Development at paglaki ng bata na 27 buwan

I-enjoy ang 27 buwan development ng iyong anak, mommy! Sa edad niya ngayon ay nakakalakad na siya, nakakapag-salita, at mas may kumpiyansa na sa sarili.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa yugto kung saan ang iyong anak ay nakaka-kilala na ng mga tao at bagay na nakapaligid sa kanya, ang kanyang ika-27 buwan development ay hindi na lamang natatapos sa kakayahan ng kanyang mga kamay.

Ang kanyang mga gawain ay patunay ng paglago ng kanyang isipan. Ibig sahibin, madali na niyang mapupunan ang pagiging mausisa sa mga tao at bagay na nakapaligid sa kanya.

Nabubuo na rin ng iyong anak ang kanyang kumpiyansa sa sarili. Humuhusay na ang kakayahan na kontrolin ang kanyang katawan, bagaman aabutin pa ng ilang buwan bago niya ma-kontrol ito nang maayos.

Marami pang dapat asahan sa inyong anak pagsapit niya ng 27 buwan development.

27 Buwan Development at Paglaki: Nakakasubaybay ba ang Iyong Anak?

Pisikal na Paglaki

Karamihan sa mga batang nasa 27 buwan development ay kaya ng dumakma ng mga bagay tulad ng mga maliliit na laruan at libro. Kaya na rin nilang pulutin at hawakan ang mga ito gamit lang ang kanyang mga daliri. Ito ay isang proseso na siguradong magugustuhan ng iyong anak. Pero bukod sa paglinang ng kakayanan ng kanyang mga kamay, narito ang iba pang mga dapat asahan sa 27 buwan development na ito.

  • Sa puntong ito, kaya na niyang gawin ang mga bagay-bagay nang mag-isa tulad ng pagtatanggal ng kanyang sapatos.
  • Kaya na rin niyang hawakan ang kanyang baso — at dahil dito, magiging madali ang buhay ninyo dalawa.
  • Ganito rin ang dapat asahan sa mga malalaking mga pagkilos. Sa panahong ito, kaya nang gumalaw ng inyong anak mula ulo hanggang paa.
  • Susubukan na rin niyang tumalon o tumayo gamit ang isang paa.

Huwag mag-alala, tiyak na masisiyahang gumawa ng mga pisikal na aktibidad ang iyong anak kasama ka sa kanyang 27 buwan development. Sa pagdating ng tag-ulan, pareho kayong magsasaya sa pagtatampisaw sa ulan.

Sa yugtong ito, dapat ang median height at weight ng iyong anak ay:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Lalaki
    – Height: 89.6 cm (35.3 inches)
    – Weight: 12.7 kg (28.1 lb)
  • Babae
    – Height: 88.0 cm (34.6 inches)
    – Weight: 12.6 kg (27.8 lb)

Ang kanyang head circumference naman ay dapat na:

  • Boys: 48.6 cm (19.1 inches)
  • Girls: 47.6 cm (18.7 inches)

Mga Tips:

  • Maaaliw ang inyong anak sa mga maliliit at makukulay na mga bagay. Bigyan siya ng mga bagay gaya ng mga kabibe o ng mga maliliit at makukulay na mga laruan na kanyang malalaro. Siguraduhin lang na ang ibibigay na laruan ay mas malaki pa sa tatlong sentimetro (3 cm) upang maiwasan ang panganib na mahirinan o mabulunan.
  • Gabayan ang inyong anak sa bawat pagkakataon na siya ay nagtatangkang gawin ang isang bagay upang matulungan siyang ma-develop ang kanyang motor skills (gaya ng pagtakbo, paglalakad, at pagbibisikleta).
  • Sa puntong ito, kakailanganin ng inyong anak ng humigit-kumulang na 3 oras na pisikal na aktibidad, kaya siguraduhing napupunan ang pangangailangang ito.
  • Siguraduhin ding gabayan ang iyong anak lalo na kapag nasa labas. Maaaliw siya sa halos lahat ng bagay na nakapaligid sa kanya, pati na sa mga hayop.

Maaaring magtaka kayo kung ang inyong anak ay kaliwete o right-handed dahil sa paiba-iba niyang paraan ng paghawak ng mga bagay. Huwag munang ipilit ang iyong kagustuhan para sa anak at hayaan mo siyang ma-develop ito nang kusa.

Aabutin ng ilang buwan bago niya malaman kung saan siya mas komportable – sa pagiging kaliwete o sa pagiging right-handed.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kailan Dapat Komunsulta sa Doktor 

May mga batang mabagal at mabilis matuto. Makabubuting huwag pilitin ang ay iyong anak na gawin mga bagay na nakikita mong ginagawa ng ibang bata. Pagdating sa paglalaro at sports, makabubuting hayaan siyang matuto ng mag-isa.

Pero maging alerto kung ang inyong anak ay hindi interesado sa paglalaro o kaya naman ay laging kumakapit sa ‘yo o masyadong maligalig — lalo na kung ayaw niyang makihalubilo. Maaaring senyales na ito ng autism spectrum disorder (ASD) o muscular dystrophy.

Kung sa tingin mo ay hindi nakakasunod ang iyong anak sa 27 buwan development, makabubuting komunsulta sa doktor. Maaaring ang dahilan nito ay mabagal na paglaki o kaya ay developmental disorder.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa kanyang kasalukuyang edad, malakas na ang pangkapit ng iyong anak at siguradong masisiyahan siya sa rito. | Image courtesy: stock image

Pagsulong ng Kamalayan

Dalawa sa pinaka-karaniwan sa 27 buwan development ng bata ay ang haba ng atensyon at kumplikadong laro. Mapapansin mo ang mga ito sa kanyang edad, at makikita mo kung paano ito niya ito ginagawa.

  • Mapapansin mong kaya na ng iyong anak na malutas ang mga simpleng puzzle gamit ang paraan ng trial-and-error.
  • Maaaring manatili siya sa iisang laro o aktibidad hanggang sa siya ay masiyahan na matapos ito sa abot ng kanyang makakaya.
  • Lumalakas na rin ang kanyang pangkapit at masisiyahan siyang gamitin ito.
  • Mapapansin mo rin na pinapangalanan na niya ang anumang bagay at laruan na para bang may sarili itong mga buhay. Huwag mabahala, at hayaan ang iyong anak na paganahin ang kanyang imahinasyon.

Sa 27 buwan development ng bata, mas gusto ng iyong anak ngayon na maglaro ng kanyang mga laruan kasama ka. Nagsisimula na rin siyang maunawaan ang mga puzzles at laro at ito ang tamang oras upang ipakilala ang mga aklat.

Mga Tips:

  • Bigyan siya ng mga pangkulay at aklat upang makagawa siya ng kanyang mga obra maestra. Ito rin ang magandang panahon upang obserbahan ang iyong anak at ibunyi ang kanyang maliliit na tagumpay.
  • Maaari na rin siyang ipakilala sa mga aklat na maraming litrato upang matulungan siyang kilalanin ang bawat bagay at mga hayop.
  • Bigyan siya ng sapat na oras at espasyo na makapaglaro kasama ang kanyang mga laruan.
  • Kakailanganin niya ang iyong pasensya at lubos na pagsuporta sa panahong siya ay nagkakamali.

Kailan Dapat Komunsulta sa Doktor 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

May mga bibihirang pagkakataon kung saan sa 27 buwan development ay hindi nakakakilala ng mga bagay at kulay o kaya naman ay hindi nakakalutas ng anumang puzzle ang isang bata. Ito ay isa pang senyales ng autism o delay sa neurological development. Kung ang inyong anak ay hindi nakakakilala ng kaibahan ng mga kulay at napapansin mong naduduling o lumalaylay ang talukap ng kanyang mga mata, makabubuting dalhin siya sa doktor upang ipasuri ang kanyang paningin.

Bigyang-pansin din kung ang mga mata ng inyong anak ay hindi sabay ang paggalaw, nagmumuta o madalas na pumipikit-pikit. Senyales ito ng problema sa paningin na maaaring maka-apekto sa pagsulong ng kanyang kamalayan.

Kakayahang Sosyal at Emosyonal

Sa 27 buwan development ng iyong anak ay nagsisimula na siyang magpakita ng mga emosyon tulad ng galit at pagka-irita. Bagaman napipigilan naman niya ang mga ito, may pagkakataong siya ay bahagyang nagiging agresibo at naghahagis ng mga bagay sa paligid.

Mapapansin mo rin sa 27 buwan development ng iyong anak ang mga sumusunod:

  • Magsisimula na siyang magsisigaw, mag-alboroto, manalya at manulak ng mga nasa paligid niya.
  • Ito rin ang panahon kung saan pinag-eeeksperimentuhan ng mga bata ang kanilang pag-aalboroto. Manliligalig sila upang makita kung ibibigay mo ang gusto nila at kapag ibinigay mo ito, titibay ang kanilang paniwala dito. Kaya naman lagi silang mag-aalboroto.
  • Sa 27 buwan development mapapansin ang madalas na pagdikit sa iyo ng iyong anak at ang kagustuhan niyang nasa kanya ang buo mong atensyon sa lahat ng oras.
  • Maaari din siyang magdamot ng kanyang mga laruan o kaya ay isang tao lamang ang gusto niyang makalaro.
  • Ang magandang balita, ito ang tamang oras upang turuan siyang makihalubilo at magkaroon ng mga bagong kaibigan.

Mga Tips:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Kapag napansin mong nagdadabog ang iyong anak, subukan siyang aliwin gamit ang mga laro o mga makukulay na laruan. Puwede ka ring magturo ng anumang bagay na nasa labas ng bintana — basta kahit anong bagay na makakagambala sa kanya. Mapapansin mong magiging kalmado agad siya. Indikasyon ito na hindi talaga siya galit bagkus ay nagpapapansin lang at nanggagambala.
  • Huwag bibigay sa kanyang pag-aalboroto matapos mo itong hindian.
  • Sa halip, manatiling mahinahon at mapag-pasensya sa iyong anak. Bagaman mahirap itong gawin sa pampublikong lugar, maghintay ka lamang dahil lilipas din ito.
  • Tandaan na bagaman maraming dapat ipagdiwang sa 27 buwan development, meron ding mga bagay na sadyang makaka-irita sa iyo at isa na roon ang pag-aalboroto. Ituring mo itong pagsubok. Manatiling mahinahon at mapag-pasensya sa iyong anak.

Tandaan na ang pag-aalboroto at galit ay normal at bahagi ng paglaki ng iyong anak. Hindi lang kayo ng inyong anak ang dumadaan sa yugtong ito — karamihan sa mga ina at mga bata ay dumadaan dito.

Kailan Dapat Komunsulta sa Doktor

Asahan na sa 27 buwan development ang pag-aalboroto at panliligalig dahil bahagi yan ng yugtong ito. Pero kung ang kanyang panliligalig ay patungo na sa pagiging bayolente ay pagsigaw, o kaya naman ay laging nakakapit sa iyo at sinasaktan ka niya, o nagdadabog kapag ikaw ay wala, makabubuting komunsulta sa espesyalista upang malaman kung ano ang nangyayari.

Maaaring senyales na ito ng separation anxiety, pisikal na kapansanan, o kaya ay autism. Halimbawa, maaari siyang mairita kapag hindi niya kayang pumulot ng mga bagay o maglaro ng puzzle, at maaaring ang dahilan nito ay ang pagkakaroon ng kapansanan. Kapag napansin mo ang mga ito, kailangan mo nang ipakonsulta ang iyong anak sa doktor.

Development sa Pagsasalita

Malawak na ang bokabularyo ng iyong anak pagdating ng kanyang 27 buwan development. Alam na rin niya ang pangalan ng mga kakilala niya, maging ang sarili niyang pangalan. Ito rin ang kapana-panabik na panahon para makipag-usap nang maayos sa inyong anak.

  • Ang inyong anak ay may humigit-kumulang 400 na salita sa kanyang bokabularyo ngayon.
  • Kaya na niyang bigkasin ang 200 salita ngayon.
  • Sa puntong ito, alam na rin niya ang kanyang buong pangalan.
  • Alam na rin niya ang singular at plural ng mga salita.
  • Isa sa bahagi ng kanyang 27 buwan development ay ang kakayanan niyang gumamit ng mga panghalip tulad ng “Ako” at “Akin”.
  • Sa 27 buwan development, kaya na rin niyang pangalanan ang mga bagay na lagi niyang nakikita o nagagamit.

Dahil na-develop na ng inyong anak ang kanyang expressive at receptive language ngayon, kaya na niyang gamitin ang mga ito upang maipahayag nang maliwanag ang kanyang sarili. Hindi man ito tulad ng pakikipag-usap nating mga matatanda, pero mabuti na rin ito para sa isang bata.

Mapapansin mo ring gumagamit din siya ng mga salita at mga kilos upang ipahayag ang kanyang sarili.

Mga Tips:

  • Ito ang tamang panahon upang kantahan siya ng mga nursery rhymes. Magugulat ka kung gaano kabilis niyang matututunan ang mga baybay kahit na hindi niya pa ito nabibigkas nang maayos.
  • Dapat maging maingat na tayo sa ating pananalita ngayon. Ang mga batang nasa 27 buwan development ay parang mga parrot na nanggagaya ng anumang sasabihin ng mga nakatatanda. Kaya naman magandang panahon na rin ito upang turuan ng kagandahang-asal ang iyong anak gaya ng pagsasabi ng “Salamat po” at “Paki-“.
  • Turuan din siya ng kahalagahan ng kabutihan at respeto sa iba.

Kailan Dapat Komunsulta sa Doktor

May mga bibihirang mga kaso kung saan ang isang batang nasa 27 buwan development ay may bokabularyong mas mababa pa sa 400 na salita. Ito ay dahil sa mabagal na development o isang neurological disorder.

Kung hindi pa rin alam ng inyong anak ang kanyang pangalan, hindi tumutugon kapag inyong tinawag sa kanyang pangalan, o kaya naman ay hindi nakakapag-salita, sumangguni na sa isang speech specialist upang malaman kung ano ang dahilan nito.

Pihikan ba sa pagkain ang iyong anak? | Image source: Shutterstock

Kalusugan at Nutrisyon

Isa pa sa mga dapat asahan sa 27 buwan development ng bata ay ang pagkawala ng kanyang malaking tiyan at baby fats. Magiging mas maliit na rin ang kanyang ulo kumpara sa kanyang katawan. Ibig sabihin nito ay nagiging ganap na bata na ang iyong baby. Magandang pagkakataon na rin ito para mag-invest sa kanyang kalusugan at nutrisyon.

  • Ang inyong anak ay maaaring tumimbang na ng 11 kilos hanggang 14 kilos.
  • At ang kanyang taas naman ay nasa pagitan na ng 33.7 pulgada o 2.8 talampakan at 35.6 pulgada o 2.9 talampakan.

Para sa kanyang pangangailangan sa nutrisyon, maaari siyang bigyan ng 1/2 tasa ng kanin, 1/3 tasa ng karne o gulay at 1/3 tasa ng prutas kada kain. Hindi na rin siya naka-depende sa diyetang puro gatas, kaya naman tulungan siya sa pagtuklas ng iba pang solid food. Engganyuhin ang lahat ng kanyang senses sa pamamagitan ng pagpapakilala ng iba’t ibang kulay at texture ng pagkain. Gawing kasiya-siya ang pagkain at tandaan na hindi niya kailangang ubusin ang kanyang pagkain.

Para naman sa kanyang bakuna, liban sa Hepatitis A, komunsulta rin sa doktor para sa bakuna sa live attenuated influenza.

Mga Tips:

  • Gayatin ang pagkain ng inyong anak sa iba’t ibang hugis at laki upang maging interesante para sa kanya ang pagkain. Gawin ding makulay ang kanyang pagkain.
  • Durugin ang mga pagkain na hindi naman niya talaga kinakain pero kailangan ng kanyang paglaki. Kung ayaw niya pa ring kainin o kaya naman ay kaunti lang ang kinain, huwag siyang pilitin.
  • Huwag ding mag-alala kung makalat siyang kumain o magulong magsulat. Ito ang panahon ng trial-and-error para sa iyong anak. Hayaan siyang magsaya at matuto nang kusa.
  • At dahil hilig din niyang obserbahan ka sa kanyang 27 buwan development, makabubuting magsanay na rin ng malusog na pamumuhay upang maging halimbawa sa iyong anak.

Kailan Dapat Komunsulta sa Doktor 

Normal lang sa mga batang nasa 27 buwan development na maging pihikan sa pagkain. Maaaring isang klase lang ng pagkain ang kanyang kainin o kaya naman ay ayawan niya ang lahat ng kahit anong pagkain. Isa itong pagsubok para sa mga magulang.

Mahalagang malaman kung bakit ganito ang ikinikilos ng iyong anak. Masakit ba ang kanyang tiyan o kaya may problema sa ngipin at bagang kaya hindi siya makanguya? Maligalig ba siya dahil hindi niya nakakain ang nakikita niyang kinakain mo? Komunsulta sa doktor kung may napapansin kang kakaibang asal pagdating sa pagkain o kaya ay ayaw niyang kumain ng kahit anong pagkain.

Gayumpaman, laging maging mahinahon at tulungan ang inyong anak na maintindihan ang mundong ginagalawan niya. Maging magandang halimbawa sa iyong anak at himukin siyang maging palakaibigan at magkaroon ng malusog na pamumuhay.

Higit sa lahat, i-enjoy ang panahong ito kasama ang inyong anak dahil mabilis na lilipas ang sandaling ito.

Ito naman ang mga vaccines na dapat mayroon na siya:

  • BCG
  • Hepatitis​ B (1st, 2nd and 3rd dose)
  • Hepatitis A (1st dose)
  • DTaP (1st, 2nd and 3rd dose)
  • IPV (1st, 2nd and 3rd dose)
  • Hib (1st, 2nd and 3rd dose)
  • Pneumococcal Conjugate (1st and 2nd dose)
  • Diphtheria (1st dose)
  • Meningitis C
  • MMR – 1st dose & 2nd dose: Immunisation against Measles, Mumps & Rubella
  • Pneumococcal Conjugate – 1st booster: Immunisation against Pneumococcal Disease

 

Isinalin mula sa wikang Ingles ni Yddette Civ Alonzo-Cruz

Sources: Mayo Clinic, NHS

Your toddler’s previous month: 26 months

Your toddler’s next month: 28 months

Do you have questions on this 27 month toddler development guide? Share them with us in the comments!

Sinulat ni

Deepshikha Punj