Itong larawan na ito ay kuha noong August 10, 2022. Nagdiwang ng second birthday ang aming panganay na anak na si Ate Jeriah Micah.
Habang ang aming pangalawang anak naman at nagdiwang ng kanyang first month — si Baby Jaden, boy naman siya.
Magkahalong saya at lungkot ang aming nararamdaman dito bilang mag-asawa, dahil August 16 ay babalik na ang aking asawa papuntang Taiwan.
Salamat kay Lord dahil sa pagsagot niya ng aming panalangin. taong 2019 kami ikinasal, at tanong 2020 naman noong biyayaan kami ng isang anak.
Habang ako ay buntis, tinawagan na ang aking asawa ng kanyang company at pinapabalik na siya. Ngunit dahil sa pandemic, na-postpone ang kanyang pagbalik, hanggang sa mabigyan ulit kami ng pangalawang anak.
Thank God kasi he makes everything beautiful in His Time. Kaya ngayon, andoon na sa Taiwan ang aking mister at kami namang mag-iina dito ay naiwan kasama ng aking mga magulang.
Breastfeeding mom din po ako. Simula kay Micah 3 weeks before ako manganak saka lang po siya naawat. Kaya malaki ang tulong ang breastfeeding dahil almost 3 years kaming walang work ng aking asawa simula ng mag-pandemic.
Salamat sa Lord sa mga blessings na patuloy niyang pinagkakaloob sa amin. Base nga sa Word of God, “All things work together for our good.”
Walang imposible sa ating Lord. Dati akala namin, hindi na makakaalis si mister. Pero dahil sa aming matiyagang pananalangin ay hindi kami binigo ni Lord. At ito ay kaniyang sinagot sa tamang oras at panahon.
2 Pedro 1:3 AS. Ang kapangyarihan ng Diyos ang nagbigay sa atin ng lahat ng kailangan natin para mamuhay ng may kabanalan. Itoʼy sa pamamagitan ng pagkakakilala natin sa kanya na tumawag sa atin. Tinawag niya tayo sa pamamagitan ng kapangyarihan niya at kabutihan.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!