Walang perpektong magulang at hindi rin maiiwasan ang paminsan minsang pagkakamali sa pag-aalaga sa ating mga anak. Kaya naman sa mga mommies at daddies d’yan, para gumaan ang inyong pakiramdam, narito ang mga karaniwang “pagkakamali” na nagagawa ng mga magulang:
1. Labis na pag-aalala
Karaniwan ang pagaalala ng mga magulang. Madalas, labis ang kanilang pag-aalala.
Ngunit madalas rin na hindi nila alam na labis na ang kanilang pag-aalala na inaakala nilang may problema na ang kanilang mga anak. Madali nilang isipin na ang kanilang baby ay may sakit o may karamdaman kapag may ginagawa sila na labas sa karaniwan.
Kaya naman mahalagang tandan na normal lang ang mag-alala, ngunit wag itong pakalabisan, dahil nakakaapekto rin ito sa inyong anak.
2. Agarang pagpapatahan sa umiiyak nilang sanggol
Minsan, ang kailangan lamang ng mga sanggol ay umiyak. Maraming mga magulang ang nagiisip na umiiyak ang kanilang anak dahil may problema sa kanilang kalusugan o sila ay may masamang nararamdaman, ngunit minsan, mali ito, dahil minsan gusto lamang nilang umiyak dahil sa huli, sila ay mga munting sanggol pa lamang.
Kaya sa susunod na umiyak ang inyong anak, tingnan muna kung sila ay may karamdaman, kung sila ay nagugutom o kaya naman ay kailangan ng palitan ang diaper bago ninyo sila patahanin.
3. Ginigising ang kanilang baby
Malaking bahagi ng araw-araw ng mga baby ang kanilang pagkain at pagtulog. Kaya naman ito ay dapat regular sa kanila. Sa dahilang nakakaapekto ang kanilang pagtulog sa kanilang kalusugan, hindi wasto na sila ay gisingin para pakainin dahil naisisira nito ang oras ng kanilang pagtulog na kalaunan ay may epekto sa kanilang paglaki.
4. Hindi pag-aalaga sa milk teeth ng kanilang sanggol
Karamihan sa mga magulang ang nag-aakalang okay lang na hindi alagaan ang mga milk teeth ng kanilang sanggol dahil ito naman ay matatanggal rin at mapapalitan ng mas matitibay na ngipin sa kanilang pag laki. Ngunit, hindi ito tama, dahil ang pinakamainam na panahon para simula ang oral health ng mga bata ay habang sila ay mga sanggol pa lamang.
Habang sila ay sanggol pa, maaaring gumamit muna ng basang tela para punasan ang kanilang bibig pagkakain, kasama na rin ang kanilang ngipin. Kapag sila ay medyo lumaki na, pwede na silang turuan ng wastong paggamit ng toothbrush o sipilyo ng ngipin.
5. Paniniwala sa mga hindi beripikadong impormasyon o websites
Sa panahon ngayon, maraming parenting tips na ang umiikot sa social media. Bagama’t madalas ay nakakatulong ang mga ito, marami ring maling impormasyon ang nakahalo sa mga totoong balita at mga artikulo sa mga ito. Kaya naman mahalagang siguraduhing beripikado ang mga sources na binabasa ninyo online. Pinakamainam na itanong sa mga doktong ang mga bagay tungkol sa kalusugan ng inyong anak, lalo na kung kayo ay hindi sigurado o may pag-aalinlangan.
Ang article na ito ay unang isinulat sa ingles ni Alwyn Batara.
READ: 6 Mistakes good husbands never make!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!