16 "Woman on top" sex positions na magpapainit ng inyong buhay mag-asawa

lead image

Subukang ang mga woman on top positions na ito kung gusto mong maging mas "in control" at maging dominant habang nakikipagsex sa iyong asawa.

Kapag nakikipagsex ka sa iyong asawa, normal lang na gusto mong sumubok ng iba't-ibang positions. At ang isa na sa pinakapangkaraniwang posisyon ay ang "woman on top."

Maraming babae ang mas gusto ang ganitong position kasi nabibigyan sila ng control, at mas madali para sa kanila ang mag-orgasm sa ganitong position.

Ngunit minsan, nakakasawa din kapag palagi na lang parehas ang ginagawa ninyong mag-asawa kapag kayo ay nagsesex. Kaya't heto ang 16 na iba't-ibang variations ng woman on top position na siguradong magpapainit ng sex life ninyo ni mister!

16 Woman on top sex positions

1. Woman Astride

Halos kaparehas lang ito ng cowgirl position, pero ang pinagkaiba ay sasandal ka palikod ng mga 45 degrees. Ang kinaganda ng posisyong ito ay mas naabot ang iyong G-spot, pero mayroon ka pa ring control sa bilis at lalim ng pag-thrust ng iyong partner.

Maganda rin ang position na ito dahil kapag ikaw ay nakasandal palikod, puwedeng i-stimulate ng iyong partner ang clitoris para may dagdag na pleasure.

2. The Chairman

Para gawin ang position na ito, dapat nakaupo ang iyong asawa sa dulo ng kama, at uupo ka sa kaniya. Maganda ang position na ito dahil bukod sa naaabot nito ang iyong G-spot, libre ang iyong kamay para i-stimulate ang iyong clitoris, o hawakan ang iyong partner.

3. Golden Arch

Sa posisyong ito, magkaharap kayo ng iyong partner, at naka-stretch ang kaniyang mga binti. Ikaw naman ay uupo sa taas niya, at nakabend ang binti.

Mas mayroon kang extra control sa pag-thrust at sa lalim ng paggalaw sa position na ito, at mas madali ding mastimulate ang iyong G-spot. Bukod dito, madali ring maaabot ng iyong partner ang iyong clitoris para sa dagdag na stimulation.

4. Magic Mountain

Ang Magic Mountain ay halos kaparehas din ng Golden Arch, pero ngayon parehas na naka bend ang binti ninyo ng iyong asawa.

Nakukuha dito ang benefits ng Golden Arch, pero mas malapit kayo sa isa't-isa, at mas nakakagalaw ang iyong asawa.

5. Cowgirl 69

Katulad lang ito ng 69 position, pero sa halip na ang asawa mo ang nasa taas, ikaw naman ang nasa taas at nakahiga ang iyong asawa.

Ang maganda sa position na ito ay mas nacocontrol mo ang stimulation sa iyong clitoris, at mas nakakagalaw ka upang maadjust ang pressure at sensation.

6. The Spider

Sa position na ito, nakahiga ka sa kama, habang ang partner mo naman ay nakaupo habang pumapasok sa iyo. Puwede mong gamitin ang iyong siko para sa support, at ang partner mo naman ay puwedeng gamitin ang kaniyang mga kamayMaganda ang position na ito dahil kitang-kita mo talaga ang action, at puwede mo pang ilagay ang legs mo sa balikat ng iyong partner para mas malalim ang pag-thrust niya. 

7. Pole Position

Katulad ito ng Reverse Cowgirl position, pero iipitin mo ang isa niyang binti sa gitna ng iyong hita.

Ang kinaganda ng Pole Position ay mas may stimulation ang iyong clitoris, at madali rin maaccess ang G-spot. Mas may control ka din sa paggalaw dahil ikaw ang nasa taas.

8. Waterfall

Medyo adventurous ang position na ito, kaya mabuting mag-stretching muna kayo ng iyong asawa bago ninyo ito gawin!

Para gawin ang waterfall position, nakahiga sa dulo ng kama ang iyong asawa, habang ikaw naman ay nasa taas. Ang upper body ng asawa mo ay nakabagsak sa gilid ng kama, kaya talagang nasa iyo ang control sa position na ito.

9. Hovering Butterfly

Ang Hovering Butterfly ay isang magandang position pagdating sa oral sex. Sa position na ito, uupo ka sa ulo ng iyong partner, habang binibigyan ka niya ng oral sex.

Mas maganda kung gawin ninyo ito malapit sa pader, para puwede kang humawak para sa support. Maganda ang position na ito dahil nacocontrol mo ang pressure sa iyong clitoris.

10. Lazy Man

Ang position na ito ay katulad ng Golden Arches, pero magkadikit ang inyong katawan. Maganda ang position na ito pagdating sa control at mas nasstimulate din ang iyong clitoris at G-spot.

11.  The Om

Para din itong Lazy Man, pero nakabalot ang binti ninyo sa isa't-isa. Mainam ang Om position kung gusto ninyo ng mas mabagal at sensual na experience.

Mas matagal mag orgasm sa position na ito, pero siguradong "explosive" naman ito!

12. Champagne Room

Sa Champagne Room position, nakaupo sa dulo ng kama ang iyong asawa, habang nakaupo ka sa kanya. Puwede rin itong gawin sa upuan kung gusto ninyo.

Sa ganitong position, mas macocontrol mo ang paggalaw, at malalim rin ang naabot ng pag-thrust ng iyong asawa, kaya mas nasstimulate ang G-spot.

13. Reverse Cowgirl

Kaparehas lang ito ng Cowgirl position kung saan nakahiga ang iyong partner, at nakaupo ka sa taas niya.

Macocontrol din nito ang depth ng pagthrust, pati ang bilis.

14. Cowgirl's Helper

Isa ulit itong variation sa Cowgirl position, pero sa Cowgirl's Helper, nakaangat ang binti ng iyong asawa. Sa pamamagitan nito, kaya mong sabayan ang pagthrust niya, at nagbibigay din ng dagdag na support, kaya mas intense ang experience.

15. Cowgirl

Isa ito sa pinaka-common na woman on top positions. Nakahiga ang iyong partner, at nakaupo ka ng paharap sa kaniya. Sa ganitong position, ikaw ang may control, kaya mas magiging pleasurable ang ganitong position.

16. Face Off

Sa Face Off na position, nakaupo sa dulo ng kama ang iyong asawa, at nakaupo ka ng paharap sa kaniya. Magkadikit dapat ang inyong katawan, at nakayakap sa isa't-isa.

Maganda ang posisyon na ito para makabuo ng intimacy, at may control ka din sa pagthrust ng iyong partner.

 

Source: Women's Health

Basahin: 7 Paraan para maging exciting ang missionary position!