Week 5 ng pagbubuntis: Isang guide sa bawat linggo ng iyong pagbubuntis

lead image

Anu-ano ba ang nagaganap na pagbabago sa week 5 ng pagbubuntis? Alamin ang nagaganap na pagbabago sa iyong katawan at kung paano mo aalagaan iyong baby.

Mga mommies, ito ang inyong guide sa week 5 ng pagbubuntis! Ating alamin kung kamusta na ang development ni baby sa panahong ito.

Week 5 ng pagbubuntis: Gaano na kalaki si baby?

Sa panahong ito, posible nang masukat ang laki ng iyong baby. Ngunit sobrang liit pa din niya, halos kasinglaki ng isang sesame seed si baby sa ika-5 linggo ng pagbubuntis.

Hindi mo rin lubos-akalain na ang nasa iyong sinapupunan ay magiging sanggol, dahil kung titingnan mo ang iyong baby, ay parang tadpole ang kaniyang hitsura!

week by week pregnancy guide: week 5

Week 5: Ang development ng iyong sanggol

  • Mabilis ang development ng iyong baby sa panahong ito. Ang kanyang mga internal organs tulad ng kidney at atay ay lumalaki na.
  • Nagsisimula na ring mabuo ang kaniyang puso, at nagdedevelop na ito ng mga chambers. Ibig sabihin, malapit na itong mabuo at malapit mo nang marinig ang heartbeat ng iyong anak!
  • Nabubuo na rin ang kaniyang bituka at buo na ang appendix ng iyong anak.
  • Nagsisimula ring mabuo ang neural tube, o ang magiging utak, spinal cord, nerves, at backbone ng iyong baby.
  • Sa ika-5 linggo ng pagbubuntis, magsisimula na rin umusbong ang mga magiging kamay at paa ng iyong sanggol.

Sintomas ng pagbubuntis

Bagamat hindi pa malaki ang iyong tiyan, marami kang mapapansin na pagbabago na nangyayari sa loob ng iyong katawan.

  • Magkakaroon ng pamamaga ang iyong suso, at magsisimula ka ring magkaroon ng tinatawag na morning sickness. Makakaramdam ka rin ng mas matinding pagod simula ngayon.
  • Mapapadalas rin ang iyong pag-ihi, dahil sa lumalaki mong mga kidneys.

Pag-aalaga sa iyong sarili

  • Mahalagang alagaan mo ang iyong sarili sa panahong ito. Siguraduhing wag ka magpapagod, at kumuha ka ng wastong pahinga.
  • Pwede niyo ring pag-usapan mag-asawa kung sasabihin niyo na ba sa inyong mga kaibigan at kamag-anak ang mabuting balita.

Checklist sa pagbubuntis

  • Alamin kung mayroon bang mga chronic na sakit sa iyong pamilya, pati na sa pamilya ng asawa mo. Kailangan ito ng doktor upang alamin ang mga posibleng kondisyon na makuha ng iyong sanggol.
  • Mahalaga rin ang panahong ito upang tingnang mabuti ang iyong trabaho at ang iyong lifestyle. Kung sa tingin mo ay hindi makabubuti sa iyong sanggol ang kasalukuyan mong lifestyle, mabuting magsimula ka nang magbago para sa kalusugan ng iyong anak.

Isinalin sa Filipino ni Alwyn Batara

https://sg.theasianparent.com/week-by-week-pregnancy-guide-what-happens-when-i-am-5-weeks-pregnant/

 

Basahin: Week 4 ng pagbubuntis: Isang guide sa bawat linggo ng iyong pagbubuntis