Mayor na si Vico Sotto ang 27 years na pamumuno ng pamilya Eusebio.

Si Vico Sotto ay anak ng veteran actors na sina Coney Reyes at Vic Sotto. Nakapagtapos siya ng kursong Political Science at Masters in Public Management mula sa Atedeo de Manila University.

Dahil sa kaniyang showbiz lineage, good looks, at educational background ay hindi naging mahirap para kay Vico Sotto ang pagpasok sa mundo ng pulitika.

Bago pa man tumakbo sa pagka-Mayor sa Pasig ay nagsilbi narin siya konsehal ng lungsod noong 2016.

Sa kaniyang panunungkulan, isa sa mga ordinansa na kaniyang ginawa ay ang Freedom of Information Ordinance. Nilalayon ng ordinansa na maging bukas o accessible para sa mga taga-Pasig ang public records ng lungsod.

Vico Sotto and Coney Reyes Photo Memes

Ang landslide victory niya sa ginanap na mayoralty race laban sa dating mayor na si Bobby Eusebio ay hindi nalang nakapagpasaya sa mga taga-Pasig. Kung hindi pati narin sa number 1 fan at supporter niya na kaniyang ina na si Coney Reyes.

Makikita nga ito sa mga viral photos nila ngayon sa social media naikinonekta ng mga netizens sa isang pelikula ni Coney Reyes na “Four Sisters And A Wedding.”

Sa pelikula ay mayroong apat na anak si Coney Reyes na sina Teddie, Bobbie, Trixie, Gabbie, at CJ.

Sa storyline ng pelikula ay makikitang ang pinakapaborito niya sa magkakapatid ay si Teddie na ginagampanan ni Toni Gonzaga at ang least favorite ay si Bobbie, na ginampanan naman ni Bea Alonzo.

Agad namang napansin ng mga netizens ang pagkakatulad ng tingin at ngiti ni Coney Reyes sa pelikula sa pagiging proud niya sa anak na si Teddie at sa real-life son niya na si Mayor Vico Sotto.

Kaya naman hindi pinalampas ng mga netizens ang mga cute memes nila sa mga larawan ng mag-ina na magkasama. Ito nga daw ang patunay na kahit mayor na siya ay baby parin siya ng kaniyang Mama.

vico sotto vico sotto vico sotto Vico Sotto at Coney Reyes: Proof na kahit maging mayor ka, baby ka pa rin ni Mama vico sotto Vico Sotto at Coney Reyes: Proof na kahit maging mayor ka, baby ka pa rin ni Mama Vico Sotto at Coney Reyes: Proof na kahit maging mayor ka, baby ka pa rin ni Mama

 

Source: ABS-CBN News, ABS-CBN Lifestyle 

Basahin: Bakit nagkakaroon ng paboritong anak ang mga magulang?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!