4-day work week gustong isulong sa kongreso

Nasa kongreso na ang panukalang bawasan ang bilang ng araw na magtratrabaho ang mga mamamayan. Ngunit madadagdagan naman ang oras ng trabaho kada araw. | Photo by LYCS LYCS on Unsplash

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nasa kongreso na ang panukalang magkaroon ng 4-day work week na lang ang trabaho sa buong Philippines. Noong nakaraang taon pa ito unang naipasa at napag-diskusyunan ngunit dahil sa tumitinding trafik sa mga siyudad, nanumbalik ang interes na pabilisin ang pagsasabatas nito.

Kapag naipasa ito, binibigyan ang mga empleyado at mga kumpanya na bawasan ang araw ng trabaho mula lima o anim na araw at gawin na lang apat na araw ang trabaho sa isang linggo. Ngunit dahil nabawasan ang araw, madadagdagan naman dami ng oras na kailangan trabahuin sa isang araw—puwedeng umabot ng hanggang 12 oras kada araw.

Benepisyo

Ayon sa mga nagpanukala, layunin ng 4-day work week na “paigtingin ang pagiging competitive ng mga negosyo, maging mas efficient ang trabaho, at tumaas ang productivity ng mga manggagawa.” Dahil nasa labor code na 40-48 hours ang puwede lamang trabahuin ng isang empleyado, kailangan magbayad ng mga kumpanya ng overtime pay para sa sobrang oras.

Sinubukan na ang ganitong set-up sa ibang bansa katulad ng New Zealand. Ayon sa isang pag-aaral, nang bawasan ang bilang ng araw na kailangan magtrabaho, naging mas creative, mas maganda ang attendance, mas hindi nale-late, at mas hindi pumepetiks ang mga empleyado.

Ganito rin daw ang nangyari sa Sweden—naging mas konti ang araw na absent ang mga empleyado, naging mas masipag ang mga ito, at mas naging maganda ang kalusugan.

Mga tutol

Hindi maikakaila ang mga benepisyo na nabanggit. Ngunit may mga grupong tutol dito, katulad ng Kilusang Mayo Uno. Anila, dehado daw sa panukalang ito ang mga empleyadong binabayaran kada araw. Kapag bawas ang araw, bawas din ang sahod para sa mga ito.

May mga nagsasabi rin na sa taas ng bilihin ngayon, hindi ito ang tamang panahon na mabawasan ang kita ng mga mamamayan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa France, hinarang ang ganitong panukala dahil umalma ang mga negosyo. Kung papaiksiin daw kasi ang work week, kakailanganin ng mga kumpanya na magdagdag ng empleyado upang mapunuan ang kakulangan sa mga trabahador. Ang magiging resulta daw ay ang pagbaba ng competitiveness ng mga negosyo.

Kayo, mga mommies at daddies, ano sa tingin niyo? Mag-comment sa ibaba.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source: CNN Philippines

Basahin: Work-Life Balance: How to keep work stress from ruining your home life

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement