Real mom shares "Kahit sinaktan ako [physically] ng asawa ko, mahal ko pa din siya"

Biktima ka rin ba ng abusadong relasyon? Iwasan na muling mangyari ito sa pamamagitan ng mga paraang tampok sa artikulong ito.

Abusive relationships stories, paano nga ba maiiwasang mangyari sa ating mga babae?

Image from Freepik

Abusive relationships stories

Isa sa mga mommies ng theAsianparent community ang nagbahagi ng kaniyang kwento. Ayon sa kaniya ay tuluyan na silang naghiwalay ng kaniyang asawa matapos siyang masaktan nito habang sila ay nagtatalo. Pero sa kabila nito ayon sa kaniya ay hindi parin nagbabago ang nararamdaman niya dito. At ito ay mahal parin niya.

Reaksyon ng mga mommies

Naka-relate naman ang iba pang mommies sa kwentong ito at ibinahagi rin ang kanilang abusive relationships stories.

“Hi sis! Kmi din dati ganyan since sobra bata pa kmi nagasawa. Pag galit sya sinasalubong ko galit na galit din aq, ang ending nasasaktan nya aq kasi inuubos ko din pasensya nya kasi nga sinasabayan ko sya. Pero husband ko ndi nmn sya tipong pg lasing mananakit kgd out of nowhere matino nmn sya kht lasing sya pg lang tlga may pinagtalunan kmi. May 1 tym na feeling ko sobra na un panabakit nya e aq palaban aq nilayasan ko sya ksma baby ko. Ilang weeks din un as in walang usap usap hanggang sa sumuko sya nalulungkot sya kasi mlayo kmi sknya ng anak nya ayun nagbati kmi pero bngyan ko sya ng ultimatum na once ulitin nya ndi nq babalik pa sknya.”

“Base on my experience po ganyan sa x husband ko pala inom nananakit nawalan ng work tas sa mama ko kami umasa sa bahay ni mama kami nakatita..  Tinago ko po ng matagal pananakit ng asawa ko kasi dumating ang point na pati mga anak namin sinasaktan nya na yon ang Hindi ko kinya sabi ko OK lang na hiwalay at least may peace of mind po kinaya ko naman sa awa ng dios.”

“May ganyan talaga parang kapatid ko kahit ilang beses na syang niloko at nag kaka sakitan na sila pinapatawad nya parin kasi mahal nya nga pero ang ending ganun parin nangyayari saknila lagi laging away konting bagay nag iisip sila ng masama sa isat isa kasi nawala na yung trust. Pero gusto nya parin makasama eh minsan dinadahilan nya nalang para sa mga bata pero sa nakikita para saknya kasi mahal nya talaga at di nya kaya mawala.”

Paano maiiwasan ang abusive relationship

Ang mga mapang-abusong relasyon o abusive relationship ay nangyayari sa iba’t-ibang paraan. Ito ay maaring emosyonal, pisikal at pinansyal.  O hangga’t may pagkokontrol, pananakot o intimidasyon sa isang pagsasama ito ay maituturing na pang-aabuso na.

Pero maari naman itong maiwasan ng isang relasyon. Sa pamamagitan ng mga paraan na makakatulong rin na mas patibayan pa ang isang pagsasama.

Ang mga paraang ito ay ang sumusunod:

1. Hayaang magkaroon ng free time ang isa’t-isa.

Hindi kailangan sa lahat ng oras ay laging magkasama ang isang magkarelasyon. Dapat ay magkaroon rin kayo ng oras na magkahiwalay na kung saan magagawa ninyo ang ilang bagay para sa iyong sarili. Tulad ng paglabas kasama ng mga kaibigan o kaya naman ay paggawa ng hobbies na kinahihiligan. Sa ganitong paraan ay parehong kayong nag-gogrow bilang isang indibidwal. Habang mas tumitibay ang pundasyon ng tiwala at pagmamahal ng inyong pagsasama.

2. Gumawa ng mga physical activities na magkasama.

Ang paggawa ng mga physical activities tulad ng pag-eexercise ay nakakatulong para maibsan ang stress. Napatunayan rin ng pag-aaral na nakaka-relax ito at nagiging dahilan para mas maging masaya ang isang tao. Kaya naman ayain ang inyong partner na mag-exercise o kahit maglalakad-lakad lang. Alisin ninyo ang stress at lungkot sa inyong katawan. At gawing happy at healthy ang inyong relasyon.

Image from Freepik

3. Magkaroon ng hiwalay na source ng pera.

Isa sa palaging pinag-aawayan ng mag-asawa ay pera. Kaya naman upang maiwasan ang pagtatalo tungkol dito, mabuting magkaroon ng magkahiwalay na source ng pera ang isang mag-asawa. Sa mga misis na nasa bahay lang, maraming homebased job na ngayon ang maaring applyan. O kaya naman may mga pagkakakitaan naman na maaring simulan at patakbuhin habang hindi napapabayaan ang inyong pamilya.

4. Kung may hindi pagkakaintindihan pag-usapan ito at iwasan ang sisihan.

Madalas kapag tayo ay galit hindi natin makontrol ang ating damdamin. Lalo na ang ating mga sinasabi. Kaya naman mas mabuting kapag may hindi pagkakaintindihan ay palamigin muna ang ulo ng isa’t-isa. Saka ito pag-usapan upang maiwasan ang pagsisisihan na magpapalala pa sa inyong hindi pagkakaintindihan. Iwasan rin ang paggamit ng “I” statements sa inyong pag-uusap. Laging isipin na sa isang relasyon hindi lang ito tungkol sa iyo. Kung hindi tungkol sa inyong dalawa ng partner mo at sa magiging kinabuksan ninyo.

Image from Freepik

5. Magkaroon ng mga kaibigang magiging magandang halimbawa at mas magpapatibay ng relasyon ninyo.

Malaking bagay ang maitutulong ng mga taong mayroong malasakit sa inyong pagsasama. Dahil sa oras na may hindi magandang nangyari sa inyong relasyon ay sila ang mga taong maari ninyong kausapin at malapitan. Kaya naman makakabuti ang magkaroon ng mga kaibigang maari ninyong matakbuhan sa mga oras na ito. Mga kaibigang magsisilbing gabay sa pagsasama ninyo.

 

Source: The Corner Health Center

BASAHIN: 3 Paraan para maibalik ang trust sa pagsasama