50k wedding budget Philippines
Viral ngayon sa social media ang post ng isang newly-wed couple sa Cagayan De Oro. Ito ay dahil sa kanilang unique na kasal! Pero sinong mag-aakalang 50k wedding budget sa Philippines pala ito?
Sa isang babae, isa sa mga pinaka-importanteng pangyayari sa kanyang buhay ang ikasal. Dahil sa araw na ito, dito magkakasundo ang tadhana upang sila ay tuluyang magsumpaan.
Noong nakaraang Jan 17, pinatunayan ng newly-wed sa Cagayan De Oro na sina Mr. Guilly and Mrs. Dominique Bahian na hindi kailangan ng magarbo at magastos ang isang kasal. Sa loob ng 6 weeks, successful ang kanilang preparation para sa kanilang kasal. Sino ring mag-aakala na ang kasal na ito na may 24 guests ay may Php 50,000 budget lang? Sobrang wais!
Mula sa kanilang church wedding na ginanap sa San Isidro Parish, makikita mo ang kanilang simple pero memorable na kasal.
Bukod pa dito, nagbahagi si Mrs. Dominique tungkol sa wais na pagpaplano ng kasal.
Una, kailangang magplano ang mag-asawa ng makatotohanan. Kung hindi kaya ng budget, ‘wag nang ipilit. Maging wais at matalino lang sa pagpaplano. Maging simple lang, ito ang pinaka susi. Isipin at intindihin dapat ng maigi ang kanilang kalagayan. Pwede namang makapagcelebrate ng kasal nang hindi naglalabas ng malaking pera.
Pagdating sa decorations ng kanilang kasal, mas pinili niyang paganahin ang kaniyang creative hormones. Nagsimula siyang mag-tingin ng mga sample decoration sa internet at ito ang kaniyang ginawang inspiration sa kaniyang wedding. Nag-online shopping din siya para sa kaniyang veil na worth 300 pesos.
“Everything will be worth it. Because everything was thought through and the experience of settling at the lowest price point without compromising quality is remarkable.”
-Mrs. Dominique Bahian
Isa pa sa kailangang tandaan ng mga ikakasal, ‘wag nang isama sa kanilang pagpaplano ang mga bagay na hindi naman nila kailangan. Katulad na lamang sa pre-wedding shoot nila, imbes na maglabas ng pera sa kanilang location, dito ginawa na lang nila ang pre-wedding shoot bago ang kanilang kasal. Nakatipid na sila sa pera, nakatipid din sila sa oras.
Isa pang nakamamangha sa kasal na ito, ang kanyang wedding gown ay Php 4,000 lamang. Ang bride pa mismo ang gumawa nito! Mas lumalabas ang kagandahan ng mga hand made crafts lalo na kung may kasama itong pagmamahal. Pagdating sa kaniyang mga bisita ay hindi na rin ito gumastos dahil pinagsuot na lamang niya ito ng puting damit sa kanilang kasal.
Ang kasal nina Mr. and Mrs. Bahian ay mas pinili nilang gawing simple dahil alam nila na doon sila sasaya. But what makes it unique? Ginawa nilang bisaya ang kanilang ceremony. Mula sa pagpapalitan ng vows, ang mga ito ay purely bisaya!
Ang panghuli sa lahat, ‘Make it heartfelt’. Ang totong value at meaning ng kasal ay wala sa pagiging engrande nito. Nasa mga taong kabilang nito ang kahulugan ng kaniang kasal.
www.facebook.com/100000258960125/posts/3048102275208375/?d=n