5-minute girl nag-sorry na, kakasuhan pa rin ng MMDA

Isang buntis na piskal ang tumangging ibigay ang kaniyang lisensya at magbayad ng P200 multa para sa illegal parking. Umabot ito sa pakikipagtalo sa MMDA at diumano pag-bunggo sa motor ng isang traffic enforcer. | PHOTOS: Screengrab from Gadget Addict and ABS-CBN

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa isang viral video, makikita ang isang babae na sakay ng Hyundai Starex na nakikipagtalo sa mga opisyal ng Metro Manila Development Authority (MMDA) dahil sa illegal parking violation. Ipinipilit ng ginang na patunayan ng mga opisyal na binigyan siya ng palugit na limang minuto bago siya hinuli. Nabansagan tuloy siya ng mga netizens na “5-minute girl.”

5-minute girl

Base sa video na kuha ng netizen (Gadget Addict), dinedepensa ng babae—na isa pa lang piskal—na tinawag siya para tanggalin ang kotse niya dahil sinita na ang sasakyan dahil illegally parked ito, dumating siya agad-agad. Inilalaban niya na nakarating siya sa kotse niya sa loob ng palugit na limang minuto na karaniwang ibinibigay.

Paliwanag naman ng mga opisyal ng MMDA sa kaniya na hindi nagsisimula ang 5-minutong palugit kung kailan niya nalaman na huhulihin na siya, kundi sa punto na nakita ng mga opisyal na illegally parked ang sasakyan at binusinahan nila ang sasakyan para i-warn ang driver sa violation. Sinabihan din siya na maaaring i-tow ang sasakyan dahil sa mga violation na ganito.

Sa isang punto sa video, sinabihan siya ng mga opisyal na itabi ang sasakyan dahil nakaharang sila sa daan habang nagpapaliwagan. Marahas na ikinabig ng babae ang sasakyan niya. “Sige, ho, managasa kayo ng tao,” komento ng isang opisyal na nakita ang ginagawa ng babae. Diumano natamaan ni 5-minute girl ang motor ng isa sa mga opisyal at may damage raw ito.

Isinumbong ng opisyal kay Bong Nebrija, MMDA supervising operations officer, ang nangyari. “Sir, binangga ako!”

Sagot naman ng ginang, “Paano ko babanggain, hinarang ‘yong sasakyan ko.” Komento pa niya sa opiyal na diumano nabangga niya, “O, ano? Iyak ka na?”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinubukan ni Nebrija na ipaliwanag sa ginang ang sitwasyon nang mahinahon, ngunit nagkataasan na sila ng boses nang hindi pumapayag ang ginang na ibigay ang kaniyang lisensya. Sinabi rin ni Nebrija na hindi kailangan ng ginang na sigawan ang mga opisyal. Itinanggi naman ng babae na sumisigaw siya.

Ang multa sa mga violation ng illegally parked na sasakyan ay P200 lamang.

Dumating ang asawa ng babae at sinabi sa mga opisyal na buntis ang ginang at “dinudugo” na raw ito. Sinabihan niya ang mga opisyal na kargo de konsyensya ng mga ito kung may mangyari sa bata. Sinabihan niya ang misis niya na ibigay ang lisensya para mabigyan na siya ng ticket. Dadalhin pa daw ng mister ang asawa sa ospital para mapatignan.

Nag-protesta naman ang MMDA officer na kailangan panagutan ni 5-minute girl ang diumanong pag-bunggo sa motor ng MMDA ngunit ikinagalit ito ng mister dahil kailangan na nilang umalis dahil nga daw pupunta pa raw sila ng ospital.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nang mabigyan ng ticket, madaliang umalis ang mag-asawa sa pinangyarihan ng insidente.

Public Apology

Nang mag-viral na ang video, kusa namang pumunta ang mag-asawa sa tanggapan ng MMDA upang magbigay ng public apology. Binasa nila ang kanilang statement sa harap ng press.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pahayag ni 5-minute girl: “At [sic] August 14, 2018, at aroung 9:30 in the morning to 10 o’clock in the morning, I, together with my husband, figured in an altercation with the officers of rht Metro Manila Development Authority. Unfortunately, heated arguments and commotion happened among us. We would like to take this opportunity to apologize to the MMDA officers, especially to Colonel Bong Nebrija and Constable Azures. We ask for your understanding as well, as emotions got the best of us.”

Dagdag ng asawa nito: “We would like to thank the MMDA leadership, as headed by Chairman Danilo Lim and general manager Jojo Garcia, for giving us this chance to make this apology and in recognizing the consequences of our actions. Thank you and good afternoon.”

Sa Facebook page naman ni 5-minute girl, nag-post siya ng kaniyang saloobin para sa kaniyang mga taga-suporta at bashers.

Screenshot mula sa Facebook

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pinadalahan namin ng mensahe ang ginang sa kaniyang Facebook upang humingi ng pahayag tungkol dito, ngunit hindi pa siya sumasagot.

Kaso labang kay 5-minute girl

Ayon naman sa panayam ng Philstar kay Nebrija, naghain daw ang MMDA ng reklamo sa Land Transportation Office (LTO) para masuspinde o makansela ang driver’s license ni 5-minute girl. Maghahain din daw sila ng kasong administratibo sa Department of Justice (DOJ)—kung saan nabibilang ang ginang dahil siya ay piskal—laban dito.

 

SOURCES: Philstar, ABS-CBN, Inquirer

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement