Ngayon na 4 na taon at 1 buwan na ang iyong anak, may mapapansin ka ng mga pagbabago. Makikita mo na siya ay nagiging mas independent, social, at inquisitive.
Siguro ngayon ay magsisimula na ng pre-school ang iyong anak kaya maghanda ka sa mga pakiramdam na anxiety, imaginitive ideas, at napakaraming tanong!
Ating alamin ang mga aasahin sa iyong 4 na taon at 1 buwan na anak. Paalala lang na gabay lamang ang mga ito. Ang bawat bata ay magkakaiba at nagdedevelop sa iba’t-ibang bilis.
Development ng 49-buwan na bata: Physical
Ang iyong 4 na taon at 1 buwan na anak ay nagkakaroon na ng confidence sakaniyang physical ability. Mas magaling na siya maglakad pababa, magbato, magsalo at magsipa ng bola, tumakbo, umakyat, tumalon, at mag balance gamit isang paa.
Gusto na niyang gumawa ng mga bagong bagay at mayroon na siyang mas mabuting hand-eye coordination.
Dapat mas madali na sa iyong bata ang pagbibihis. Kaya na rin niya magsipilyo at pumunta sa banyo mag-isa.
Ito ang iba’t-ibang skills na kaya nang gawin ng iyong anak:
- Tumayo gamit isang paa sa higit ng 9 seconds
- Umakyat at bumaba ng hagdanan na walang tulong
- Sumalo ng nag bounce na bola
- Kayang mag skip
- Kinakayang mag somersault
- Umakyat ng ladder
- Magbisikleta
- Mangopya ng triangle, circle, square, at iba pang mga hugis
- Gumuhit ng tao na may katawan
- Magpatong-patong ng 10 o higit pa na blocks
- Magbuhos, maghiwa, at magdurog ng sarili niyang pagkain
- Gumamit ng kutsara’t tinador at minsan butter knife
- Magbihis at maghubad, magsipiliyu, at magalaga ng kaniyang personal needs na walang tulong
- Gumamit ng child scissors
- Kayang isulat ang pangalan at iba pang titik
Tips:
- Maglaan ng oras para sa outdoor playtime at pagpunta sa mga parks at playgrounds. Payagan mo siya makilaro sa ibang mga bata para matutunan niya ang value ng sharing at friendship.
- Pasubok mo siya ng painting, drawing, o dress-up games.
- Bawasan ang screen time para sa iyong anak ng higit 1 o 2 horas lang bawat araw.
- Siguraduhin na ang anak mo ay nakakatulog sa tamang oras ng higit 10–13 bawat araw.
Kailan dapat pumunta sa doktor?
- Kung hindi pa niya kaya tumalon sa kaniyang pwesto
- Kapag nahihirapan siyang makakita o makarinig
- Nahihirapan siya maghubad, magsipilyo, o maghugas ng kamay na walang tulong
- Kung hindi niya kaya magpatong-patong ng higit 6 hanggang 8 na block
- Mayroon siyang kayang gawin dati na hindi na niya magawa ngayon
Development ng 49-buwan na bata: Cognitive
Ang iyong anak ay natututo na ng iba’t-ibang bagay araw-araw!
Alam na niya ang kanan at kaliwa. Naiintindihan na rin niya ang mga kasulangatan katulad ng ‘mabigat at magaan’ pati ‘magkapareho at magkaiba’. Mayroon na rin siyang interest sa mga appliances na nahahanap sa bahay.
Ito ang iba’t-ibang skills na kaya nang gawin ng iyong 4 na taon at 1 buwan na anak:
- Marunong na magbilang ng 10 o higit pa na bagay
- Kayang sabihin ang sariling pangalan at phone number
- May alam na apat na kulay
- Naiintindihan na ang concept of time katulad ng mga bagay na nagawa niya nung nakaraang araw o kung ano gagawin niya bukas
- Alam na ang kanan at kaliwa
- Alam kung ano ang mabigat o magaan, mataas o mababa
- Kakayahang sumunod sa tatlong magkakasunod na utos tulad ng: “Tanggalin mo sapatos mo, pagkatapos magbihis at maghugas ka ng kamay.”
Tips:
- Samahan mo magluto ang iyong anak. Magandang paraan ito para matuto siya ng mga math concept katulad ng ‘half’, ‘1 teaspoon’ o ‘ 30 minutes’.
- Palaro mo siya ng mga memory games katulad ng spot the difference.
- Palaruin mo rin siya ng mga sorting at matching games katulad ng pag sort ng beads na iba’t-ibang kulay at hugis.
- Madalas na kausapin mo ang iyong anak at tanungin kung anong mga nakita at nagawa niya.
Kailan dapat pumunta sa doktor?
- Kung hindi niya kaya sumunod sa tatlong magkakasunod na utos
- Kapag hindi tama ang paggagamit ng “me” at “you
- Kung hindi maintindihan ang “magkapareho” at “magkaiba”
Development ng 49-buwan na bata: Social at Emotional
Mas marunong na ang iyong 49-buwan na anak na mag express ng emotions.
Mayroon na siyang awareness sa gender kaya mas gugustuhin niya maglaro ng mga gender-based games (halimbawa para sa mga babae ay gusto nila maglaro na bilang isang ‘Mom’).
Mapapansin mo rin na nagtatanong na siya tungkol sakaniyang katawa. Nakikita na niya ang pagkakaiba ng babae sa lalaki. Handa ka sa mga tanong katulad ng, “Parehas ba umihi ang mga babae at lalaki?” Aalahanin na sumagot ng katotoohan.
Mahilig na siyang maglaro kasama mga kaibigan niya. Dito rin niya mahahanap ang kaniyang “best friend”.
Ito ang iba’t-ibang social at emotional na mga development magkakaroon ang iyong anak:
- Nakikigaya sa kaniyang mga kaibigan at gusto silang pasayahin
- Posibleng may imaginary friends
- Madalas na makinig at pumayag sa rules
- Mahilig sumayaw, kumanta, at umarte
- Minsan bossy at minsan naman masunurin
- Alam ang pagakiba ng fantasy at reality
- Nagsisinungaling para hindi mapagalitan kahit na alam niya na mali
Tips:
- Kung hindi pa, papasukin mo na ang anak mo sa preschool. Dito siya makakahanap ng mga kaibigan at mag develop ng skills katulad ng independence, responsibility, at confidence.
- Maglaro ng mga games na matututo siya mag share at take turns.
- Bigyan ng compliment ang anak mo kapag nakipag-share siya ng mga laruan niya.
- Turuan mo maging safe ang anak mo kapag may estranghero.
Kailan dapat pumunta sa doktor?
- Kung siya ay nagkaka-tantrums sa mga maliliit na bagay o umiiyak kapag umaalis ka
- Kung ayaw niya makipaglaro sa ibang bata
- Hindi siya interasado sa mga interactive games o make-believe
- Kung lagi siyang takot o malungkot
- Nagkakaproblema parin sa pagkakain, pag natutulog, o pag punta sa banyo
Development ng 49-buwan na bata: Speech at Language
Sa edad na ito, mahilig na magkuwento at madalas mag tanong ang anak mo. Marami siya gustong malaman tungkol sa nakikita niyang mundo.
Mayroon na siyang alam na daan-daang salita at kaya niyang gumamit ng 5-6 na salita sa isang pangungusap. Madali na rin siyang maintindihan kapag nagsasalita.
Ito ang iba’t-ibang language skills na kaya nang gawin ng iyong anak:
- Malinaw na magsalita
- Tamang pag pronounce ng mga sounds pero nahihirapan parin sa ‘s’, ‘w’ at ‘r’
- Madalas magkuwento
- Kumakanta o kayang mag recite ng poem
- May alam ng basic rules ng grammar at tamang paggagamit ng ‘he’ at ‘she’
- Gumagamit ng future tense
- Kayang sabihin ang first at last name
Tips:
- Samahaan mo magbasa, magkuwento, kumanta at mag recite ng mga nursery rhymes
- Papiliin mo siya na kung anong babasahin. Habang nagbabasa, tanungin mo siya kung anu-ano nangyayari sa kuwento.
- Tanungin mo siya tungkol sa araw niya, kung anu-ano mga ginawa at napuntahan niya.
- Wag mag over-react kapag may sinabi siya sayong bastos na joke.
Kailan dapat pumunta sa doktor?
- Kapag hindi siya naiintindihan habang nagsasalita
- Hindi kayang gumamit ng pangungusap na higit pa sa tatlong salita
- Kung hindi tama ang paggamit ng ‘me’ at ‘you’
- Kung hindi kayang sabihin ang first at last name
Development ng 49-buwan na bata: Health at Nutrition
Depende sa kanyang edad, laki, at activity level, ang iyong 4 na taon at 1 buwan na anak ay kailangan ng 1,200 hanggang 1,800 calories bawat araw.
Ang mga babae sa edad na ito ay may taas na 98 cm hanggang 104 cm at 14.6 kg hanggang 17.5 kg na timbang. Para sa mga lalaki may taas sila na 99.5 hanggang 105.4 cm at 15 kg hanggang 17.7 kg na timbang.
Siguraduhin na ang kaniyang meal plan ay may:
- Grains (isang slice ng tinapay, maliit na mangkok ng pasta, cereal, o kanin)
- Prutas at gulay (1 baso ng gulay, 2 baso ng raw leafy greens, isang malaking kamatis, o dalawang karot at isang kalahati ng mansanas o isang saging)
- Karne (1-3 kutsara ng karne, manok, o isda at 4-5 kutsara ng dry beans, peas o 1 itlog)
- Gatas (1 baso ng gatas o yogurt, 1½ ounces ng natural cheese o 2 ounces ng processed cheese)
Tips:
- Huwag pilitin ang iyong anak ubusin ang pagkain na hindi niya gusto.
- Magbigay ng iba-t-ibang mag pagpipilian na pagkain ang iyong anak.
- Iwasan ang mga processed food at matatamis na inumin.
- Ang pinaka healthy na inumin niya ay tubig at gatas.
- Magingat sa mga pagkain na maliit at matigas katulad ng mani at popcorn. Ingat rn sa mga pagkain na puwede siyang ma-choke katulad ng sticky foods.
- Maging good role model sa iyong anak at kumain rin ng mga healthy food.
- Siguraduhin na sa tamang oras mo pinapakain ang iyong anak.
- Isarado ang TV habang kumakain.
- Turuan ang iyong anak ng table manners katulad ng huwag magsalita habang may pagkain sa bibig o paggamit ng napkin.
Siguraduhin din na ang iyong anak ay may mga bakuna na:
- four doses of diphtheria, tetanus, and pertussis (DTaP) vaccine
- three doses of inactivated poliovirus vaccine (IPV)
- three or four doses of Haemophilus influenzae type B (Hib) vaccine
- one dose of measles, mumps, and rubella (MMR) vaccine
- three doses of hepatitis B vaccine (HBV), one dose of chickenpox (varicella) vaccine
- two or three doses of rotavirus vaccine (RV)
- four doses of pneumococcal conjugate vaccines (PCV, PPSV)
- one or two doses of hepatitis A vaccine (HAV).
- flu vaccine (yearly)
Magingat sa mga sakit na common flu, chicken pox, measles, mumps, at mga posibleng food allergy.
Kailan dapat pumunta sa doktor?
Kapag ang iyong anak ay underweight o masyadong maliit para sakaniyang edad, pumunta na sa pediatrician. At inuulit namin na lahat ng mga bata ay magkakaiba at iba’t-iba ang bilis ng pag develop.
Your child’s previous month: 4-taon