Sa puntong ito, mapapagtanto niyong ang buwang ito ay puno ng mga pagbabago, hindi lamang para sa inyong halos tatlong-taong-gulang na anak, kundi pati na rin sa inyo. Sa pag-alam ng mga mahahalagang milestones sa 34 buwan development ng bata, mas mapaghahandaan nang matiwasay ang pagdating ng edad na ito.
Bago natin suriin ang edad na ito, ilang tips muna: Maaari nang i-enroll ang inyong anak sa isang play-school at simulan na siyang dalhin sa dentista. Isa sa 34 buwan development ng iyong anak ay ang paglabas ng lahat ng kanyang ngipin, kaya naman importante ang madalas na pagse-sepilyo.
33 Buwan Development at Paglaki: Nakakasubaybay ba ang Iyong Anak?
Pisikal na paglaki
Para sa 34 buwan development ng iyong anak, kaya na niyang tumalon, tumakbo, bumalanse, pumadyak ng bisikleta at umakyat ng hagdan nang hindi nahuhulog. Malaking ginhawang hindi na siya nakikitang nagpapasa, hindi ba?
Ang kanyang hand and eye coordination ay magi-improve, habang ang kanyang flexibility naman ay unti-unting nawawala. Karaniwang kinalalakihan ng mga batang lalaki ang 53% ng kanyang magiging laki sa hinaharap, samantalang ang mga batang babae namay ay kalalakihan ang 57% nito.
Mga Gawain Para Mapabuti Ang Pisikal na Paglaki
Upang mapabuti ang 34 buwan development ng iyong anak, makabubuting hikayatin siyang mag-ehersisyo upang hindi tuluyang mawala ang kanyang flexibility. Makatutulong din ang ibang mga physical activity tulad ng pagbibisikleta, football, pagsasayaw at paglalangoy.
Kailan dapat komunsulta sa doktor
Kung ang inyong anak ay hindi pa nakaka-akyat ng hagdan, nakakatalon, nakakatakbo o nakakapag-pulot ng mga bagay-bagay nang hindi nahuhulog, makabubuting komunsulta sa doktor sa lalong madaling panahon.
Kakayahang Sosyal at Emosyonal
Sa 34 buwan development ng iyong anak, mas madalas na siyang makikisalamuha kumpara noong mga nakaraang buwan. Alam na rin niya sa puntong ito ang kanyang mga gusto at mga hindi gusto. Pero sa panahon ding ito nade-develop ang empathy. Magiging natural sa kanya ang pakikiramay sa ibang tao sa panahon ng kalungkutan, minsan higit pa sa iyong inaakala.
Habang nade-develop ang kanyang imahinasyon, mas magiging matatakutin din siya. Maaaring nakakatawa ang kanyang mga mumunting takot, pero hangga’t maaari ay huwag itong tawanan. Habang ikaw ay bumibigay sa kanyang mga tantrums, lalo niya itong ipapakita.
Para sa inyong anak, halos lahat ng bagay ay masyadong malaki at hindi mapigilan, at lalo lamang lumalala ang takot ng iyong anak dahil dito. Maging mapag-pasensya, assertive at empathetic sa mga takot niya, at iparamdam sa kanya na lagi kang nariyan para protektahan siya, anuman ang mangyari.
Ang pagturo sa kanya kung paano ipahayag ang kanilang mga damdamin — pati na ang pagpapahiram ng kanilang mga paboritong laruan — ay magandang ideya sa panahong ito. Magiging mas bukas sila sa ganitong ideya kaysa sa iyong inaakala.
Sa ganitong panahon din niya nadidiskubre ang sarili niyang pagkatao habang pilit na na ginagaya ang mga nakatatanda sa bahay. Kaya naman mag-ingat sa mga binibitiwang mga salita at mga ikinikilos sa harap ng iyong anak. Maaari niyang gayahin ang mga ito at gawin sa labas ng bahay.
Mga Gawain Para Mapabuti Ang Kakayahang Sosyal at Emosyonal
Habang lumalapit ang ikatlong kaarawan ng iyong anak, isama na rin siya sa mga gawaing bahay tulad ng paglilinis. Hindi lamang nito made-develop ang kanyang sense of discipline, matututo din siyang maging responsable.
Mahalaga din sa puntong ito ang pagturo sa kanya ng kagandahang-asal at sariling kultura, kaya ang pagpunta sa iba’t ibang mga historic at cultural sites ay makatutulong upang ma-develop ang mga ito.
Kailan dapat komunsulta sa doktor
Sa puntong ito dapat kahiligan na ng iyong anak ang paglalaro sa labas kasama ang ibang mga bata. Kung hindi ganito ang iyong anak, makabubuting komunsulta na sa doktor.
Development sa Pananalita
Kaakibat ng 34 buwan development ng isang bata ay ang malaking pagbabago sa kanyang pananalita. Sa puntong ito, maaari na siyang hikayating maging bilingual o ang matuto ng higit pa sa isang wika.
Makikita mong madalas na rin siyang magsalita nang buong pangungusap. Mage-enjoy din siyang kumanta ng mga kantang pambata at nursery rhyme nang halos walang tigil.
Mga Gawain Para Mapabuti Ang Kakayahang Sosyal at Emosyonal
Para sa 34 buwan development ng pananalita ng iyong anak, may dalawang paraan upang matuto siya ng higit sa isang wika at maipahayag niya ang kanyang sarili.
Una ay ang pagpapakilala sa kanya sa ibang tao na nakakasalita ng ibang wika. Ang pangalawa ay ang mga video — kapag gusto niyang manood ng mga video online, ipapanood sa kanya ang mga video na nasa ibang lenggwahe.
Kailan dapat komunsulta sa doktor
Kung ang iyong anak ay sumesenyas imbes na nagsasalita, at hirap pa rin siyang ipahayag ang kanyang sarili, makabubuting komunsulta na sa doktor.
Kalusugan at nutrisyon
Para sa 34 buwan development ng iyong anak, ang tangkad niya ay naglalaro sa pagitan ng 87.5 hanggang 102 sentimetro, habang ang kanyang timbang ay naglalaro sa pagitan ng 11 hanggang 17.8 kilo.
Kung hindi pa siya nababakunahan para sa trangkaso, makabubuting pabakunahan na siya sa panahong ito.
Liban sa hand, foot and mouth disease na isa sa mga pinaka-karaniwang sakit na makukuha ng iyong anak habang nasa daycare o play school, ang sipon, ubo, lagnat, sakit sa lalamunan, krup at bulutong ay maaaring makuha ng iyong anak sa panahong ito.
Magiging mas independent na ang iyong anak sa panahong ito at hihingin na rin niya ang kanyang mga gusto sa hapag-kainan. Hikayatin siyang gumamit ng kutsara’t tinidor. Magandang ideya rin ang pagkain nang sama-sama bilang isang pamilya.
Isa sa mga 34 buwan development ng iyong anak ay ang kakayahan niyang kumain, pero kailangan pa rin niya ng iba’t ibang uri ng pagkain kahit paunti-unti. Maaari siyang bigyan ng isang hiwa ng tinapay o toast, dalawa hanggang limang kutsara ng kanin o pasta, lima hanggang walong kutsara ng lugaw, o isa hanggang apat na kutsara ng dinurog na patatas.
Pagdating sa gulay at prutas, ang isang tasa ng pinaghalong gulay na tumitimbang ng 100 hanggang 200 na gramo ay sapat na. Huwag siyang pakainin ng sobrang matamis o maalat na pagkain.
Para naman sa protina, pakainin siya ng isa hanggang dalawang kutsarita ng hummus o garbansos, isang buong itlog, isang kutsarita ng isda, isang medium-size na sausage, o isang maliit na hiwa ng karne. Basahin dito ang iba pang detalye.
Huwag ding panghinaan ng loob kung may pagkakataong ayaw kumain ng ibang pagkain o ng prutas at gulay ang iyong anak. Kapag ginawang mas exciting ang pagkain ng gulay at karne para sa kanya, mas magugustuhan niya ang pagkain nito.
Made-develop din sa puntong ito ang matinding pagkagusto para sa isang klase ng pagkain, at kailangang igalang ang mga gusto niyang ito, pero siguraduhin pa rin na balanse ang kanyang kinakain. Basahin ang iba pang mga tips dito.
Kailan dapat komunsulta sa doktor
Kung ayaw kumain ng iyong anak, gusto lang ng gatas o sinusuka lang ang kanyang kinakain, makabubuting komunsulta na sa doktor.