Vilma Santos sa pagiging yaya ng baby ni Dimples Romana: “I need to practice for my apo.”

Star for All Seasons hinahanda na ang sarili sa pag-aalaga sa unang apo niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Vilma Santos naghahanda sa magiging apo niya! Siya ay naging yaya for a day ng anak ni Dimples Romana na si Baby Elio.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Vilma Santos sa pagiging yaya for a day ng anak ni Dimples Romana.
  • Paghahanda ni Vilma Santos sa pagkakaroon ng apo sa anak na si Luis Manzano.

Vilma sa pagiging yaya for a day ng anak ni Dimples

Larawan mula sa Instagram account ni Vilma Santos

Sa mura niyang edad ay nagsimula ng sumabak sa industriya ng showbiz ang aktres na si Vilma Santos. Mula nga noon ay nasanay na siyang pinagsisilbihan. Kaya naman sa pinakabagong vlog ng binansagang Star For All Seasons ay sinubukan niyang maging kasambahay. Ito ay ginawa niya sa bahay ng kapwa aktres na si Dimples Romana. Ito daw ay isang pangarap na matagal niya ng gustong tuparin.

“Gusto ko lang tuparin tong dream ko ngayon. Bata pa ako nagtratrabaho na po ako. 9 years old up to this day. Medyo nasanay ang buhay ko na ako ang pinagsisilbihan. ‘Yong laging binigay sa akin ang pangangailangan ko. Gusto ko pong maranasan ngayon na ako naman yung magsisilbi.”

Ito ang sabi ni Vilma Santos na very excited sumabak sa role niya for a day.

Dahil si Dimples ay may baby Elio, ang unang naging task ni Vilma Santos ay ang maging yaya nito. Sinubukan niya itong palitan ng diapers, padedehin at kargahin. Habang ginagawa ito na ayon kay Vilma ay mahirap pala ay binalikan niya ang pagiging ina niya sa maliliit pang mga anak noon na si Luis Manzano at Ryan Recto.

Larawan mula sa Instagram account ni Vilma Santos

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“May anak din po ako. Noong pinapadede ko po nasamid, naibato ko. Sa sobrang nerbyos ko naibato ko sa kamay ng kapatid ko.”

Ito ang natatawang pag-alala ni Vilma sa mga nanay days niya noon sa dalawang anak. Dagdag pa niya, takot na takot na daw siya noon kapag nagkakabag ang anak niya at iyak ng iyak. Ngayon ang mga fears niyang ito kailangan niyang pag-aralan kung paano haharapin.

Lalo pa’t may parating na anghel sa kanilang pamilya, ang anak ni Luis at Jessy na kaniyang unang apo. Kaya naman ang pagiging yaya for a day niya kay Baby Elio ay training raw siya para maihanda siya. At bilang isang lola ay malaman niya kung ang tamang pag-aaalaga sa kaniyang apo.

“Hindi madaling maging yaya, I swear. I need to practice for my apo.”

Ito ang realization at sabi pa ng aktres.

Bilang isang ina, ibinahagi rin niya ang mga aral na itinuro niya sa mga anak.  Ito rin ang parehong aral na gusto niyang matutunan ng kaniyang apo.

“Mabait po akong nanay, kasi sinisiguro ko po kapag lumaki yung mga anak ko sila po ay maging productive human beings, a God-loving person. And I see to it that they know how to respect elders.”

Ito ang sabi pa ni Vilma Santos.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paghahanda ni Vilma Santos sa pagkakaroon ng apo sa anak na si Luis Manzano

Sa naging gender reveal party ng ipinagbubuntis ni Jessy Mendiola na apo ni Vilma Santos ay kitang-kita ang saya niya na malamang baby girl ang kaniyang unang apo. Ang pagkakaroon daw ng girl sa kanilang pamilya ay matagal niya ng pinapangarap na sa ngayon ay maisasakatuparan na.

“This is the first time I am having an apo. Ang alam ko I will definitely take care of her. Sa capacity ko she’ll definitely be very, very special to me. Kasi ang tagal kong hininitay si Peanut tapos girl pa.”

“Ang OA ko ata pero talagang natutuwa po talaga ako. Kasi ever since gusto ko na talaga magkaapo.”

Ito ang sabi ng aktres.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang soon-to-be lola ito daw ang wish para sa magiging apo niya.

“As a lola, as Momsie V, I just want Peanut to have a good life, a productive life, a God-fearing person. We will try to give everything para sa kaniya. But the thing is kailangan at the end of the day naka-guide lang tayo din. The most important thing is kailangan marunong rumespeto sa lahat ng klaseng tao because ‘yun ang buhay.”

Hirit pa ni Vilma, sana makuha ng apo niya ang kaniyang skin at legs. At kung pupuwede sana pati ang talent niya sa pag-aartista.

May mahalagang bilin rin si Vilma Santos para kay Luis at Jessy sa gagawing pag-aalaga at pagpapalaki sa magiging anak nila. Ito ay ang hayaan ang apo sa mga gusto niyang gawin habang sila ay nasa likod lang nito at umaalalay.

“Basta with your guidance as parents, let her enjoy life.”

Ito ang sabi ng aktres na isa rin daw sa natutunan niya ng siya ay maging isang magulang na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement