Pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad ang isang diumanoy abusadong yaya na nagngangalang Analyn Lachica, tubong Antique, matapos mahuling sinasaktan ang alagang bata.
Sa video na ipinakita sa GMA News, makikita ang pisikal na pang-aabuso ng naturang yaya sa kaniyang one-year-old na alaga.
Una, binatukan niya ang bata habang papalapit sa kama at sinabing, “Doon ka na, matulog ka na.” Habang pinapatulog ang bata, inambangan niya ito ng suntok, tinusuk-tusok ng daliri, at ilang beses na pinalo.
Ayon sa ina ng bata na si Glenda, hindi niya tunay na pangalan, nag-set up sila ng spy camera sa kanilang kuwarto nang mapansin ang pagbabago sa kanilang baby.
“Nanay talaga ang unang makakaramdam, di ba?” sabi ni Glenda.
“May nagbago sa behavior ng anak ko. Medyo naging iyakin, so ‘yon, sinet-up namin ‘yong spy cam sa
master’s [bedroom], sa spot kung saan yung yaya na ‘yon.”
Hindi raw inakala ni Glenda na magagawang saktan ni Annalyn nang ganoon ang kanyang anak dahil pitong buwan na niya itong inaalagaan. Minsan na rin daw nila itong pinatawad nang gawin din niya ang pisikal na pang-aabuso sa kanilang panganay na anak, na limang taong gulang.
“Paghubad ko ng polo niya, may nakita akong pasa. ‘Tapos mayroon ding sugat pero langib na. Sabi ko sa kanya, ‘Saan galing ‘yan? Anong nangyari diyan?’ ‘Kinurot ni Ate Celine,’ ‘yong yaya na ‘yon.”
Lumayas daw ang yaya at hindi na makontak.
Nagsampa na ng reklamong paglabag sa Women and Children’s Protection Act sa Cainta Police.
Anu-ano ang mga signs na you have a bad yaya?
Paano nga ba malalaman kung ang yaya na nag-aalaga sa baby ninyo ay isang “abusadong yaya?”
Para sa maraming mga ina, ang pagkakaroon ng yaya ay napakahalaga, lalo na at ang ibang mga ina ay mga working moms at kailangan nila ng tulong upang alagaan ng kanilang mga anak.
Pero, paano ka nakasisigurado na mahusay ang yaya na nag-aalaga sa iyong anak at hindi isang “bad” yaya?
1. Takot ang iyong anak sa kaniyang yaya
Madalas, kapag napapansin mong hindi komportable, o kaya’y takot ang iyong anak kapag inaalagaan siya ng kaniyang yaya, ay posibleng hindi maganda ang ginagawang pag-aalaga sa anak mo. Dahil kung maayos ang pag-aalaga ng yaya sa bata, dapat komportable ang anak mo, at mararamdaman niya na may malasakit sa kanya ang kaniyang yaya.
2. Hindi niya sinusunod ang iyong mga utos
Hindi maiiwasan minsan na makalimot o kaya’y magkamali ng intindi ang mga yaya sa iyong mga utos. Pero kung napapansin niyong sinasadya na nila o kaya naman ay palagi silang sumusuway sa utos niyo, baka mas mabuting humanap na lang kayo ng ibang yaya sa halip na pilitin niyo pang
3. Pinapangunahan ka sa pag-aalaga ng iyong anak
Bilang magulang, ikaw ang nakakaalam ng pinakamabuti para sa iyong anak. At syempre, importante din na makinig ka sa yaya mo kapag mayroon siyang suggestion o tips sa pag-aalaga. Pero kapag napapansin mong masyado ka nang pinangungunahan, o di kaya’y gusto ng yaya mo na siya palagi ang masusunod, hindi na yun maganda. Ang pag-aalaga sa iyong anak ay dapat maging team effort, kung ayaw makisama ng yaya, mas mabuting humanap na lang kayo ng ibang kapalit.
4. Kapag napaparami ang mga bukol at sugat ng iyong anak
Ito ay isang obvious sign na hindi marunong mag-alaga, o di kaya’y walang pakialam ang yaya ng iyong anak. Normal lang naman sa isang bata ang magkaroon ng mga bukol at sugat, lalo na sa mga malilikot na chikiting. Pero kapag masyadong madalas, at nasasaktan lang sila kapag si yaya ang nag-alaga, hindi na yun tama, at mas mabuting magpalit na kayo ng yaya, bago pa may mangyaring mas malala sa inyong pinakamamahal na anak.
5. Palaging gutom ang iyong anak
Kapag laging inaantok, pagod, o parang gutom ang iyong anak, isa pa itong obvious sign na hindi talaga inaalagaan ni yaya ang iyong baby.
Ibig sabihin din nito na hindi ginagawa ng yaya ni baby ang kaniyang trabaho, at baka lalo pang mapasama ang inyong anak kapag siya pa din ang yaya ni baby. Sa mga ganitong pangyayari, mas mabuti kung maghanap na lang kayo ng mas masipag, at mas maalagang yaya.
Basahin ang buong artikulo tungkol sa “bad yaya” dito.