Handa ka na ba sa 7th birthday ng iyong anak?

Ang 7th birthday ay ang edad na ipinaghahanda ng mga magulang, ayon sa tradisyon—dahil daw ito ang simula ng pagkabata na hindi na nakakapit sa magulang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa mga eksperto, ang unang 6 na taon ng bata, na tinatawag na early childhood years ay pinakamahalagang panahon ng pagkabata. Dito kasi naitataguyod ang pundasyon ng kanilang kaalaman at pagkatuto. Kaya’t paglagpas sa edad na 6 na taon, ipinagdiriwang ang susunod na mahalagang milestone sa buhay ng isang bata—ang ika-7 kaarawan. Sabi ng iba, ito ay nagmamarka ng simula ng pagiging  independent ng isang bata. Pagpasok niya sa elementarya, hindi na siya nakakapit sa kamay ni nanay o tatay, ika nga. Mas accountable na siya sa sarili niyang galaw, nagdedesisyon na siya para sa sarili tungkol sa mga maliliit na bagay. Dito na rin natututong magkaron ng ideya kung ano ang tama at mali, at kung ano ang pipiliing gawin. Malaking pagbabago, kaya nga marami ang nagdiriwang nito, sa pamamagitan ng isang malaking handaan o munting salo-salo, basta mairaos ang mahalagang okasyon na ito.

Ang pagpaplano ng party para sa ika-7 kaarawan ng inyong anak ay kailangang may sistema at organisasyon. Gusto nating maging memorable, pero iniiwasan natin siyempre ang sakit ng ulo at “disaster.”

Sa tulong ni Lala Villoria-Datiles, isang pioneer events planner ng Jelly Bellies Party Experts,  narito ang mga dapat na unahin sa pagpaplano ng 7th birthday party.

1. Magplano ng maaga.

Malaki man o maliit na handaan ang iniisip, kailangang maplano ito nang maaga para hindi ka nagmamadali at wala kang makakaligtaan. Iwasan ang rush dahil nakakangarag ito, at sanhi ng palpak na event.

Ilista lahat ng kailangan at gustong gawin para sa party, ayon sa pinaka-una hanggang sa pinakahuli. Itanong sa anak kung ano ang gusto niyang tema o theme, at mula duon ay maililista mo na ang mga aspeto ng party niya.

2. I-set ang budget.

Huwag magplano ng malaking handaan kung kapos sa budget. Kaya maigi rin na magplano nang maaga para pati ang budget ay mapapaghandaan. Tandaan na pwede pa ring maging memorable at espesyal ang party kahit hindi magarbo at magastos. Maraming paraan para mapaganda ang selebrasyon kahit na hindi malaki ang budget.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mag-desisyon din kung ano ang prayoridad: ilan pagkain ba? venue? entertainment? photography? Ang magulang ang magdedesisyon kung saan niya ilalaan ang pinakamalaking budget.

3. Saan, kailan, paano, at sinu-sino?

Kapag nakapili ka na ng petsa (madalas kasi ay hindi sakto sa kaarawan dahil kapag malakihang party, dapat sa weekend ito), makakapili ka na ng lugar na pagdarausan. Ayon kay Datiles, dapat ay venue o lugar na pagdarausan ng party ang unang pipiliin. May mga party venue kasi na isang taon ang reservation period. Aarkila ba ng party venue? Sa labas ba o dapat air-conditioned? Depende ito sa buwan at panahon ng kaarawan. Kung maliit na salu-salo lang naman, at sa bahay ang handaan, hindi ito magiging problema. Paglilinis at pag-aayos lang ang iisipin. Mahalaga ding pag-desisyunan ang oras ng party, para malaman kung ano ang ihahandang pagkain: meryenda ba, tanghalian o hapunan?

Sunod ay ang caterer, kung pipiliing umarkila ng serbisyong ito, lalo kung madaming bisita.

Kapag may theme na ang party, mapaplano na ang mga maliliit na detalye. Itanong sa bata kung ano ang gusto niya: maaaring Thomas the Train, Cars, o kaya ay Circus o Prinsesa, o mga Superheroes. Base sa theme, mapapag-isipan na ang imbitasyon, dekorasyon, games, giveaways, at birthday cake. May mga kumukuha ng host para mas masaya, na minsan ay siya na ring Magician o entertainer. Maaga din ang pag-book ng host. Ito ay kung gusto mo din ng pinakamagaling, payo ni Datiles. “Book them early,” sabi nga niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Makakadiskwentro ka kung kukuha ng packages mula sa mga party coordinators tulad nga ng Jelly Bellies nina Datiles. Kung may malaking budget at mas gusto mo na may ekspertong gagabay at mag-aasikaso kasama mo, pwede kang umarkila ng party coordinator dahil sila na ang bahalang mag-book at mamili ng lahat ng kailangan. karniwan ay coordinator na ang kumukuha ng host, shows, dekorasyon (kasama ang lobo), at food carts. May mga “day coordination” din kung saan tutulong lang sila sa araw ng party, para hindi stressed ang mga magulang. Tutulungan ka naman nila sa mga iba’t ibang option kung saan makakatipid ka.

Tayong mga Pinoy, pagkain ang pinaglalaanan ng mas malaking budget. Alam na dapat kung ilan ang inaasahang bisita para masabi sa caterer. Kung sariling luto sa bahay, ilista na ang mga pagkaing ihahanda at kwentahin na kung gaano kadami bawat putahe. Dapat ay may pagkaing pambata, at pagkain para sa mga magulang at matatandang bisita. Isama din ang pagkaing paborito ng anak na may birthday para naman alam niyang talagang espesyal na araw ito.

May mga cake na kailangang orderin ng maaga, mga 2 hanggang 3 buwan bago ang araw ng party, at meron ding tumatanggap ng 2 linggo bago ang petsa na kailangan ito. Depende sa gagawa at sa uri ng cake na gusto. Siguraduhing may delivery ang cake para hindi na ito aasikasuhin pa sa araw ng birthday. Kung kailangang sunduin ang cake, kailangang isama ito sa plano, kung sino at anong oras kukunin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maghanda rin ng mga games o palaro para sa mga bata, at pati na rin sa mga magulang, para masaya. Madalas ay hanggang 5 laro ang pwede, na hindi maiinip ang mga bisita. Kasama nito ang paghahanda sa mga magiging premyo ng mga manlalaro.

May mga giveaway din para sa mga batang bisita, at minsan para sa mga ninong at ninang ng bata. Depende ito sa theme ng party. Dito na din lalabas ang creativity ng magulang—sa kung anong ipapamigay na souvenir para sa mga batang bisita. Dito rin makakatulong ang party experts.

Aarkila ba ng photographer at videographer? O may kamag-anak kang kaya nang gawin ito? Kahit sa tingin mo ay kaya na ng asawa ito, ibigay na lang sa iba ang responsibilidad na ito, dahil dapat ay nakatutok ka sa bata at sa mga bisita sa araw ng party.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

4. Ipamahagi na ang imbitasyon.

Kapag areglado na lahat ng detalye, at isa o dalawang buwan na lang bago ang party, ipamigay na ang imbitasyon. May mga nagbibigay ng maaga dahil nga gusto nilang makapagplano rin ang mga bisita, at siguradong makakapunta. May mga nagbibigay ng imbitasyon ng mas malapit lang sa araw ng party, lalo na kung mga kalapit na kaibigan at kamag-anak lang din ang iniimbita. Isama sa pagpaplano ang listahan ng bisita, kung ilang bata at kung malakihan ang venue, humingi ng RSVP o pagpapasabi kung makakarating o hindi, dahil kapag may caterer, kailangan ng eksaktong bilang ng bisita. Itanong din sa anak kung sino sa mga kaibigan o kaklase ang gusto niyang imbitahin.

2 linggo bago ang kaarawan:

  • Tingnan ang ulat ng panahon, at mag-isip na ng alternatibong lugar o plano, kung sakaling may padating na bagyo, o di kaya’y masyadong mainit at sa labas ang party.
  • Ikumpirma ang lahat ng booking—venue, caterer, entertainers tulad ng host at clown, at siguraduhing nabayaran ang deposit o balanse, at malinaw ang oras, petsa at iba pang detalye ng party, para sa mga ito.

1 linggo bago ag party:

  • Mag-last minute shopping na ng ibang importanteng kailangan tulad ng pagkain, kung sariling luto at walang caterer, mga giveaways, pagkain ng bata, at mga pa-premyo sa games.
  • Siguraduhing areglado na ang pick up o delivery ng cake. At nagkalinawan na kayo ng gagawa sa disenyo at inaasahang detalye.
  • Ihanda na ang giveaway o goody bags. Kung ipapagawa ito sa coordinator, siguraduhing lahat ng detalye ay ayos na at handa na.
  • Ilista ang party games at kaukulang premyo.
  • Huwag kalimutan ang regalo para sa may-birthday!

Higit sa lahat, patulugin ng maaga at ihanda ang anak sa mga mangyayari. Kung sa hapon o gabi pa ang party, patulugin sa tanghali para nakapahinga na ito. Patulungin din siya sa mga paghahanda na kaya niyang gawin tulad ng pagpuno ng goody bags.

Pagkatapos ng party, maghanda din ng Thank You card para sa mga dumalo at nag-regalo.

Minsan lang sila maging bata, kaya’t bawat milestone ay pinaghahandaan. Bigyan ng isang masaya at memorable na kaarawan ang inyong anak sa pamamagitan ng isang planado at organisadong party.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

READ: 10 Superhero birthday party themes