Kapag buntis ka, patuloy na kailangang subaybayan ng doktor ang kalusugan at pag-unlad ng iyong sanggol. Bakit nga ba kinakailangan mong magpa-ultrasound? Ang pagsusuri na ito ay gumagamit ng mga sound wave upang maipakita sa iyo ang itsura ng iyong sanggol sa loob ng iyong sinapupunan.
Sa pag-unlad ng techonology at medical science, ay umunlad din ang paraan upang makita ang lumalaking fetus o sanggol sa loob ng sinapupunan ng isang ina.
Sa katunayan, ang bagong teknolohiya ng 3D ultrasound ay nagbibigay ng mas malinaw na larawan sa iyong sanggol. Ngunit tandaan na hindi naman standard sa mga prenatal test. Kadalasan, isinasagawa lamang ito ng mga doktor kung nais mong makita ang iyong baby at para rin makita ang ilang mga deformaties kung mayroon man.
Kung nagtataka ka kung dapat kang makakuha ng 3D ultrasound habang nagbubuntis o kung ligtas ito para sa sanggol, huwag mag-stress. Narito ang lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa 3D ultrasound.
Talaan ng Nilalaman
Ano ang 3D ultrasound sa pregnancy?
Katulad ng mga regular na ultrasound, ang isang 3D ultrasound ay gumagamit din ng mga sound wave upang lumikha ng isang imahe ng iyong sanggol. Ngunit ang pagkakaiba, ang mga 3D ultrasound na kumukuha ng tatlong-dimensional na imahe ng iyong sanggol.
Paano ito gingagawa?
Ginagawa ang isang 3D ultrasound tulad ng iyong regular na ultrasound. Ang iyong doktor ay magpapahid ng gel sa iyong tiyan at pagkatapos ay gagamit ng isang transducer sa upang makakuha ng larawan ng lumalaki mong anak sa loob ng iyong sinapupunan.
Dinidirekta ng transducer ang mga sound waves patungo sa iyong matris at sa iyong anak sa loob ng iyong sinapupunan. Sa gayon, bibigyan ka ng isang mas malinaw na larawan ng iyong sanggol. Maaari kang humiling sa iyong doktor na bigyan ka ng mga larawang ito ng ultrasound.
Ang pinakamahusay na mga imahe ay nakukuha sa pagitan ng 24 at 28 linggo ng pagbubuntis. Sa katunayan, ang ilang mga klinika ay nagsasabi na maaari itong gawin sa 30 linggo ng pagbubuntis.
Sa panahong ito mas makikita ang ulo ng sanggol sa pelvis ng ina. Dahil rito maaaring mahirapang makita ang mukha ng sanggol. Subalit nakadepende pa rin ito sa posisyon ng iyong sanggol.
3D Ultrasound sa pregnancy at ang mga benepisyo nito
Habang ang mga imahe ay mas malinaw, maaaring magrekomenda ang iyong doktor ng isang 3D ultrasound. Posibleng pahintulutan nito ang iyong doktor na mas maunawaan at masuri ang anumang mga medikal na isyu sa iyong sanggol.
Sa katunayan, ang mga imaheng ito ay maaaring magpakita ng ilang mga depekto sa iyong sanggol, tulad ng cleft palate, na maaaring hindi lumabas sa isang karaniwang ultrasound.
Ang pinakakapanapanabik na bahagi ng isang 3D ultrasound technology na maaaring magbigay sa iyo ng mas malinaw na itsura ng iyong magiging baby kapag isinilang mo na siya.
Ligtas ba magpa-3D ultrasound?
Ang isang 3D ultrasound ay walang kasamang radiation o X-ray. Ligtas ito para sa iyo at sa iyong sanggol. Ngunit tiyaking gagawin ito ng isang kwalipikadong propesyonal at para sa mga medikal na kadahilanan lamang.
Tulad ng sinabi ni Dr Ken Lim,
“If you’re at a regulated center at a hospital or medical clinic, all machines must adhere to safe levels of heat and mechanical effects.”
Ang mga 3D na “keepake” o “entertainment” na ultrasound na ginawa para sa mga hindi pang-medikal na kadahilanan ay hindi inirerekomenda ng mga eksperto.
Si Tara Chegwin, tagapag-ugnay ng propesyonal na serbisyo para sa Sonography Canada ay nagsabi sa Today’s Parent,
“Non-medical ultrasound centers are unregulated and there is no professional standard around them.”
Nagbabala ang FDA na ang pinakamalaking alalahanin sa mga gumagawa ng ultrasound ay walang limit kung gaano katagal ang session nito. Sa ilang mga kaso, maaaring naroon ka hanggang sa isang oras upang makakuha ng ‘magagandang’ mga larawan ng iyong sanggol.
Naiintindihan na nasasabik ka na malaman ang higit pa tungkol sa iyong sanggol na lumalaki sa loob ng iyong sinapupunan.
subalit ang pagkuha ng isang 3D ultrasound upang makita lamang ang mukha ng iyong sanggol ay hindi isang ligtas para sa iyo at sa iyong baby.
Ilan buwan o linggo na lamang kasi ay maaari mo nang makita kung ano ang itsura ng iyong baby. Kaya kung kaya mong mag-intay mas mabuti pa rin ito
Tandaan: Magpa-ultrasound lamang kapag nirerekomenda ito ng iyong doktor o kapag pumayag siya.
Sa ilang pagkakataon hindi lamang ultrasound ang technology na maaari mong makita ang iyong developing fetus. May opsyon ka rin na magpa-4D ultrasound.
Maaari mong panoorin ang iyong anak na ngumiti o hikab sa pamamagitan ng 4D ultrasounds. Lumilikha sila ng isang live na effect video, tulad ng isang pelikula.
Habang binigyan ka ng 3D ultrasound ng mga malinaw na visual, tutulungan ka naman ng 4D ultrasound na makita ang paggalaw ng iyong sanggol.
Ano ba dapat, 3D o 4D ultrasound?
Sa nakaraang ilang taon, ang demand para sa 3D at 4D ultrasounds ay tumaas dahil maraming mga mag-asawa ang nais makakita sa kanilang magiging baby.
Pero tandaan hindi porket gusto natin makita ang baby natin sa loob ng sinapupunan ay kailangan na ito gawin. Laging hingin ang opinyon ng iyong doktor patungkol sa pagsasagawa nito.
Parehong opsyonal ang 3D at 4D ultrasound.
Ang buong layunin ng isang ultrasound ay upang i-screen ang mga potensyal na problema at tiyaking malusog ang iyong sanggol at ang tradisyunal na 2D na ultrasound may ganoon ding function.
Ayon kay Dr Hakakha na naka-quote sa Parents,
“Opting to get a 3D/4D ultrasound in pregnancy to obtain ‘better’ pictures of one’s fetus is absolutely not required and may be dangerous when done repetitively, outside the commendation of a physician.
Dapat mo ring tandaan na hindi lahat ng mga doktor ay may access sa 3D o 4D na mga ultrasound. Gayundin, maaaring hindi sakop ng iyong insurance ang gastos dito. Tignan o i-check sa iyong provider kung kasama ito bago ka magpa-ultrasound.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Isinalin sa wikang Filipino ni Iñigo Sison
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.