10 karaniwang pagkakamali na nagagawa ng mga magulang

undefined

Importanteng iwasan ang mga karaniwang pagkakamali ng magulang na ito, dahil sa halip na makabuti, ay nakakasama pa ito sa mga bata.

Para sa maraming magulang, isang learning experience ang pagkakaroon ng anak. Wala naman yatang tao na sa simula’t sapul pa lang ay kabisado na kung paano magpalaki ng kanilang anak. At ang pagkakaroon ng pagkakamali ng magulang ay normal na bahagi lang nito.

Kaya importante rin ang matuto mula sa sariling pagkamali. Kaya’t gumawa kami ng listahan na ito upang mas maunawaan ng mga magulang ang mga bagay na kanilang dapa’t iwasan.

10 parenting mistakes na karaniwang nagagawa ng mga magulang

1. Pagbalewala sa nararamdaman ng anak

Importante sa mga magulang na palaging unawain at tanggapin ang nararamdaman ng kanilang mga anak. Hindi dapat agad na humantong sa pangangaral, o kaya pagsabihan ang anak kapag may inamin siya na sikreto o kaya pagkakamali sa iyo.

Minsan, kailangan lang nila ng taong makikinig sa kanilang nararamdaman, at ang mga magulang ay dapat gampanan ang trabahong iyon.

2. Hindi pinapansin ang mga learning problems

Mahirap para sa kahit sinong magulang ang tanggapin na mayroong learning problem ang kanilang anak. Ngunit talagang nangyayari ito sa ilang mga bata, at hindi ito dapat ikahiya o kaya ikatakot ng mga magulang.

Kung mas maagang ma-identify ang problema, mas maaga rin itong maagapan at magagawan ng paraan.

3. Kapabayaan sa anak

Hinding-hindi dapat balewalain ng mga magulang ang kanilang mga anak. Importante na dapat ibigay ng mga magulang ang mga basic na pangangailan ng kanilang mga anak at magsilbing gabay at turuan sila ng tama upang lumaki sila ng mabuti.

4. Hindi pinagbabawalan ang anak

Ang pagiging masyadong maluwag o kaya pag-spoil sa bata ay hindi mabuti. Kinakailangan rin paminsan na disiplinahin ng mga magulang ang kanilang mga anak, upang maunawaan nila ang kanilang mga pagkakamali.

5. Pagkukumpara sa iba

Hindi dapat ikumpara ng mga magulang ang kanilang mga anak sa ibang bata. Ito ay dahil magkakaroon ng inferiority complex ang mga anak, at iisipin nila na mas gusto pa ng kanilang mga magulang ang ibang bata kumpara sa kanila.

Iparamdam sa iyong anak na siya ay mahalaga, at huwag na huwag mong iparamdam sa kaniya na siya ay mayroong pagkukulang.

6. Pabago-bago ang pagdidisiplina

Kinakailangang maging consistent ng mga magulang pagdating sa pagdidisiplina ng kanilang mga anak. Ito ay upang matuto ang mga bata, at hindi magkaroon ng mixed messages o kaya hindi pagkakaunawaan.

7. Binu-bully ang anak

Mayroong ilang mga magulang na mahilig takutin, pagtawanan, biruin, o kaya asarin ang kanilang mga anak. Hindi tama ang ganitong pag-uugali, dahil hindi dapat pinaglalaruan ang feelings ng mga bata.

Importante na tratuhin silang na mayroong dignidad, at huwag silang basta-basta na lang saktan porke’t bata sila.

8. Hindi nagsisilbing role model sa anak

Ang mga magulang ay ang pangunahing role model ng kanilang mga anak. Ibig sabihin, kung ano ang ginagawa ng mga magulang ay ganun rin ang gagawin ng mga anak. Kaya importante na magpakita ang mga magulang ng mabuting asal, upang ito ang sundin ng kanilang mga anak.

9. Masyadong kunsintidor

Mayroong ilang mga magulang na hind kayang bawalan o kaya pagsabihan ang kanilang mga anak. Hindi maganda ang ganitong pag-uugali.

May ilang mga pagkakataon na kinakailangan talagang disiplinahin ng mga magulang ang kanilang anak, at mabigat man sa kanilang puso, kinakailangan ito upang matuto ng tama at mali ang bata.

10. Masyadong controlling

Ang ilang mga magulang naman ay sobra-sobra kung kontrolin ang buhay ng kanilang mga anak. Masyadong tinututukan ang bawat aspeto ng kanilang buhay, at hindi na hinahayaang maging independent ang bata.

Iwasan ang ganitong pag-uugali, dahil hindi matututo ang iyong anak na magdesisyon para sa kaniyang sarili. May sarili rin silang buhay, at importanteng ipaalam ito sa iyong mga anak.

Source: Psychology Today

Basahin: Mga “pagkakamali” na madalas nagagawa ng mga magulang

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!