Yasmin pills: Benepisyo, side effects, presyo, at tamang pag-inom

undefined

Hindi lang pang birth control ang yasmin pills, mayroon din itong iba pang benepisyong pangkalusugan. Alamin dito pati na ang side effects.

Nagpa-family planning ba kayo ng iyong asawa? Isa ang yasmin pills sa mabisang contraceptive. Narito ang ilan sa mga mahahalagang impormasyon na dapat mong malaman tungkol sa yasmin pills.

Mga dapat malaman tungkol sa Yasmin pills

Ang Yasmin pills ay isang uri ng combination birth control pill na maituturing na isa sa mga pinakamahal dahil sa presyo nitong ₱905.75 kada pakete. Ito ay nagtataglay ng drospirenone at ethinyl estradiol. Ang mga female hormones na ito ay pinipigilan ang ovulation o ang pagre-release ng egg ng ovary ng mga babae.

Nagdudulot din ito ng pagbabago sa cervical mucus at uterine lining. Pagbabagong nagpapahirap sa sperm na marating ang uterus at mahirapan ang fertilized egg na dumikit dito. Kaya naman dahil dito ay isa ang Yasmin pills sa mga oral contraceptives na inirerekumenda para maiwasan ang pagbubuntis.

Maliban dito ay may iba pang benepisyo sa kalusugan ang pag-inom ng Yasmin pills.

Benepisyo sa kalusugan

Hindi lang pang family planning ang yasmin pills. May iba’t ibang benepisyo rin ito sa kalusugan.

  1. Nire-regulate ang menstrual cycle
  2. Pinuprotektahan ang suso mula sa pagkakaroon ng cancerous na cysts
  3. Pinababa ang tiyansa ng isang babae na magka-anemia
  4. Sinisigurong malusog ang mga ovaries
  5. Pinababa ang tiyansa ng endometrial at ovarian cancer
  6. Binabawasan ang tiyansa ng pagkakaroon ng pelvic inflammatory disease ng isang babae
yasmin pills

Image from Flickr

Ngunit tulad ng ibang contraceptive pills ay may naitala ring side effects ang pag-inom ng Yasmin pills.

Side effects

Yasmin pills side effects tagalog: Tandaan na mahalagang kumonsulta muna sa iyong doktor bago uminom ng yasmin pills. Ito ay dahil may mga side effects ang bawat contraceptive. Mahalagang tandaan din na inirekomenda ng iyong doktor ang pag-inom ng yasmin pills dahil naniniwala itong mas mataas ang magiging benepisyo nito sa iyong kalusugan kaysa sa side effects. Narito ang ilan sa mga posibleng side effects ng pag-inom ng yasmin pills:

  • Nausea o pagsusuka
  • Breast tenderness o pananakit ng suso
  • Sakit sa ulo, mood changes, pagkapagod o pagiging irritable
  • Pagtaba
  • Pagbabago sa menstrul periods
  • Kawalan ng gana sa sex

Yasmin pills side effects tagalog

Ang pag-inom ng Yasmin ay nagpapataas din ng tiyansa ng pagkakaroon ng blood clots, stroke at heart attack. Kaya para maiwasan ang mga ito ay mahalagang tandaan na hindi dapat uminom ng Yasmin pills kapag mayroon ng mga sumusunod na kondisyon:

  • Severe migraine
  • High blood pressure
  • Kidney disease
  • Heart disease
  • Coronary artery disease
  • Adrenal gland disorder
  • Circulation problems tulad ng diabetes
  • Undiagnosed vaginal bleeding
  • Liver disease o liver cancer
  • Umiiinom ng gamot tulad ng Hepatitis C medications
  • Dumaan sa major surgery
  • Naninigarilyo at mahigit 35-anyos na
  • Nagkaroon na ng heart attack, stroke, blood clot o jaundice na dulot ng pagdadalang-tao o birth control pills
  • May breast, uterus, cervical o vaginal cancer
  • Buntis o kakapapanganak lang at nagpapasuso
yasmin pills

Larawan kuha ni jcomp mula sa Freepik

Tamang pag-inom

Iniinom ang Yasmin pills sa unang araw ng menstrual cycle. O isang linggo matapos magkaroon ng regla. Ito ay dapat iniinom isang beses sa isang araw sa parehong oras.

Ang Yasmin pills ay available sa dalawang uri, ang Yasmin 21 at Yasmin 28.

Bagamat pareho lang ng epekto, nag-iiba lang ang dalawa sa dami ng pill na taglay nito.

Ang Yasmin 21 ay may taglay na 21 active birth control pills. Habang ang Yasmin 28 ay nagtataglay ng 21 active birth control pills at 7 placebo pills.

Sa mga gumagamit ng Yasmin 21 ay mayroong 7 araw na pahinga matapos maubos ang 21 na pills bago mag-simula sa panibagong pakete.

Samantalang sa Yasmin 28 ay kailangan ubusing inumin ang laman ng pill pack bago mag-simula ng panibagong pakete. Ngunit tandaan na kailangan inumin ang isang pill araw-araw sa tamang pagkakasunod-sunod nito.

Paano kapag nalimutang uminom sa tamang oras?

Ang pagkalimot ng pag-inom ng Yasmin pills sa tamang oras ay nagpapataas ng tiyansa ng isang babae na mabuntis.

Kaya naman kung nalimutang uminom ng pill sa tamang oras ay agad na inumin ito sa oras na iyong naalala. At saka inumin ang sumunod na pill sa regular na oras na iniinom ito. Kahit pa ito ay nangangahulugan ng pag-inom ng dalawang pills sa isang araw. Saka ipagpapatuloy ang pag-inom ng isang pill kada araw.

Kung nalimutan namang uminom ng 2 active pills na magkasunod sa unang linggo o pangalawang linggo ng paggamit nito ay uminom ng 2 pills ng 2 araw na magkasunod. Saka bumalik sa regular na pag-inom na 1 pill per day.

Para makasigurong hindi mabubuntis ay gumamit ng back-up birth control method tulad ng condom.

Kung makakalimot namang uminom ng 2 active pills ng magkasunod sa pangatlong linggo ng paggamit nito ay itapon na ang natitirang pills at magsimula na sa panibagong pill pack. Ito ay para sa mga Day 1 starter o sa mga nagsimulang uminom ng pills sa unang araw ng kanilang regla.

Para naman sa mga Sunday starter o ang sinimulan ang pag-inom ng pills ng unang Linggo matapos ang kanilang regla ay ipagpatuloy ang pag-inom ng natitirang pills hanggang sa araw ng Linggo saka itapon at magsimula ng panibagong pakete.

Kung sakali namang makalimot ng 3 active pills na sunod-sunod sa Week 1, 2 o 3 ay agad na itapon ang natitirang pills at magsimula ng bagong pakete para sa Day 1 starter. Habang mag-hintay ulit ng araw ng Linggo ang mga Sunday starter para makasimula sa panibagong pakete.

Ang pagkalimot ng pag-inom ng 2 o higit pang pills ay maaring magdulot ng missed period.

Kung sakali namang hindi nagkaregla ng 2 buwan ng magkasunod habang gumagamit ng pills ay agad na magpunta sa iyong doktor dahil baka ikaw ay buntis na.

Pinapaalala na dapat bago uminom ng Yasmin pills o kahit anong birth control pills ay dapat munang magpakonsulta sa doktor dahil sila ang mas nakakaalam ng pills na hiyang para sa iyo.

yasmin pills

Larawan mula sa Shutterstock

Contraceptive para sa weight loss: yasmin pills nakakapayat

Marahil ay narinig mo na rin na mayroong mga kaso ng pag-inom ng contraceptive pills na nagresulta ng pagtaba o weight gain sa ilang kababaihan. Ayon sa Healthline, posibleng ito ay dahil sa pagtaas ng estrogen level na nagdudulot ng mas madalas na pakiramdam ng gutom kaya mapapakain nang marami. Pwede ring dahil nagdudulot din ng water retention sa katawan ang mataas na level ng estrogen.

Kung nais o kailangang iwasan na madagdagan ang iyong timbang, maaaring makatulong kung combination pills ang iyong iinumin. Ang combination pills kasi na tulad ng Yasmin pills ay mayroong parehong estrogen at synthetic version ng progesterone hormones.

Yasmin pills nakakapayat? Ang brand na ito ng contraceptive pills ay naglalaman ng progesterone alternative na tinatawag na drospirenone na isang diuretic. Ibig sabihin, maiiwasan na magkaroon ng water retention kung Yasmin pills ang iyong iinumin.

Pero tandaan din na walang contraceptive pills na nilikha na ang layunin ay makapagpabawas ng timbang. Ito lamang ay isa sa mga side effects ng combination pills tulad ng Yasmin pills.

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Karagdagang impormasyon sinulat ni Jobelle Macayan

Basahin: Anu-anong mga gamot ang nakakawala ng bisa ng birth control pills?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!