2-anyos na bata, mukhang buntis dahil sa kaniyang sakit

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang pagkakaroon ng adrenal carcinoma ay nangangahulugan na mayroong cancerous na tumor sa adrenal cortex. Ito ay ang labas na bahagi ng adrenal gland na nagko-kontrol sa hormones ng isang tao. Bihira ang nagkakaroon ng adrenal carcinoma. Maaari itong maggamot kung maagapan habang maaga, ngunit ito ay agresibo. Madaling kumalat ang cancer cells ng adrenal carcinoma at mahirap nang gamutin pag umabot na sa ibang bahagi ng katawan.

Ang kwento ni Cleo Keenan

Si Cleo Keenan ay isang 2 taong gulang na bata na nagmukhang buntis dahil sa adrenal carcinoma. Bigla nalang namaga ang kanyang tyan sa simula ng 2019 na ang inisip ng mga duktor ay dahil sa pagiging hindi balance ng mga hormones niya na nagging prublema niya na dati. Nang makaramdam ng matinding pagsakit ng tyan, nalaman sa CT scan na mayroon siyang stage 3 adrenal carcinoma.

Siya ay ginagamot ng chemotherapy ay pagsalin ng dugo. Marami pa siyang dinadaanan na paggamot upang paliitin ang tumor bago ito tuluyang tanggalin ng siruhiya. Subalit, ayon sa mga duktor, mayroon lamang siyang 25% hanggang 35% na posibilidad na mabuhay. Mayroon ding 80% na tsansang bumalik ang cancer kahit matanggal na.

Sanhi ng adrenal carcinoma

Hindi sigurado ng mga duktor ang tunay na pinagmumulan ng adrenal carcinoma. Nagsisimula ito sa walang pinipiling pagbabago sa genes ng ilang adrenal cells. Maaari rin itong mamana kung ang isa sa mga nagging ninuno ay nagkaroon ng adrenal carcinoma o ibang cancer sa endocrine system.

Sintomas ng may adrenal carcinoma

Maaaring functioning tumor o non-functioning tumor ang dala ng adrenal carcinoma. Ganon pa man, ang paglaki ng tumor na ito ay maaaring dumiin sa ibang bahagi ng katawan na nagpapakita ng sintomas.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Sakit sa tiyan, tagiliran o likod
  • Pakiramdam na laging busog
  • Pagkakaroon ng bukol sa tiyan

Ang pagkakaroon ng functioning tumor ay maaari rin magdala ng iba pang mga sintomas sa pamamagitan ng pagsobra sa ibang hormones tulad ng:

  • Aldosterone – Mataas na blood pressure, madalas na pag-ihi, madalas na pagka-uhaw,nanghi-hinang katawan at pamumulikat.
  • Cortisol – Madaling pagkakaroon ng mga pasa, mataas na blood pressure at blood sugar, sobrang taba sa may batok, mood swings, purple o pink na stretch marks, bilugan na namumulang mukha at, pagtaba ng mukha at katawan kahit ngunit payat na mga braso at hita.
  • Estrogen – Iregular pagregla, pagdurugo sa mga nagdaan na sa menopause at pagbigat ng timbang.

Pagsusuri sa adrenal carcinoma

Kung may maramdaman na bukol ang duktor sa pagkapa para sa tumor, maaaring kumuha ng muwestra ng dugo at ihi para tignan ang hormones. Di tulad ng ibang cancer, hindi na kakailanganin ng biopsy nito dahil magiging sapat na ang mga sumusunod na imaging tests:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • CT scan – Pinaka karaniwan na pagsuri sa isang tumor.
  • MRI – Gumagamit ng magnets at radio waves upang suriin ang mga nilalaman ng isang tao.
  • Laparoscopy – Ang pag-pasok ng camera sa katawan upang masilip kung maaaring tanggalin ang tumor sa siruhiya.
  • MIBG scan – Ang pagsaksak ng kemikal sa katawan upang masuri ang pagdaloy nito sa adrenal gland.
  • PET scan – Ang pagsusuri kung ang tumor ay cancerous o hindi.

Paggamot sa adrenal carcinoma

Ito ay magdedepende sa laki ng tumor, gaano na kalawak ang nasasakupan nito at ang pangkalahatang kalusugan ng pasyente. Ang mga maaaring gawin ay:

  • Siruhiya – Ito ang pagtanggal sa adrenal gland. Ito ang kinikilalang paraan upang gumaling ang isang tao sa adrenal carcinoma. Ngunit, kung kumalat na sa ibang bahagi ng katawan, mawawalan na ng silbi ito.
  • Chemotherapy – Ito ang pagpatay sa mga cancer cells gamit ang gamot. Maaaring gawin kung hindi kaya idaan sa siruhiya o para pagkatapos ng siruhiya upang patayin ang matitirang cancer cells.
  • Radiation therapy – Ang pagpatay sa cancer cells gamit ang x-ray o iba pa. Maaari itong gawin kung hindi kayang tanggalin ng siruhiya lahat ng cancer cells o pag bumalik ang mga ito.

Bihira ang nagkakaroon ng sakit na adrenal carcinoma. Ang importante ay kung magkaroon man, masuri agad at nang maagapan para hindi na ito kumalat.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source: DailyMail, WebMD

Basahin: Three-year old diagnosed with breast cancer