Kailan ba ninyo huling binigyan ng bulaklak si misis? Noon bang kaarawan n’ya? Anniversary? Valentine’s? Bagama’t sweet ang pagbibigay ng mga bagay na ito lalo’t may mahalagang okasyon, kapag hindi nila ito inaasahan, lalo nilang nararamdaman kung gaano n’yo sila kamahal.
Pero may iba pang mga paraan para maipadama sa kanila ay muli ninyong ligawan. Anu-ano ang mga ito? Narito ang payo ng marriage counselling website Only You Forever.
1. Magbigay
Ang pagiging mapagbigay ay isa sa mga karaniwnag paguugali na mayroon ang isang mabuting asawa. Higit sa pagiging tagatugon sa mga pangangailangan ng inyong asawa, ang isang mapagbigay na asawa ay tumutulong sa kanyang asawa lalo na sa oras na siya nahihirapan. Ibig sabihin rin nito ay ang pagbibigay hindi lamang ng mga materiyal na bagay sa kanya, kundi pati na rin ng inyong oras.
2. Pagsasakripisyo
Bagamat may pagkakahalintulad ito sa pagbibigay, ang pagsasakripisyo ay may mas malalim na kahulugan. Ibig sabihin nito ay ang pagbibigay ng walang inaasahang kapalit na s’yang ugat ng walang kondisyong pagmamahalan.
3. Pagpapakita sa inyong asawa na sila ay inyong pinahahalagahan
Ang simpleng pagpapasalamat sa kanila o kanilang nagawa, lalo sa isang araw na hindi sila masaya, ay malayo ang mararating. Nais ng inyong asawa na maramdaman na sila ay inyong pinahahalagahan kaya naman ang mga bagay na ito ay mahalaga.
4. Pagiging bukas ang loob
Ang pagkakaroon ng bukas na kalooban sa inyong misis ay makapagpaparamdam sa kanya na sila ay mahalaga para sa inyo. Mapa-simpleng plano o plano para sa inyong kinabukasan, ang pagiging bukas sa kanila ay magpapadama sa kanila na sila ay kabahagi ng inyong buhay at nais n’yo siyang maging bahagi ng inyong pagdedesisyon.
5. Pagbabahagi ng mga Gawain
Kung sa inyong palagay ay hindi romantiko ang paggawa ng mga errands, mag-isip kayong muli. Ang paghahati ng mga responsibilidad ay makakatulong na magkalapit kayong lalo ng inyong asawa
6. Pagiging positibo
Ang pagiging positibo sa pamamagitan ng pagsasambit ng mga papuri sa inyong asawa ay makakatulong na pagaanin ang kanilang kalooban. Maipaparamdam n’yo sa kanila na ang kanyang kaligayahan ay inyong kaligayahan rin. Makakatulong rin itong maipalala sa kanila kung bakit nila kayo nagustuhan sa simula.
7. Pagiging mapaglaro o playful
Makipaglandian kay misis. Hawakan s’ya. Have fun together. Ito ang mga bagay na mahalaga para sa romansa sa pagitan n’yong mag-asawa. Ipakita sa inyong misis na hindi naubos ng mga pangyayari sa buhay ang saya sa inyong pagsasama.
8. Be present
Ang pagiging sensitibo sa mga pangagalangan ng inyong misis ay isa sa mga pinakamadaling paraan para iparamdaman na sila ay mahalaga sa inyo. Kadalasan, ang mga pangyayari sa inyong buhay ay nakapagpapalayo sa damdamin ninyong mag-asawa kaya naman ang pagiging present para sa kanila ay nakapagpaparamdam sa kanila na kayo ay invested sa inyong pagsasama.
Ang article na ito ay unang isinulat sa ingles ni Bianchi Mendoza.
READ: 3 Things that you should only talk about with your spouse