Mga vitamins na dapat inumin ng buntis

Mga vitamins na dapat inumin ng buntis

Narito ang mga vitamins na dapat iniinom ng isang buntis.

Vitamins para sa buntis, bakit nga ba mahalagang uminom nito?

Mababasa sa artikulong ito:

  • Kahalagahan ng vitamins para sa buntis
  • Mga dapat hanapin sa prenatal vitamins
  • Mga bawal na pagkain sa buntis na maaaring maging dahilan ng miscarriage

Bakit mahalaga ang vitamins para sa buntis?

Maliban sa healthy eating, ang isa pang laging ipinapaala ng doktor kapag nagdadalang-tao ay ang uminom ng vitamins para sa buntis. Sapagkat ito ay makakatulong umano sa paglaki ni baby at pagpapanatili ng magandang kalusugan ni Mommy.

Ang mga vitamins para sa buntis o prenatal vitamins kung tawagin sa medikal na paraan ay nagtataglay ng iba’t ibang vitamins at minerals.

vitamins-para-sa-buntis

Vitamins para sa buntis: Mga dapat inumin para maging healthy si baby | Image from Freepik

Vitamins para sa buntis

Anu-ano nga ba ang mga pinaka-importanteng vitamins na dapat matanggap ng isang buntis?

  • Folic acid

Ayon kay Dr. Rona Lapitan, isang OB-Gynecologist mula sa Makati Medical Center, napaka-importante ng folic acid hindi lang sa mga buntis kundi pati na rin sa mga babaeng may balak nang magbuntis.

“It’s very, very important. Actually, even before pregnancy, one to three months before for those desiring pregnancy, they must take folic acid.” aniya.

Mahalaga ito dahil tumutulong ito para makaiwas sa neural tube birth defects si baby. Ito ay maaaring makaapekto sa kaniyang spinal cord at brain development.

Ang neural tube defects ay nagde-develop sa unang 28 araw ng pagbubuntis. Ang mga araw na kung saan karamihan sa mga babae ay hindi pa alam na sila ay buntis na.

Hanggang ilang buwan ang pag-inom ng folic acid ang buntis? Ipinapayo ng mga eksperto na ang mga babaeng may kakayahang magbuntis ay dapat umiinom ng 400 micrograms (mg) ng folic araw-araw bago pa man mabuntis. Ito ay dapat ipinagpapatuloy hanggang sa ika-12 linggo ng pagbubuntis.

BASAHIN:

10 prenatal vitamins na rekomendado ng mga OB-GYN

Safe ba na uminom ng Enervon Multivitamins ang breastfeeding mom?

#AskDok: May vitamins ba na puwedeng inumin para mabuntis agad?

Samantala, kung sakali namang na-diagnose na may neural tube birth defect na si baby sa tiyan ay maaaring dagdagan ang dose ng folic acid na iniinom na hanggang 4,000 micrograms. Subalit ito’y dapat muna itong maipakonsulta sa isang doktor.

Isa pang magandang paraan para masigurong maayos ang paglaki at development ni baby sa loob ng tiyan ay ang pagkain ng mga pagkaing nagtataglay ng folic acid gaya ng mga green leafy vegetables, nuts, beans, citrus fruits at marami pang iba.

  • Calcium

Ang calcium ay mahalaga ring vitamins para sa buntis. Tinutulungan nito ang isang buntis na mapanatili ang kaniyang bone density. Lalo pa’t ginagamit ng kaniyang baby ang calcium sa kaniyang katawan para sa bone growth nito.

Ayon kay Dr. Lapitan, mahalaga rin ang calcium para sa buntis para sa bone development ng sanggol.

“I usually give calcium during the 2nd trimester (of pregnancy), for the development of the bones, so it’s also essential.”

Ayon sa doktora, bukod sa mga multivitamin supplements, maari ring makuha ang calcium mula sa gatas. Pero dahil mas maraming babae ang hindi sanay uminom ng gatas araw-araw, makakatulong talaga ang calcium vitamins para sa buntis.

  • Iodine

Mahalaga rin ang iodine para sa healthy thyroid function ng buntis.

Ang kakulangan ng iodine ng isang babaeng buntis ay maaaring magdulot ng severe mental disability, deafness at stunted physical growth sa isang sanggol. Ito rin ay maaring magdulot ng miscarriage at stillbirth.

  • Iron

Mahalaga rin ang iron para kay mommy at baby dahil ito ay tumutulong sa maayos na pagdaloy ng oxygen sa dugo.

Subalit ayon kay Dr. Lapitan, ang pag-inom ng iron supplements ay maaring isang dahilan para makaranas ng nausea at pagkahilo ang mga buntis.

“In my case, I usually give iron on the second trimester and not on the first trimester, because on the first trimester, iron would aggravate nausea and vomiting.” aniya.

Dagdag pa niya, mas mainam na ibigay ang iron sa ikalawang trimester dahil sa panahong ito kadalasan nagkakaroon ng problema sa dugo ang mga buntis.

“At the same time, the physiologic anemia of pregnancy is greater during the second trimester than the first trimester.”

vitamins-para-sa-buntis

Vitamins para sa buntis: Mga dapat inumin para maging healthy si baby | Image from Freepik

Sa paghahanap ng prenatal vitamins ay dapat siguraduhing taglay nito ang sumusunod:

  • 400 micrograms (mcg) ng folic acid
  • 400 IU ng vitamin D
  • 200 to 300 milligrams (mg) ng calcium
  • 7mg ng vitamin C
  • 3mg ng thiamine
  • 2mg ng riboflavin
  • 20 mg ng niacin.
  • 6 mcg ng vitamin B12.
  • 10 mg ng vitamin E.
  • 15 mg ng zinc.
  • 17 mg ng iron.
  • 150 micrograms ng iodine

Kung sakaling ang prenatal vitamins na iniinom ay nagdudulot ng pagkahilo, maaaring makipag-usap sa doktor para ito ay mapalitan ng vitamins na hiyang sa’yo.

Mga bawal na pagkain sa buntis na maaaring maging dahilan ng miscarriage

Mag-ingat pagkain ng mga ito, moms! Maging maaalam para maging ligtas ang pagbubuntis mo. Kung maaari, itanong sa iyong doktor kung ano ang kailangan mong kainin habang ikaw ay nagbubuntis.

Narito ang mga dapat iwasan na pagkain habang ikaw ay buntis:

1. Raw food

Kung nakasanayan mo na ang pagkain ng hilaw na pagkain katulad ng sushi, mas mabuting itigil mo muna ito ngayong nagbubuntis ka. Ang pagkain din ng sashimi o medium rare na karne ay sagana sa bacteria at toxins na maaaring makuha ng iyong baby. Mabuti kung itigil muna ang pagkain nito para maiwasan ang makunan.

Banta rin ito sa kalusugan ni baby. Matatagpuan sa hilaw na karne at isda ang iba’t ibang klase ng bacteria katulad ng Toxoplasma, E. coli, Listeria, at Salmonella.

2. Alak

Kung maaari, itigil muna ang pag-inom ng alak sa mga buntis.

Ayon sa pag-aaral, nakakapagpataas ito ng risk ng miscarriage at stillbirth kahit na kaunti lang ang iniinom mo. Bukod dito, ang pag-inom ng alak ng mga buntis ay dahilan ng facial deformity ng mga sanggol sa kanilang tiyan. Ito rin ay magkakaroon ng problema sa puso at may epekto sa intelektuwal na kakayahan ng bata.

3. Unpasteurized na dairy products

Healthy ang cheese, gatas at iba pang fruit juice sa ating katawan. Ngunit alam nating sensitibo ang katawan ng mga buntis at kailangang maging maingat sa mga kinakain nila dahil may pinapakain din silang sanggol sa sinapupunan.

Hindi nirerekomenda ng mga eksperto ang unpasteurized food katulad ng gatas, keso at mga fruit juice. Matatagpuan kasi rito ang iba’t ibang klase ng bacteria katulad ng Listeria, Salmonella, E. coli, and Campylobacte. Ang mga bacteria na ito ay maaaring maging banta sa kalusugan ng iyong unborn child.

4. Junk food

Mahalaga ang pagkain ng buntis ng mga healthy at sagana sa nutrients na pagkain. Kailangan ito para sa safe at magandang development ni baby sa kaniyang tiyan. Pagpatak ng second trimester ni mommy, kailangan niyang makakuha ng 350 calories sa isang araw ay 450 calories naman pagsapit ng third trimester niya.

Gaya ng payo ng mga magulang natin noong bata pa tayo, walang sustansiyang hatid ang mga junk food. Ito’y mataas sa calories, sugar at added fats. Bigo nitong punan ang pangangailangan ni baby. Ang mabilis na pagtaba ng buntis ay isa ring dahilan ng komplikasyon at sakit katulad ng gestational diabetes.

Kaya naman mas magandang kumain ng mga pagkain na mayaman sa protina katulad ng gulay, prutas at iba pa.

5. Isda na may mataas na mercury content

May mga benepisyo sa isang buntis ang pagkain ng isda. Maaari kasi itong matulungan ang isip ng iyong bata lalo na kung ito ay may omega-3 na sangkap. Ngunit hindi maitatanggi na may mataas na mercury ang content ang isda na makakasama sa isang pagbubuntis.

Ang partikular na isda na dapat iwasan ay ang mga malalaking isda, king mackerel o tile fish.

vitamins para sa buntis

Vitamins para sa buntis: Mga dapat inumin para maging healthy si baby | Image from Unsplash

Mga dapat kainin ng buntis

  • Whole grains – mayaman sa fiber, vitamin at plant compounds.
  • Dairy products – Kailangan ng buntis ang protina at calcium. Ang pagkain ng cheese, yougurt, gatas at iba pa ay makakatulong sa health ni mommy at baby.
  • Kamote – Naglalaman din ang kamote ng beta carotene, fiber at Vitamin A na kailangan ni baby sa kaniyang development.
  • Eggs – isa sa tinuturing na go to food ang itlog. Ang isang itlog ay naglalaman ng 80 calories at mayroon itong fat, vitamins, minerals na mataas rin sa protina.
  • Leafy greens – Ang mga gulay na ito ay naglalaman ng calcium, iron, folate, potassium, fiber, vitamin C, vitamin K, vitamin A.

Sources:

WebMD

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!