LOOK: Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo's daughter, Yohan, turns 17

LOOK: Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo's daughter, Yohan, turns 17

Tignan ang 17th birthday celebration ng panganay nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na si Yohan Agoncillo. Basahin ang message ni Juday kay Yohan.

Ang panganay na anak nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos ay nagdiwang ng kaniyang ika-17 kaarawan

Mababasa sa artikulong ito:

  • Yohan Agoncillo ipinagdiriwang ang ika-17 kaarawan
  • Answered prayer ni Judy ann Santos si Yohan Agoncillo

Yohan Agoncillo ipinagdiriwang ang ika-17 kaarawan

Nagdiwang ng ika-17 birthday ang anak ng celebrity couple na sina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos. Sa instagram post ni Juday, ipinost niya ang kanilang litrato at mababasa ang kaniyang heartwarming message para sa anak.

“17!!??? What???? No!!!! Oh my sweet baby love… my answered prayer, my twin in so many ways (kahit ako nagugulat.) It’s amazing how we saw you grow up and mature right before our very eyes.”

Para kay Juday ay forever baby girl si Yohan para sa kanilang mag-asawa. Biro pa niya, pabaligtad na daw ang bilang ng taon niya sa kaniyang susunod na birthday.

 

“You’re doing great my love… life can be tough and unforgiving, but don’t you worry my dear love.. mommy and daddy will be behind you all the way (hanggang manabang ka!). We love you so much sweetheart. Happy birthday our forever baby girl. P.s. next year, pabaliktad na bilang natin ng edad mo ah!”

Samantala, si Ryan Agoncillo naman ay nag-post ng black and white photo ni Yohan na may caption na “17!”

Sa instagram story naman ni Juday, ibinahagi niya ang paghahanda para sa celebration ng birthday ni Yohan Agoncillo. Ipinakita niya rito ang backdrop sa venue na pagdadausan ng birthday celebration.

LOOK: Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo's daughter, Yohan, turns 17

Ipinost rin niya ang lobo na may pangalan ni Yohan. Biro niya, hinipan niya ang mga lobo gamit ang kaniyang hininga. Dagdag pa niya, “Ibibigay ko pati hininga ko sayo anak.”

Makikita rin ang simpleng pagdiriwang para sa kaarawan ni Yohan Agoncillo. Sa hapagkainan, naroon ang lolo at lola niya. Ipinost din ni Juday ang lava cake mula kay Sonny Mariano, isang chef.

Bumati naman ang ilang sikat na celebrity gaya nina Allan K, Noel Ferrer, Maja Salvador, designer na si Pam Quinones at host na si Christine Bersola-Babao

BASAHIN:

Judy Ann Santos-Agoncillo shares her secrets in keeping Luna healthy and happy!

Anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, gumawa ng beauty vlog

Judy Ann Santos on Yohan: "Hindi ka basta saling kit-kit dito, you started this family"

Answered prayer ni Judy ann Santos si Yohan Agoncillo

LOOK: Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo's daughter, Yohan, turns 17

Sa interview noon ni Boy Abunda kay Judy Ann Santos, ibinahagi niya ang damdamin kung paano tinugon ang kaniyang panalangin sa pagdating ni Yohan sa kaniyang buhay.

“When I was younger, 20s, 21… sagsag ako ng trabaho niyan. All of a sudden I had this hope na: At 26, I hope I’ll have a baby. 26 probably because I wanted my child to grow up with me.

And every birthday, I’d go to Manaoag, ‘yon 'yong wish ko. ‘Lord prepare me when I’m 26 and when I’m ready at 26, you already know what I want.

I want to have a child.” Regardless kung mabuntis ako o maanakan ako. Gano’n na ‘ko mag-isip. Wala akong pakialam kung ano sabihin ng mga tao."

Ayon kay Juday, dumating ang magandang balita bago ang kaniyang ika-26 kaarawan. Tumawag sa kaniya ang ina at sinabing mayroong batang ipanganganak na pwede niyang ampunin.

LOOK: Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo's daughter, Yohan, turns 17

“I fully remember. My mom called, ‘Anak, may manganganak, ino-offer sa ‘yo, gusto mo?’ Nung nag-okay ako, na-realize ko na hindi ako nag-isip, hindi ako kinabahan, pero excited ako. Pag-uwi ko, nanay na ako.”

Dagdag pa ni Juday na lagi niyang pinararamdam kay Yohan na ito ay kanilang biological na anak. Sinabi niya rito na ang kaniyang pagdating sa kanilang buhay ang pasimula ng kanilang pamilya.

“Basically, ikaw ‘yong mitsa ng kandila ng pamilya natin. Her name is Johanna Louise, Lucho’s name is Juan Luis, Luna’s name is Juana Luisa—all named after you.

You came first, so always remember, hindi ka basta saling-kitkit dito. You started this family.”

Handa rin si Juday na kung dumating ang panahon na gustong makilala ni Yohan ang kaniyang biological parents, ay hindi niya ito ipagkakait sa anak.

“Sweetheart, if at some point, you want to meet them, you want to talk to them… If you feel that there are questions already in your heart that’s piling up, and feeling mo sila lang ‘yong makakasagot, we can look for them, because that’s your right,”

Para kay Judy Ann at Ryan, Si Yohan ay hindi isa lamang adopted child. Ang bawat kaarawan nito ay mahalaga ng katulad sa isang tunay na anak.

Happy 17th Birthday Yohan!

Source:

Instagram

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!